Kabanata 13

3.7K 90 8
                                    


TULALA lamang akong napaupo sa labas ng ICU. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking utak ang sinabi ng doktor kanina.

"Your grandfather has a blood clot. Kailangang maalis iyon hija dahil kung hindi," umiling ito. "Maaaring alisin iyon sa pamamagitan ng gamot o 'di kaya'y opera. Kung hindi epektibo ang gamot para maalis iyon, kailangan natin ng surgery which is thrombectomy."

"K-kung surgery po... magkano po ang magagastos?"

Ngumiti ang doktor sa akin nang alanganin. "Milyon hija. Higit sa dalawang milyon o maaari pang mabawasan depende sa mangyayari."

Naiinis kong inihilamos ang palad sa mukha. Bakit ngayon pa? Ngayon pa na hindi pa ako tapos magbayad sa utang ko sa loan? Naiiyak kong kinalkal ang wallet ko kung saan nandoon ang listahan ng utang ko. Nag-loan ako noong nakaraang taon dahil lumipat kami ni Lolo sa dating pinagtitirhan. Binili ko iyong bahay na tinitirhan namin ngayon pati 'yong lupa at bumili rin ako ng kaniyang sobra-sobrang gamot para hindi maubusan.

One hundred and fifty thousand pesos. Iyan pa ang kailangan kong bayaran. Paano ako makakautang ulit kung hindi pa ako tapos dito at ang mas malala ay milyon pa ang kailangan?

Hindi ko na mapigilan ang mapaiyak sa sitwasyon. Bakit ba kung sino ang mga mahihirap, mas lalo pang humihirap?

Itinangala ko ang ulo at nag-usal ng dasal. Hindi ko alam kung saan ako hihiram ng pera at kung saan pa ako maaaring magtrabaho. Kahit pa triplehin ko ang trabaho sa isang araw, hindi ako makakalikom kahit sampung libo.

Kinuha ko ang cell phone sa bag at hinanap ang pangalan ni Niel. Hindi niya pa alam na nandito si Lolo. Siya na lang ang natitirang pag-asa ko. Alam kong kaya niya akong tulungan kahit kaunti lang. Tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Mas lalo akong napaiyak. Tinawagan ko siya uli nang tinawagan pero umasa lang ako sa wala.

Mugto ang matang pumasok ako sa ICU. Naalimpungatan si Gandara mula sa pagkakatulog.

"Nandiyan ka na pala Atey," puna niya bago itinuro ang supot sa lamesa. "May pagkain pa pong natira para sa 'yo. Kain ka muna."

Nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan at tiningnan si Lolo'ng mahimbing ang pagkakatulog. "K-kumain na ba siya?"

Tumango ito. "Hinahanap ka rin niya sa 'kin kanina."

Umupo ako sa tabi ni Gandara. Tinitigan ko siya. "S-salamat dahil nandito ka Gandara... pasensiya na rin kung nag-o-overtime ka kahit wala pa akong pang-suweldo sa 'yo." Muling nanlabo ang paningin ko. "Hindi ko na alam kung saan ako pupulot ng pera."

Kinabig ako nito at niyakap. Eighteen pa lang si Gandara at hindi na nakapag-aral dahil sa kawalan ng pera. Nakilala ko siya no'n noong naghahanap siya ng puwedeng pagtrabahuan sa akin.

"Ano ka ba Atey?" Pinalambot nito ang boses. "Keri lang natin 'to. Malakas pa si Dadi 'Lo."

Tulad ng nakagawian ay umuwi ako nang umaga at nagbihis sa bahay para sa trabaho. Napag-usapan namin ng doktor bago ako umalis na puwede nang umuwi si Lolo bukas at titingin na sila ng schedule kung kailan siya ooperahan dahil may mga mas nauna pa raw sa kaniya. Natuwa ako sa narinig. Sinabi ko kay Doc na i-try muna namin ang gamot at saka na ako papayag sa opera 'pag may pera na kami. 'Yon nga lang, mas mahal na naman ang mga gamot na kakailanganin ni Lolo.

Pero susubukan ko na ngayong maghanap ng dalawang milyon o higit pa para agad na siyang gumaling 'pag na-operahan at para huwag nang lumala ang kalagayan niya. Isa pa, magbabayad pa ako ng bill sa hospital kaya't mababawasan uli ang ipon ko. Schedule ko na ring maghulog ng bayad sa loan ko.

Ruined ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon