Josh.
Natapos namin yung go up tsaka yung tilaluha. Andito na kami sa dressing room nagreretouch kasi sasayawin ulit namin yung alab, tapos kakantahin namin yung bakit ba ikaw.
Naalala ko nanaman si leo. Masama loob ko oo, kasi marami akong plinano kasama siya sa buhay ko.
Masama loob ko kasi di ko na siya makikita. Naattatch na ako sa kanya eh, yung puso ko hinahanap hanap na siya.
"Penge po ako ng tubig" sabi ko sa isang staff dito. Para akong natutuyuan ng lalamunan.
"Josh anong balak mo ngayon? Hindi mo ba hahabulin si leo?" Tanong ni sejun.
Tumingin ako sakanya. Hahabulin ko ba. Worth it ba kung hahabulin ko? Worth it siya oo. Pero paano kung ayaw na niya sakin?
"Ikaw ba? Okay lang sayo na wala si leo?" Tanong ko sakanya. Ngumiti siya sakin.
"Saglit ko lang nakasama ang kapatid ko. Nagpapasalamat ako dun. Pero alam kong mas sasaya siya sa desisyon niya, kaya rerespetuhin ko yun" sabi ni sejun.
"Josh kung ako sayo habulin mo na si leo. Pagkatapos nito." Sabi ni ken.
"Gusto ko siya josh. Gustong gusto, pero nirerespeto ko yung pagkakaibigan natin. Alam kong mahal ka nung tao josh. Wag mo nang sayangin ang pagkakataon." Sabi ni ken ulit. Tumayo na silang lahat kasi tinawag na kami. Nang madaanan ako ni ken, tinapik niya ako sa balikat.
"Mabigat sa loob niyang iwan ka." Sabi niya at lumabas na, dumating naman yung staff na may hawak ng baso ng tubig.
"Salamat po" sabi ko at uminom. Pag lapag ko nabasag ko yung baso.
*Blaaaaag*
Hala...ano ba yan. Paakyat na kami eh.
"Josh punta na dun!" Sigaw ni president robin.
Umakyat na kami ng stage. Madaming tao, nakapwesto na kami lahat sila naghihiyawan.
Natapos na namin ang kanta at lahat kami pagod na pagod. Kamusta na kaya si leo?
Josh ano bang iniisip mo ito na ang pagkakataon wag mo nang pakawalan yung tao!
"Uhm..president wala naman na tayong gagawin sa mga susunod na buwan diba?" Tanong ko at tumango naman siya. Tumayo ako agad at nagdrive papunta sa bahay namin. Baka nandun pa siya mabagal kumilos yun eh. Oo josh mahahabol mo pa yun!
Binilisan ko yung takbo ng kotse. Finally andito na ako sa tapat ng bahay namin. Pagpasok ko walang tao. pumunta ako sa mga kwarto kwarto para hanapin siya wala na siya. Hindi ko na siya naabutan.
ANG TANGA MO TALAGA JOSH!
Wala na hindi mo na makikita si leo. Napaupo ako sa sahig.
"AAAAHHHHHH!!!" sigaw ko. Josh bakit mo hinayaang makawala si leo?
Pumasok ako ulit sa kwarto. May napansin akong sulat sa kama ko. Malamang galing kay leo to.
Andito din yung kwintas niya. Sorry leo nabigo kita. Dapat pala ginawa ko ang lahat para pigilan ka.
Binasa ko yung sulat, habang binabasa ko ito tulo nang tulo mga luha ko. Sorry leo.
Biglang may tumawag sakin. Si manager jim.

BINABASA MO ANG
Book1 : To That Handsome Maiden | SB19 FANFICTION (COMPLETE)
FanfictionStorya ng isang babae na kailangan magpanggap na lalaki dahil sa gusto niyang mahanap ang kuya niya, Saktong nagkaron ng aksidente kaya naman mapapasok siya sa grupo ng sb19 bilang isang lalaki Hanggang sa hindi maiiwasan ang nararamdaman para sa...