XVIII

277 17 2
                                    

Josh.

Andito kaming lahat sa isang maliit na room, wala pa si gemini kasi may kinuha daw na files. 

"uh Josh? bakit nga ulit tayo nagtatago dito?" tanong ni justin

Sobrang liit ng room na to parang bodega lang kasi to, tapos magkakalapit pa kami kaya mainit din, wala akong alam na ibang mapagtataguan eh bakit ba.

"Totoo ba yung nakita ko kanina?" tanong ni stell.

"Oo stell. si gemini nga. Hindi ka minumulto. Totoong buhay siya." sabi ko naman.

"Pero paano? at bakit hindi niya tayo makalimutan?" tanong naman ni ken.

yun din yung ipinagtataka ko eh, paano siya nabuhay? at bakit wala siyang maalala, bakit ibang pangalan ng babae yung naaalala niya?

isa lang ang dapat kausapin tungkol dito, si manager jim. Siya ang huling nakasama ni gemini. cassidy? tss ang corny ng pangalang na binigay nung matandang yon.

"Diba si manager jim ang huling nakasama niya?" tanong ni sejun.

"oo siya nga. kaya kailangan natin siyang makausap tungkol dito. Ngayon hayaan muna natin si gemini na ganyan hanggang sa maalala niya siguro yung nakaraan niya, syempre tutulong din tayo na makaalala siya diba." sabi ko sakanila kaya sabay sabay silang tumango.

lumabas na kami lahat sa bodega at lahat kami nagulat kasi nasa labas si gemini. nakatingin samin.

"Ano naman ginagawa niyo diyan? bakit kayo andiyan?" sabi ni gemini. lahat kami nanlaki yung mata.

"A-ano..nagpapractice kami ng vocalization, d-diba stell?" tanong ni justin kay stell. vocalization? tss yun ata yung pinaka lame na narinig kong palusot ano ba yan jah.

"ahh. okay anyway let's start our meeting? first I want to know you guys more, and maybe you'll know something about me" sabi niyang nakangiti. ibang iba siya, ayos na ayos, hindi ako sanay na makita si gemini na ganyan. 

andito kami sa meeting room and lahat sila nakatitig kay gemini, mahahalata tayo niyan eh. sino ba namang hindi mapapatitig? eh ang ganda nung nasa harapan namin eh. Namiss kita gemini, hanggang ngayon umaasa akong makasama ka habang buhay. Mahal na mahal parin kita.

"Hi guys, so i'll start first? Kasandra Cassidy name ko, the surname's not really important. I came from london with my close friend, jim. Sabi niya manager niyo siya dati?" sabi niya. Sabi na eh, si manager jim ang huling nakakita dito kay gemini, pero bakit nagpaiwan siya. tumango kaming lahat sa tanong niya.

"I hope na maging close tayong lahat and we'll work well" sabi niya. Nalulungkot ako, parang ito yung first time na nakilala namin siya. Sorry leo hindi kita napigilan, kung nakaabot ako edi sana wala tayo sa sitwasyon na ito ngayon.

"Okay so now that i'm done, your turn." sabi niya samin, ngumiti siya sakin. namimiss ko yang ngiti na yan, yung ngiti na saakin lang nakatingin.

"Ah.. I guess i'll start first? Sejun name ko, I am the leader." sabi ni sejun. nalulungkot din ako para kay sejun, saglit niya lang nakapiling yung kuya niya, tapos ngayon hindi pa siya maalala.

"I'm ken, the main dancer." pagpapakilala ni ken.

"Ako si stell. tinaguriang heavenly voice sa sb19"

"Ako si Justin! I am the youngest member." sabi ni justin.

"Awe, halata nga, you're cute." sabi ni gemini sakanya. Bigla naman nagblush si justin, josh kalma walang naaalala yung tao ipasintabi mo muna yang pagseselos mo pwede ba? 

"I guess ako nalang, ako si josh. Most charismatic member ng group" sabi ko sakanya. Ako si josh, hindi mo ba naaalala? yan ang mga gusto kong itanong sakanya. 

Book1 : To That Handsome Maiden | SB19 FANFICTION (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon