HSED 22 🏨

219 124 7
                                        

(っ◔◡◔)っ 🏍 LIO 🤷🏻‍♂️

Sobrang saya ko na sinagot na ko ni Rayka, pagkatapos ng anim na taon may aalagaan at papahalagahan na ulit ako.

Meron na ko ulit na matatawag na akin, may paglalaanan na ulit ako ng oras, may ipapakilala na ko kay Mama ulit, kahit alam kong kilala naman niya, dadalhin ko parin si Rayka sa bahay para ipagmalaki kay Mama na yung babaeng gusto niya para sakin, totoong girlfriend ko na.

"Narinig ko kayong dalawa" sabi ni Ronan.

Nagkatinginan lang kami ni Rayka.

"Paano ba yan? Kayo na lang ni Jannah ang single? Isn't it a good sign?" bigla sabi ng girlfriend ko.

May gusto ba yung dalawa sa isa't isa? Parang laging nagaasaran yon ah?

"I think it's a good sign bro" pagsasangayon ni Roland.

Sobrang pagtataka ko, bumulong na ko kay Rayka. "Al anong meron?"

Tumatawa siya na sumagot sakin "We are shipping them, support me on this Al, you know bagay sila, and kung hindi sila magaasaran something would work out, what do you think?"

May tiwala ako sa mga pakiramdam ng girlfriend ko, magaling ang mga babae sa mga ganyan eh? Mangilatis, manghuli, makaramdam kapag may mali or kapag may nagbago, kaso baka mamaya hindi magustuhan nina Ronan kapag sinakyan ko siya.

"Al sorry, baka magalit sina Ronan sakin, pero may punto ka naman, kahit naman sino kapag piniling ma-appreciate ang isang tao, may pwedeng mangyari" banggit ko sa kanya.

"I think if Lio were with us for our past session, he would agree also team Ronnah" na-excite tuloy akong makipagkwentuhan sa kanila.

"Nako, Lio wag mo ng subukan ah? Hindi pa ko nakakamove-on sa kasalanan mo" paalala ni Ronan

"Girlfriend na nga ako, you can't still forgive?" tanong ni Rayka

"Humihingi ako ng pasensya, naiintindihan ko, sorry sa abala, pinagsisihan ko yun" at tumungo ako.

"Ikaw naman hindi mabiro!" At tinapik ako ni Ronan.

"Biro ba yon? Parang seryoso kaya?" ayon kay Jannah.

Natapos na yung ibang program, si Ronan at Roland din ang nagsayaw kay Shaine kasi yung tatay ni Jannah ay hindi nakauwi dahil may business daw sabi sakin ni Rayka.

Hindi na kami tumayo sa lamesa kasi yung mga waiter na mismo ang nagbigay samin ng pagkain, napangiti ako nung nakita ko yung plato ko, kahit san talaga ako lumingon laging may tatak na Rayka.

Tinapa Rice parin ang bida, yun ang hiling na regalo ni Shaine kay Rayka, kaya nung nalaman ko nagsabi ako na akong bahala sa spicy lechon kawali, hindi naman tumanggi si Shaine kasi nagustuhan daw ng sobra ni Conor.

Babayaran ako nina Shaine pero tinanggihan ko yon, lahat naman ng pabor na hiningi ko sa kanila tungkol kay Rayka ay wala naman silang hininging kapalit, masaya na rin ako na matikman ng mga bisita yung mga bagay na pinaghirapan naming dalawa.

Biglang nagtext si Mama at tinanong kung uuwi ba ko sa bahay niya, aalukin ko sana si Rayka, pero bigla akong nakatanggap ng message sa Daddy niya.

"Mr.Ruiz kailangan natin magusap, wag mong ipapaalam sa Anak ko 'to, pumunta ka dito sa bahay pagkatapos ng kasal"

Kinabahan ako, ngayon lang ulit ako pinapatawag na hindi ko pwedeng ipaalam kay Rayka, pangatlo na ito sa mga paguusap namin ni Mr. Locsin, yung una dahil doon sa issue namin sa Hotel at sinabi ko yun kay Rayka. Pangalawa, tungkol kay Treavor at nakarecord sa tawag lahat ng pinagusapan namin dahil magkaibigan na kami ni Rayka noon.

Hotel Strangers equals DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon