VII.

299 18 2
                                        

Gemini.

Gabi na ngayon at andito kami sa labas tumatambay lang, ang ganda ng beach eh, sa mga susunod na araw kasi magiging busy na kami. Nakaupo ako sa may log dito nagiisip.

Sana makita ko na kuya ko, ano kaya itsura niya? Matangkad ba siya? Hmm maputi? Mabait kaya siya? Pag nakita niya ba ko matutuwa siya? O maiinis?

Tunawag ako kay mama mangangamusta lang.
*ring ring ring*

"Hello *cough* anak! Oh ikaw pala yan! Kamusta ka naman diyan?" Tanong niya. Naguiguilty ako kasi hindi niya alam kung nasaan ako. Ang alam niya andito ako nagbabakasyon sa best friend ko, kay Ellie. Di ko na nga siya nacocontact actually eh.

"Uhm okay naman po ako dito! Masaya po! Sorry po kung iniwan ko kayo" lungkot na sabi ko. Sorry talaga ma. May itinutupad lang ako na promise.

"Ma? Inumin niyo gamot niyo ahh? P-palakas po kayo. Antayin niyo si kuya at ako" sabi ko. Nangingilid na mga luha ko, naiiyak ako kasi super guilty ako. Para din naman kay mama to eh

"Anak.....mahal na mahal kita ha? Kakain marami pataba ka hehe" sabi niya. Bakit lalo akong naiyak. Binaba ko na agad yung phone hindi na ako nakapagbabye naiiyak na kasi ako.

"Okay lang yan Leo ilabas mo lang yan" narinig kong may nagsalita, paglingon ko, si sejun pala

"You were good kanina. Keep up the good work. Kung may problema ka lapit ka nalang samin family ka na din namin." Sabi nito at tinapik tapik yung ulo ko. Sorry kasi nagsisinungaling ako sainyo.

"Salamat sejun kung wala ka di ko magagawa yun" sabi ko

"You just have to learn one thing. Be a good leader to them, i'll still guide you naman" sabi niya.

"Salamat." Sabi ko. Di ko makita gaano muka niya sa dilim. Malabo mata ko sa dilim eh.

"Ano ba problema mo? If you don't mind me asking" sabi nito. Huminga ako ng malalim naiiyak kasi ako

"Kailangan kong makita yung kuya ko kaya ako sumali dito sa totoo lang. Si mama kasi nanghihina na. I promised her i would bring her son back." Pagpapaliwanag ko.

Kaya ako nagpapanggap sejun... i had to believe everyday na lalaki ako.

"I never had parents. Ayoko kaawaan i'm happy naman kung ano meron ako ngayon. Still, I want to know who gave birth to me." Sabi niya. I feel so comfortable with him like this

(A/N: again di po ito totoo)

Pumasok na din kami ni sejun tulog na ata ang lahat. Bukas na ang last day namin dito kasi the next day we'll be leaving to manila. Humiga ako sa kama ko at mabilis na nakatulog pagod din kasi.

--------------
Unti unti kong minulat mga mata ko may yumuyugyog kasi sakin, pagdilat ko nakita ko si

"Good morning!!" Bati ni stell nakangiti sakin. Umupo naman ako agad at nagunat

"Tara samahan mo ko magluto!" Sabi niya tapos tumayo nang nakatalikod sa kama ko

"Sakay" sabi niya. Huh? Sakay?

"Huh? Pano?" Sabi ko tapos hinawakan niya both wrists ko at hinila papunta sakanya tapos tumalikod siya tsaka niya sinampa yung arms ko sa balikat niya.

Piggy backride

^~^

"Magluluto tayo leo! Tulungan mo ko, tas maglakad lakad tayo sa labas" sabi niya siya pinakauna nagising.

Nagluto kami ng sausages,hotcakes, bacon, toast at nagtimpla naman ako ng juice. Tapos na kami magluto kaya lumabas muna kami at naglakad lakad sa buhangin.

Book1 : To That Handsome Maiden | SB19 FANFICTION (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon