Chapter 7

25 4 4
                                    

Chapter 7

Truth or Dare

Hindi ako lumingon kahit ilang beses na tinawag ni Mason ang pangalan ko. Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa tumigil na rin siya dahil magsisimula na ulit 'yung shoot.

I tried so hard to take my mind off of what Lily said. It doesn't matter. Nangyari na eh. The least that I could do is to stay away from him.

Pumasok ako sa isang coffee shop at nag-order ng strawberry shake. Pagkatapos ay lumabas na at naglakad-lakad paikot sa buong resort. May mga foreigners akong kasabay na naglalakad habang 'yung iba ay lumalangoy sa dagat. Natatanaw ko rin ang ibang mga kilalang personalidad na humihiga sa sun lounger.

Makalipas ang ilang oras ay naisipan kong bumalik na sa team.

"Emily! Kanina pa kita hinahanap," malakas na sigaw ni Lily.

Naglakad siya palapit sa'kin. "Bakit?" tanong ko.

"Eh, sabi kasi ni Mr. Cojuangco ay may pinahanda siyang dinner para sa'tin. Nahihiya kasi kaming magsabi sa manager na ipahanda na, pwedeng ikaw na lang? Gutom na kasi 'yung ibang crew," nahihiyang sabi niya.

Tinignan ko ang relong suot ko. Halos maggagabi na rin pala.

"Sige, ako ng bahala."

Lumiko ako pakanan papunta sa restaurant. Nang makarating ay agad na pinaasikaso ko sa mga waiters ang pagkain naming lahat.

Pagkatapos ay lumabas ako at dumiretso pabalik sa dalampasigan.

"Lily, pagkatapos natin dito ay diretso na tayong lahat sa restaurant. Pinahanda ko na 'yung kakainin," sabi ko nang makalapit kay Lily.

"Yes! Thank you, Emily."

"Ma'am Emily!" biglang sigaw ni Eric habang sinisenyasan akong lumapit sa kanila. Kasama niya sina Mateo na busy sa kakatingin sa mga pictures at videos sa laptop na hawak niya.

Tumayo ako at naglakad palapit sa kanila. Hindi ko pinansin ang mga tingin ni Mason.

"Ma'am, tignan niyo po kung okay na," sabi ni Eric.

Inisa-isa ko ang mga pictures na nandoon at muntik ng mapaawang ang labi ko ng makita kung gaano ka ganda ang kuha. Kitang-kita sa background ang ganda ng beach tapos sa gitna ay nakatayo si Mason na basang-basa. Napalunok ako ng makita ang abs niya.

"Maganda naman, Ma'am, diba?" mahinang tanong ni Eric.

Tumango-tango ako. "It's perfect."

Napahinga sila nang malalim. "Pagkatapos niyong mag-ayos, magdinner na tayong lahat. Alam kong gutom na kayo."

Agad silang nagligpit ng mga gamit. Tumalikod na ako at babalik na sana sa lounger para doon maghintay nang may humigit sa braso ko.

"Emily, sandali lang."

Inis na bumaling ako sa kaniya. "Ano?!" mariin na tinitigan ko ang mga mata niya.

Nang mapansing hindi nagbago ang tingin ko ay binawi niya ang hawak niya. "Nothing."

Nanunang naglakad na siya papunta sa mga mesa sa ilalim ng puno para kumuha ng tubig. Umirap ako at pumunta sa lounger para kunin ang bag.

"Tara, guys, kain na tayo," nagkayayaan sila kaya naman ay pumunta na kaming lahat sa restaurant. Mag-isa akong naglalakad dito sa pinakalikod. Sa harap ko naman si Mason kasama ang ibang boys.

"Emily, dear! My goodness! Is that you?"

Napatigil ako sa paglalakad ng biglang bumeso sa'kin si Airah ng makita niya ako.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon