Gemini.
Bakit parang ang init bakit parang ang sikip sa kama? Sino ba tong katabi ko?
...
O-o
Teka? KATABI?! Lumingon ako bigla sa kaliwa ko, si justin katabi ko?! Pano napadpad yan dito? Asaan na yung iba? Umupo ako agad. Shet ano bang trip nitong mga to? Nakita ko si stell sa sahig natulog sa fur rugs naka kumot pero halatang naka topless siya. Maygahd ano to?
Nakita ko si justin nagkukusot ng mata nagising ko ata likot ko eh. Dumilat siya at tumingin sakin sabay ngiti ng malaki
"Gising ka na pala, samahan mo ko please" sabi niya at nagpout, saan naman ako dadalhin nito?
"Saan naman?" Sabi ko habang humihikab. Umupo na siya tapos nagunat unat
"Magluto ng breakfast! Turuan mo ko magluto ng masarap ng breakfast" sabi niya. Akala ko naman kung ano
Muka ba kong chef? Char. Dahan dahan kaming bumaba ng kama kasi baka magising si stell muka pa naman siyang nagphophoto shoot sa magazine hahaha vogue ang peg.
Pagkalabas namin sa kwarto nakita namin si josh natutulog sa sofa, sana palagi ka nalang ganyan noh? Para muka kang mabait.
Pumasok na kami sa kusina at naghanda para sa breakfast, si justin na pinaaabot ko ng pans :3 matangkad siya eh baka malaglag nanaman ako.
"Teka lang Leo ahh may tumatawag sakin eh" sabi niya at nagexcuse saglit, pinepare ko na yung mga kailangan nagmix na ko ng mga pang breakfast, ano ba maganda lutuin dito..?
Breakfast list:
Egg rolls
Pancakes
Beef tapa
Rice
HotdogsOkay na yan tas magtitimpla nalang ako ng orange juice.
"Nako Leo ikaw muna diyan, labas muna ako saglit tinatawag ako ng kapatid ko ehh sorry talaga babawi ako next time" sabi nito at tumakbo
Sanay naman ako iwan (hugot?) char.
"Oi ano yang ginagawa mo?" May nagsalita mula sa likod ko pagharap ko si josh...nakasandal sa pader
"Pake mo?" Sabi ko, nakakairita umagang umaga
"Attitude? Di porket nakasali ka na sa grupo gaganyan ka na" sabi niya
"Di porket bago ako lalait laitin mo na ko" sabi ko hmpphh maiflip na nga lang yung pan--
"ARAY!!" Mali ata nahawakan ko, tangaaaa ano bayan
Agad na lumapit si josh at pinatay yung apoy, hinila niya ko sa may table at pinaupo
"Ayos ka lang? Wag kang gagalaw diyan teka" sabi niya at umalis para kumuha ng first aid kit
Ginamot niya yung sugat ko, nilalagyan ng cream habang binoblow kasi mahapdi, malapit yung muka niya sakin focus na focus siya habang hawak yung napaso kong palad
Bakit ako naiilang ano bayan. >~<"
Tumingin siya sakin sobrang lapit ng muka namin sa isa't isa shet
"Masakit? Ako na magluluto bahala ka na diyan maupo ka" sabi niya at tumayo na, palagi bang seryoso to? Masungit? Sakin lang ata talaga... nakaupo lang ako habang pinagmamasdan siya, ngayon lang siya bumait sakin ng ganito. Sorry josh puro gulo lang dinudulot ko sainyo.
Mayamaya ay natapos na din siya sa pagluluto, marurunong naman palang magluto bakit ba ko nagvovolunteer sa pag luluto.
"Josh sorry naabala pa kita." Sabi ko, humarap siya sakin at tiningnan ako ng masama
BINABASA MO ANG
Book1 : To That Handsome Maiden | SB19 FANFICTION (COMPLETE)
FanfictionStorya ng isang babae na kailangan magpanggap na lalaki dahil sa gusto niyang mahanap ang kuya niya, Saktong nagkaron ng aksidente kaya naman mapapasok siya sa grupo ng sb19 bilang isang lalaki Hanggang sa hindi maiiwasan ang nararamdaman para sa...