Estella and Miguel ( A love untold) Part 3

12 2 0
                                    

Kahit hindi sabihin ni Don Custodio yon sa kanya, talagang hindi niya pababayaan si Estella.

Hindi niya akalain na sa puntong ito namulat na ang babaeng mahal niya sa mundong mapanghusga.

Hindi niya makayanang makita ang mahal niya na humahagulgol muli sa huling pagkakataon.

Narinig niya sa sinabi ni Donya Esmeralda na balak sanang gahasain ni Don Lorenzo si Estella, dahil sa kasabikang magkaroon ito ng isang anak.

Hindi mapatawad ni Miguel ang sarili niya dahil hindi niya natupad ang sinabi ni Don Custodio na Huwag pababayaan ang kanyang anak.

Nanginginig na ang kanyang kamay, habang nakatanaw ito kay Estella na namamaga na ang mata, at basa na rin ang damit sa mga luhang umaagos sa mata niya.

Nabawasan ang iniinda niya ng sabihin ni Donya Esmeralda na, hindi niya kakasohan si Estella dahil sa nagawa nitong pagpatay sa asawa niya. Na walang dapat sisihin dahil nagkamali rin naman si Don Lorenzo.

Sana kung nandiyan lang ako sa tabi mo, hindi na dapat mangyari sayo ang ganito

Kung sana hindi kita iniwan at tinalikuran hindi mo sana sinapit ang ganito Estella

Kung hindi lang sana ako naging duwag sa kay ama, hanggang ngayon magkasama kaming dalawa

Masaya sana tayo ngayon, kung simulat sapol pa lamang  pinaglaban na kita

Patawarin mo ako Estella, Patawarin mo ako dahil naging duwag ako, Patawarin mo ako dahil dinanas mo ang lahat ng ito.

Patawarin mo ako Estella. Kung sakaling magkikita tayo muli, sana maalala mo ako, Maalala mo ang masasayang pinagsamahan natin na kahit puso’t isip lang natin ang nakaka-alam.

Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay Estella. Ikaw ang una at huling pag-ibig ko. Mahal na Mahal kita Estella, Mahal na mahal kita.

Makalipas ang sampong taon, nalaman niyang inampon ni Donya Esmeralda si Estella. Nasisilayan niya pa rin ito kahit na malayo na siya. Masaya na rin siya dahil makalipas ang mahabang panahon naging normal na ang buhay ni Estella.

Wala siyang lakas ng loob na harapin muli si Estella, matapos ang huling pag-uusap nila. Nauunahan na siya ng takot, na baka kamuhian lang siya nito. Na hindi niya natupad ang pangako niya na hinding hindi niya ito iiwan.

Nakulong na rin ang kanyang ama at si Don Fuscablo dahil napag-alaman na ninanakawan nila ang pera ng gobyerno at sa pagsuporta sa mga illegal na gawain.

Hindi niya pinagsisihan na sabihin sa mga Heneral ang ginagawa ng kanyang ama. Kaya na niyang harapin kung ano man ang mangyayari sa buhay niya. Hindi na siya pwedeng maging duwag duwagan pa sa puntong iyon.

Matapos ang pangyayaring iyon naging maganda na ang pamumuhay ng mga tao sa bayan ng San Rafael.

Hindi na rin siya hinusgahan ng mga tao si Estella, dahil nakikita nila ang kabutihang ginawa ni Estella sa Bayan ng San Rafael. Tinuturuan niya ang mga bata kung paano maghabi ng damit, at tinuruan niya rin ito kung paano maggamit ng pag-senyas.

Nagsimulang maghirap si Miguel nang makulong ang kanyang ama, naubos na rin pera nila sa pagpapagamot sa asawa niyang si Felissa na may sakit na Tuberkulosis. Nakatuon na lamang ang atensiyon nito sa asawa niya na may sakit.

Isang araw habang binabantayan niya si Felissa, nalaman nalang niya na ikakasal si Estella kay Miguel Salvador. Halos malaglag ang puso niya sa nabalitaan niya. Kahit pigilan niya man ito, wala na siyang magagawa pa, dahil hindi niya rin namang maaaring iwan si Felissa na maysakit. Wala siyang magagawa dahil hindi niya rin pag-aari si Estella.

Sadyang nakalimutan na ni Estella ang pangako nila sa isa’t isa. Hindi naman niya masisisi ito dahil siya rin naman ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Wala na ang babaeng pinapangarap niya dahil may bago na itong minamahal. Gusto niya sana hilingin na ibalik ang nakaraan na, noong wala pang problemang dinadala. Yung masaya silang naghahabulan sa may sapa ,ngunit hindi na pwede.

Hindi nagtagal namatay na rin ang kanyang asawa. Naging mag-isa na lang siya sa buhay habang inaalala ang haraya nilang dalawa ni Estella. Nagsisi rin siya dahil hindi niya nasuklian ang pagmamahal niya kay Felissa. Naging makasarili siya sa labis na pagmamahal nito Kay Estella.

Nakatingin nalang siya sa malayo, habang nakikita niyang masaya ito na bitbit ang anak nila ni Miguel. Iniisip niya na sana siya nalang  si Miguel Salvador. Na dapat sana silang dalawa ni Estella ang nasa ganoong sitwasyon.

Halos araw-araw niyang pinagsisihan ang isang desisyon niyang pag-iwan nito. Sa isang iglap lang nawala na ang lahat, pati ang pag-ibig ng babaeng sobra niyang minahal.

Yun na rin  mismo ang huling araw na  nakita niya si Estella. Bitbit niya ang napakapal na Talaarawan na sinulat niya sa loob ng mahabang panahong pag-ibig nito kay Estella. Mananatili pa rin sa puso niya ang pag-iibigan nilang dalawa kahit huli na ang lahat.

Bago siya umalis sa San Rafael, pumunta muna siya sa dating tahanan ng mga Magdalo. Hindi niya alam kung kailan ulit siya babalik sa bayang ito. Iniwan niya ang kanyang talaarawan sa Mansiyon ng mga Magdalo na nagbabaka sakali na mabasa ito ni Estella.

Maraming salamat Estella ipinapangako kung isasama kita sa aking Haraya. Hanggang sa muli mahal ko



***


 

ESTELLA MAGDALO SALAZAR (San Rafael series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon