Kabanata 22

5K 98 22
                                    


TULUYAN na nga akong tinakbuhan ng boses. Ang mga mata ko'y nakapagkit na lamang sa kaniya. Our chest were bobbing up and down.

I couldn't believe what I was seeing in his eyes. Were they real? Or he was just faking it to comfort me?

Ibinuka ko nang bahagya ang bibig upang sana pilitin magsalita nang makarinig kami nang malakas na pagpito. Kapwa kami napabaling sa aming likuran kung saan may dalawang pulis at isang traffic enforcer na paparating.

"Ano'ng kadramahan 'to Ma'am, Sir?" Untag ng isang pulis at nagpabalik-balik ang tingin sa amin.

"Nakakaabala kayo sa daloy ng mga sasakyan. Kung may pinag-aawayan kayong mag-asawa ay huwag dito," singit naman ng traffic enforcer.

Tila ako binuhusan nang malamig na tubig dahil sa hiyang bumalot sa aking kalamnan. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Landon sa aking kamay bago ako marahang hinila paalis sa gitna ng kalsada. Nagtungo kami sa gilid habang kinakausap ng isang pulis si Landon. Ang traffic enforcer naman ay nagsenyas sa mga sasakyang ipagpatuloy ang pag-andar.

Natapos na ang kanilang pag-uusap at kita ko pang tinapik ng pulis ang balikat ni Landon. Nagpaalam na ang mga ito sa amin ngunit hindi ko man lang sila tinapunan ng tingin.

Nakakahiya!

Humarap sa aking gawi si Landon. Tahimik kong tinapatan ang kaniyang nang-aarok na mga mata. His words suddenly echoed inside of my head and I felt my cheeks heat. I wanted to scold myself for feeling giddy because of it.

"Let's go home," mababa niyang turan at pumihit na patalikod habang hawak pa rin ako sa kamay.

Hindi na ako nanlaban pa't nagpahila na lang sa kaniya. We went to his car that was parked on the side. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at pumasok naman ako sa loob. I didn't dare asking him where would he take me because we were already taking the familiar road.

Humugot ako nang malalim na hininga nang matigil ang kaniyang sasakyan sa gilid ng aming bahay. Saglit ko siyang sinulyapan at kita kong may kinakalikot siya sa kaniyang cell phone.

"S-salamat," namamaos kong tinig at binuksan na ang kaniyang pintuan.

When I was about to turn my back on his car, he slowly went out. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. His gaze was unreadable yet intense. Lumapit siya sa akin bago ako marahang kinabig sa braso. My heart leaped.

"Hindi kita hahayaang maiwan ng mag-isa ulit."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. "K-kaya ko na. Puwede ka nang umuwi."

Matigas siyang umiling. "I can't predict your mind so I better stay here with you for a while."

Tumigil ako sa paglalakad at pagod siyang tiningala. "Why are you doing this?" Halo-halong emosyon ang lumulukob sa akin.

Tumiim ang kaniyang bagang, "You already know why."

Bigo akong nag-iwas ng tingin. "Landon sabi ko na 'di ba—"

"I am serious Arisha Mercado." Pagpuputol niya sa akin. "If you're not believing my words, then let me prove it by actions."

Hindi na ako nakapagsalita dahil mas nagrigudon lang lalo ang aking puso. Tahimik kaming pumasok. Kung kanina ay binalot ako ng pagkaalala kay Lolo sa bahay na ito, ngayon naman ay hindi na dahil ang buong atensyon ng katawan ko ay nasa taong kasama ko ngayon.

Pagod siyang naupo sa aming sala at pagod na tumingala sa akin. I avoided his gaze.

"B-bahala ka na sa sarili mo kung mananatili ka muna rito." Gamit ang nanginginig na mga binti ay pinilit kong tumungo sa sariling kuwarto.

Ruined ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon