(っ◔◡◔)っ 🏍 LIO 🤷🏻♂️
Limang araw ng nakakalipas simula nung birthday ni mama, enjoy naman, masaya at busog ang lahat.
Ambilis talaga ng araw, heto ako ngayon, nakahiga, nagiisa sa Condo.
Ayoko pa nga sanang gumising kaso walang tigil sa kakatunog 'tong cellphone ko. Umunat unat muna ako bago ko ito tinignan.
Ano kayang meron? Bat kaya ang dami ko nanamang notification.
Una kong binuksan ang message sakin ni Maya.
"Magandang Umaga Sir. Lio, nagemail na po si Ms. Amanda tungkol po sa Proposal, pero yung mga detalye po, sa mismong email niyo po niya si-nend, hindi ko rin po mawari kung bakit niya hiningi yung personal niyong e-mail. Salamat po!"
Linggo naman ngayon, bukas ko na lang titignan yung email kapag nasa trabaho na.
Napakamot na lang ako sa ulo sa pagtataka. Bakit naman sa personal ko pang email? Ngayon lang ako nakaranas neto kung sakali, ganon ba kaimportante ang sasabihin nung cliente?
Siguro? Bulong ko sa aking sarili
Bumangon na ko ng bahagya, habang binubuksan ang sumunod na text.
"Nak, Lio! Baka wala ako sa isang Linggo, may aasikasuhin ako sa Maynila. May lakad ka ba ngayon?"
Si Papa.
Napangiti ako, agad ko siyang sinagot.
"Kakagising ko lang pa, dito po ako ngayon sa Condo. Wala po akong lakad, anong meron, magpapasama po ba kayo?" parang akong nagalak na ewan.
Para akong bata na tuwang-tuwa na akala mo ibibili ng bagong laruan.
Ganon naman yung Tatay ko, minsan may itatanong lang makikipagkita pa yun, may ibibigay lang, pupuntahan pa ako. Siguro bumabawi sa dalawamput-isang taon na hindi kami nagkasama.
BINABASA MO ANG
Hotel Strangers equals Disaster
Romance"Saan nga ba natin natatagpuan ang pagibig?" --- Sa kababata natin? na 'di naman natin magawang aminin! Sa jeep? yung nagabot ng bayad kaya lang hindi ka lumingon! Sa school? kaso lang gumraduate na yung crush mo 'di mo na alam kung saan hahagilapi...