Chapter 8

21 4 8
                                    

Chapter 8

To be left behind or to leave someone behind

"Isang tanong, isang sagot. Have you ever had a car sex? And with whom?"

Natatawang umiling si Mason bago inabot ang dalawang shot glass sa harap. Magkasunod niya itong tinungga bago nagsalita.

"I can't tell." Good.

Napuno ng kantiyawan ang grupo dahil sa sinabi niya. Nakahinga ako nang maluwag.

"Ayaw pa sabihin pero halata namang nagawa na. 'Yan ang mukha ng mga lalaking hindi nawawalan ng babae," nakangising singhal ni Jelly kaya tuloy napalingon ako sa kaniya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ngumiti na lang ako at uminom ng beer. Muntik na ko doon, ah.

"Okay, sige, next na," pinaikot muli ni Eric ang bote.

"Yes! Si Ma'am Emily," masayang sabi niya. "Truth or dare?"

Hindi ko alam ang isasagot.

But to play safe, I chose dare. Bahala na.

"Dare."

"Hmm..." inilibot ni Eric ang tingin sa'ming lahat. "Ma'am, sana hindi ako mawalan ng trabaho, ah. Promise, laro lang 'to."

Natawa kaming lahat sa sinabi niya. "It's okay. I understand."

"I dare you, Ma'am, to kiss the most attractive person in the team!" tinaas Eric ang bote ng beer na hawak niya at pinaningkitan ako ng mga mata.

Malakas na humalakhak ako.

Tumingin sa'kin si Mason at kinagat ang labi. Tinignan ko siya pabalik at tinaasan ng kilay.

I mean, yes, siya talaga ang pinakagwapo. But no! I'm not gonna kiss him.

"Pass," sabi ko at nilahad ang kamay para abutin ang dalawang shot glass.

Nanlumo sila sa sinabi ko habang tinutungga ko ang dalawang shot ng Jack Daniels. Napangiwi ako sa pait na dumaloy sa sikmura ko.

Pinagpatuloy nila ang paglalaro. Iilang bote na ng beer ang nainom ko kaya tumayo ako para magpaalam sa kanilang lahat na magre-restroom muna ako.

Pagewang-gewang akong naglakad paalis doon at pumasok sa cubicle. Pagkalabas ko ay muntik na akong matumba dahil umiikot ang paningin ko. Iinom na lang siguro ako ng tubig pagkabalik.

Hahakbang na sana ako paalis ng biglang sumulpot sa harap ko si Mason. "You're drunk."

"Obviously," irap ko at naglakad paalis sa harap niya.

"Come here. Ihahatid na kita sa kwarto niyo."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. He smells nice.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako... Napakapakialamero mo talaga!" sigaw ko at nagpupumiglas sa hawak niya.

"Okay, okay, calm down."

Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at hinayaan na ako. Umiiling na naglakad ako palayo sa kaniya.

Imbes na bumalik sa team ay napag-isipan kong pumunta sa may rock formations. Tiyak na wala masyadong tao roon kasi madilim na. Sa gilid ng dalampasigan iyon nakapwesto tapos parang talampas ang dulo nito.

Kahit parang lumulutang ang dinadaanan ko ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung nakasunod si Mason sa likod ko o hindi.

Gamit ang flashlight mula sa cellphone ko ay inakyat ko ang mga bato. Hindi nagtagal ay nakarating ako sa dulo.

Pumikit ako at tinaas ang dalawa kong mga kamay at huminga nang malalim. Malakas ang tunog ng paghampas ng alon na sumasabay sa mga kuliglig.

Umupo ako at napatitig sa dagat.

"What hurts the most? To be left behind or to leave someone behind?"

Napalingon ako kay Mason ng umupo siya sa tabi ko. Diretso lang siyang nakatingin sa dagat. Tinignan ko ang buwan at mapait na ngumiti.

"In relationships?"

"Yes."

Walang pagdadalawang-isip na sumagot ako agad.

"Syempre, ang maiwanan," I smiled sadly. "Hindi mo alam kung aalis ka rin ba o mananatili sa kung saan ka niya iniwan. You'll be left with questions with no assurance of being answered. You'll search your deepest fears and secrets to be able to figure out where you went wrong," I took a deep breath. "Lahat ng insecurities mo ay sasampalin ka at ipapamukha sa'yong nagkulang ka. And the pain... you wouldn't know when it will last."

Hindi siya sumagot kaya tinikom ko na lang ang bibig ko at nanatiling tahimik. Maliwanag ang buwan ngayong gabi. Ang mga bituin nama'y nagkikislapan. It looks like they're twinkling in happiness.

"What do you think about the person who left the other behind?"

"He's selfish."

"You think so?"

"Of course. Hindi man lang niya inisip na may sasaktan sa ginawa niya. Pwede naman siyang manatili sa tabi niya, bakit kailangan pa niyang iwanan? He could've been honest with her. Sana sinabi niya kung ano ang mali hindi 'yung mang-iiwan na lang bigla. Hindi ko talaga maintindihan ang mga ganiyang klaseng tao."

"Ganun ba..." sabi ni Mason habang nakatingin pa rin sa dagat.

"Why do you ask?"

"Just curious."

"Kung ikaw ang tatanungin ko, ano ang pipiliin mo?"

This time, I looked at him while patiently waiting for his answer. Ngumiti siya at tumingin sa buwan.

"Ang mang-iwan," tumingin siya sa'kin.

"Why?" I asked.

He answered. "No reason"

Yinapos muli kami ng katahimikan. I don't know why but somehow I felt at peace. Dahil siguro sa dagat.

"Can I ask you something?"

"Kanina ka pa tumatanong," tinaasan ko siya ng kilay kaya napatawa siya. "Pero sige, ano ba ang itatanong mo?"

"Remember the guy you bumped into at the coffee shop? Who is he?"

Natigilan ako sa tanong niya at hindi agad nakasagot.

"He's Luke..." malalim na bumuntong-hininga ako. "My ex."

"Ex, huh? What happened?"

Pinigilan ko ang sarili kong sumagot sa kaniya pero dahil mukhang tinablan na ako ng ininom ko kanina ay kusang nagsalita ako.

"Some other girl happened."

"I'm sorry."

"You shouldn't be. Hindi naman ikaw 'yung naghanap ng iba. Besides, nagmo-move on na ako, noh. I don't want to spend the rest of my life crying over a boy," sabi ko habang nakangiti.

I don't know if it was real or fake.

But who cares? The fact that I'm smiling is all that matters.

"He's a shit. You don't deserve him," seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"I know right."

I smiled at him and he smiled back.

Natatamaan ng sinag ng buwan ang kalahati ng mukha niya. Mas lalo nitong nadepina ang matangos niyang ilong. He actually looks good.

"You're beautiful," he said.

Namula ang mga pisngi ko sa sinabi niya. "Uhh.. thank you?"

Natawa siya sa sinabi ko kaya napangiti tuloy ako.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon