Estella and Miguel (A love untold)Part 2

21 1 0
                                    


Labag man sa loob niya na pakasalan si Felissa wala siyang magawa dahil hawak na siya sa leeg ng kanyang ama. Naging sunod- sunuran nalang siya palagi.

Natatakot siya sa kanyang ama. Hindi niya lubos maisip na dahil lang sa pera at kapangyarihan, nagbago ang kanyang ama.

Hindi ito ang amang kinamulatan niya, Hindi ito ang ama na hinahangaan niya. Napa-iyak na lamang si Miguel habang tanaw nito si Estella sa malayo.

Nagsisisi siya dahil mali ang nagawa niyang desisyon nang makipaghiwalay siya kay Estella. Nahihirapan na siya sa sitwasyon niya. Naaawa na siya sa babaeng mahal na mahal niya.

Si Felissa ang kasama niya, ngunit si Estella ang tinitibok ng puso niya. Hindi hadlang sa kanya ang kalagayan ni Estella, wala siyang pakialam kong pipi man ito ang importante makasama niya ito.

Sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi lang naman niya ito na-protektahan at natulungan. Palagi niyang iniisip ang mga panahong magkasama sila sa tulay na nagtatawanan, nagsasayawan, nag-aasaran , at nakatanaw sa mga bituin sa kalawakan. Lahat ng iyon, umuukilkil parin sa isipan niya

Nagdadalamhati rin siya sa pagkawala ni Gobernador Heneral Custodio. Nandoon rin siya sa  mismong lugar noong naganap ang sunog sa Bilangguan. Sinundan niya kasi si Estella, pagkatapos nang huling pag-uusap nila, balak niya sanang baguhin ang desisyon na maghiwalay sila.

Natatanaw niya si Estella mula sa malayo na umiiyak, parang dinudurog ang puso niya sa tuwing makikita niya ang mahal niya na umiiyak. Napatulo nalang ang luha niya, kasabay ang paghagulgol ni Estella habang yakap-yakap nito ang ama na nakahandusay at wala ng malay.

Hindi niya inaasahan na mangyari ito sa babaeng mahal niya. Pupuntahan na sana niya ito upang damayan, ngunit hindi makagalaw ang mga paa niya.

Hindi dapat sila makita na magkasama dahil alam na niya ang mangyayari kung sakaling, malaman ng kanyang ama na may namamagitan sa kanila.

Kayang gawin ng kanyang ama ang lahat malinis lang ang pangalan nito.

Hindi na niya nakayanan pa ang sarili at dali-daling pinuntahan si Estella na nahimatay. Nakarinig siya ng bulong-bulungan   habang bitbit niya si Estella na walang malay.

Wala na siyang pakialam sa mga tao sa sandaling iyon, Nais niyang madala si Estella sa Hospital. Hindi niya kayang makita ito na ganoon ang sitwasyon. Natataranta na siya, hindi na niya alam ang gagawin

Sa pagkakataong iyon, nalaman ng kanyang ama na may relasyon sila ni Estella.

Balak sana niya itong ipatapon sa Norte at hindi na kailanmay babalik pa ng San Rafael. Ngunit pinigilan niya ito, dahil hindi niya kayang mawala sa paningin niya si Estella, kahit sa malayo niya lang ito nasisilayan.

Ama, nakiki-usap ako. Huwag niyo pong saktan si Estella, Huwag niyo po siyang ipatapon sa Norte” saad nito sa kanyang ama

Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na layuan mo ang pamilyang iyon. Hindi ka nakikinig” saad naman ni Don Mariano

Ama, mahal na mahal ko po si Estella, hindi ko po kayang mawala siya sa akin.”

Nagmamakaawa kong tugon sa kanya. Nagawa ko naman lahat ng mga pinapagawa niya sa akin. Sinusunod ko naman siya palagi.Hindi na siya ang ama ko

Lintek na pag-ibig na yan. Ano ba ang mapapala mo sa piping anak ni Don Custodio. Kahihiyan lang kung  magsama pa kayo”

Hindi ko akalain na ganoon nalang ang pagkamuhi ni Ama sa Pamilya Magdalo. Hindi ko siya maintindihan

Ama, kahit anong sabihin niyo gagawin ko. Huwag mo lang siya papaalisin dito.”

Napaisip naman siya sa tugon ko.

Kaya kung gawin ang lahat mapabuti lang ang kalagayan niya. Kahit hindi na kami pwedeng magsama, makita ko lang siya na nasa mabuting kalagayan, kampante na ako

Hindi ko akalain na ganoon labis na lamang ang pagkabaliw mo sa babaeng yon. Ikaw rin naman ang nagsabi na gagawin mo ang lahat ng sinasabi ko. Pwes papakasalan mo kaagad si Felissa sa susunod na linggo.”

Parang naestatwa ako sa sinabi niya, hindi maaari. Hindi ko kayang magpakasal sa taong hindi ko mahal. Pero wala na akong magagawa pa kundi ang tanggapin nalang ang lahat ng ito. Para kay Estella, para sa babaeng mahal ko

Kakausapin ko si Rosita na paalisin niya si Estella sa Panaderya. Huwag kanang kumontra pa, dahil buo na ang desisyon ko”

Pagkatapos ng kasal nila ni Felissa, napag-alaman niya na doon ipinagkatiwala ni Aling Rosita si Estella sa Hacienda ng mga Salazar. Kahit na malayo siya sa piling nito, tumatakas pa rin siya sa tahanan nila ni Felissa upang masilayan niya si Estella. Kung nasa mabuti ba itong kalagayan.

Napagtanto niya na maganda ang turing sa kanya ng Pamilyang Salazar, dahil nakikita niya na itinuturing nilang parang anak si Estella at pinapasyal nila kahit saan.

Tinigilan na ni Miguel ang  pagtanaw kay Estella sa malayo, dahil nasisigurado na siyang maayos ang kalagayan nito. Nangangamba rin siya na baka malaman ni Felissa ang ginagawa niyang pagtakas.

Wala siyang may nararamdaman kay Felissa. Mula noong ikinasal sila hindi niya pinagbibigyan ang asawa. Alam naman ni Felissa na hindi siya kayang mahalin ng kanyang asawa, Nagtitiis lamang siya dahil simula pa lang may paghanga na ito kay Miguel. Kahit siya lang ang nagmamahal , ayos lang dahil ang importante kasama niya ang lalaking iniibig niya.

Palaging sumusulat si Miguel sa kanyang Talaarawan. Nag-umpisa ito noong  nakilala niya si Estella. Hindi maalis-alis sa isip niya noong siya ay sumasayaw sa piyesta. Upang ipahayag ang nararamdaman niya, isinusulat na lamang niya ito sa kanyang talaarawan at nagbabakasakali na mabasa ito ni Estella balang araw.

Makalipas ang panahon, Isang masamang balita ang narinig niya nang malaman nito na namatay na si Don Lorenzo at higit pa doon, napag-alaman niya na ang kanyang babaeng minamahal ang may kagagawan noon.

Hindi siya naniniwala sa mga natuklasan niya kung kayat pumunta siya sa tahanan ng mga Salazar. Nakita niya na puno na nang dugo ang tahanan ni Don Lorenzo, maraming mga taong nagsisikumpulan doon, may nagbubulungan at hindi makapaniwala sa sinapit ni Don Lorenzo.

Hindi ito magagawa ni Estella usal nito sa isipan.

Naalala naman niya ang sinabi sa kanya ni Don Custodio noong ito’y nabubuhay pa dahil minsa'y bumibisita rin ito sa bilangguan. Napag-alaman na rin ni Don Custodio na may relasyon sila ni Miguel, dahil sinabi rin ni Estella sa kanya ang lahat. Hindi naman siya tutol sa relasyon nila dahil makita niya lang na   masaya ang kanyang anak masaya na rin siya.

Simula pa lang hindi ko gustong mamulat si Estella sa sitwasyon ng mundong ito. Natatakot kasi ako na huhusgahan siya ng mga tao, dahil sa ito ay pipi. Hindi ko gusto na malaman niya ang katotohanan. Dahil nag-aalala ako na baka hindi niya kayanin kung ano man ang makita at matuklasan niya sa mundong ito.

Sa puntong ito, alam na niya kung ano ka-bangis at ka-delikado ang buhay sa mundo. Mahal na mahal ko ang anak ko Miguel, nagsisisi ako dahil sa pagkakasala na nagawa ko, nahihirapan na ang anak ko Miguel.

Alam kong sa pagkakataong ito, wala na siyang ibang mapupuntahan kung hindi ikaw lamang . Huwag mo sanang pabayaan ang anak ko kahit anong mangyari huwag mo siyang iwan”

At tuluyang bumagsak ang mga luha nito

ESTELLA MAGDALO SALAZAR (San Rafael series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon