Estella and Miguel (A Love Untold) Part 1

21 1 0
                                    

Kilala bilang maginoo, matalino at mahusay sa pagguhit si Miguel sa bayan ng San Rafael. Palagi siyang dinadala ng kanyang ama na si Don Mariano kung saan man nais nito pumunta.

Namatay kasi ang kanyang ina sa sakit na Leukemia noong siya'y walong taong gulang pa lamang, kung kaya't naging sunod- sunuran na lamang siya sa kanyang ama.

Tuwing gaganapin ang piyesta ni San Rafael, maraming mga pa-contest at aktibidades na ginaganap. May paligsahan sa Pagsayaw at Pagkanta. May mga larong pinoy na nilalahukan ng mga bata, matanda, at mayroon din para sa mga dalaga at binata.

Tuwing piyesta hindi mawawala ang pagandahan ng Bahay Kubo ng bawat Baranggay. At ang habulan ng Baboy sa putikan, na kung sino ang mananalo ay siyang may pagkakataon na ialay ang kanyang napanalunang baboy sa mahalagang tao na  gusto niyang pagbigyan nito.

Hindi rin mawawala ang mga kawilihang bilang (Intermission number) ng mga mamamayang may talento. Tuwing gabi may mga perya na dinadaluhan ng maraming tao. Mayroon ring sayawan sa plasa, na may pagkakataon ang isang binata na alukin ang binibining nais nitong isayaw.

Sa kalagitnaan ng kawilihang bilang hindi mawala-wala ang titig ni Miguel sa isang babaeng sumasayaw ng Carinosa, sa ibabaw ng entablado. Nasa ibaba siya ngayon kasama ang kanyang ama na katabi niya at si Don Custodio na Gobernador Heneral na katabi rin ng kanyang ama.

Isang Alkalde Mayor ang ama niya sa bayan ng San Rafael, maraming humahanga sa kanyang ama dahil sa taglay nitong makatao, marespeto at magaling na isang politiko.

Nang matapos ang isang kawilihang bilang ay hindi na maaalis sa isip ni Miguel ang babaeng nakita niya kanina. Kung kaya't pinuntahan niya ito sa likuran ng entablado.

Kinabahan siya ng makita niya ito na umiinom ng tubig. Bumuntong hininga muna siya bago niya pinuntahan ang  binibini iyon.

" Ngayon ko lang nalaman na maganda pala ang Kahel na Rosas"

saad ko, habang tinitingnan ang Rosas na dala-dala ko kanina. Sinadya ko talaga na lakasan ang boses ko upang mapansin niya. At nagtagumpay nga ako dahil nakatingin na siya sa akin.

"Para nga pala sayo Binibini"

kinakabahang tugon kung muli sabay abot sa kanya nang kahel na Rosas. Nagtataka naman siya sa inusal ko. Matagal pa bago niya kunin ang Rosas sa akin. Nakita ko naman na inamoy niya ito at ngumiti ng bahagya.

"Kung iyong mararapatin, maaari ko bang malaman ang pangalan mo Binibini?"

Nakaramdam ako ng hiya.Ngayon ko lang rin kasi ginawa ang ganito,hindi kasi ako sanay na makikipag-usap sa mga babae, pero nang nakita ko siya na sumasayaw parang nagkaroon ako ng lakas ng loob upang kausapin siya.

Napa-iwas naman ako sa kanya, ng tinitigan niya ako mula sa mata. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya ng tinitingnan niya ako. Lumalakas rin ang tibok ng puso ko sa pagkakataong to. Nang tiningnan ko ulit siya, doon ko namalayan na kulay bughaw pala ang mata niya, mahaba rin ang kanyang pilik mata, mapupula ang kanyang mga labi at napakakinis nang kanyang mukha.

"Maaari bang malaman ang pangalan mo Binibini?"

pag-uulit ko na nakangiti pa sa kanya. Bigla naman niyang kinuha ang mga gamit niya at akmang aalis sa harapan ko. Wala naman akong nasabing masama upang talikuran niya ako.

"Sandali lang Binibini" pigil ko sa kanya na bigla naman siyang napatigil.

"Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw mong ibigay sa akin ang pangalan mo, Kung pwede lang sana maaari ba kitang samahan. Ipapasyal kita rito sa San Rafael, kung ayos lang sayo."

ESTELLA MAGDALO SALAZAR (San Rafael series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon