X.

266 17 1
                                    

Justin.

Lately pagaan nang pagaan yung loob ko kay leo.

Ang cute cute niya talaga! Ngayon yung lakad namin, magsswimming kasama namin yung bruha na yon, si ellie. Akala mo mabait sa una, ang sama sama ng ugali, akala ko talaga di na sila magkasintahan ni josh nagulat kaming lahat na magkasama sila, matapos niyang iwan si josh babalik siya? Tss...

Nakita ko si stell nagvavlog kaya lumapit ako sakanya

"Hi!!" Sigaw ko sa camera tapos tinutok niya sakin yung camera

"Excited ka na ba justin?" Tanong niya sakin

Tumango naman ako habang nakangiti. Oo excited na ako! Pinapauwi na kasi ako ni daddy eh, ako daw kasi mag mamanage ng company namin

Palagi kaming nagaaway kasi ayaw niya sa ginagawa ko ngayon, ako naman ayokong magmanage ng kompanya, ang boring kaya nun tsaka masakit sa ulo. Kailangan ko daw mag-aral sa Korea. Ayokong iwan sila sejun! T__T

Pamilya ko na din sila kaya di ko magawang iwan tong mga to.

Flashback

"Anak! Huwag mo akong susuwayin! Anak lang kita! Ikaw ang magmamana ng kompanya sa ayaw at sa gusto mo!"

Galit na galit na sumigaw ang tatay ni justin sakanya.

Ilang taong nagstay ang pamilya ni justin sa korea para magaral sa business. Umuwi si justin magisa pabalik ng pilipinas nang malaman ang tungkol sa pagaudition sa showBT.

End

Ngayon, uuwi daw sila dahil sa may ipapakilala sakin na pwedeng makatulong sa business nila. Park Chin Sun daw ang pangalan niya.

Kailan niya kaya matututunan na mahalin din yung mga bagay na nakakapag pasaya sa anak niya?

---

Nakarating na kami sa pagsswimmingan namin, buong biyahe si ellie lang maingay nakakairita talaga yung bruhang yon. Nagaayos na kami ng gamit. Magkasama, ako , si stell at si ken. Tapos sa kabila, si sejun, josh, ellie at leo. Buti nalang andun si sejun, kung wala siya third wheel si leo, malungkot maging third wheel hahaha.

"Ken! Ken! Ano oras tayo magsswimming?" Tanong ko

"Mamaya daw papahinga muna daw sabi ni president robin. Bakit?" Tanong nito.

"Ah wala naman" ngiti ko sabay lumabas ako ng kwarto, maisama nga si leo, gustong gusto ko siya kasama ewan ko ba. Kumatok ako sa kwarto nila, binuksan ni ellie.

-_-"

Ngumiti siya sakin kaya ngumiti din ako sakanya pero peke.

"Hi justin! Come in! Wag ka mahiya!" Sabi ni ellie kaya pumasok na ako agad. Ikaw nga dapat mahiya ehh ,sali sali ka dito psh.

Nakita ko naman si leo nakahiga sa kama kaya tumabi ako bigla at niyakap siya ng mahigpit, binaon ko yung ulo ko sa leeg niya. Normal ba sa mga lalaki to? Masyado ba ako nagiging clingy? Humiwalay ako ng unti kay leo at nag *ehem*

Masyado ata akong clingy, pano ba naman nakatingin sakin si josh ng masama. Problema nito?

"Oi justin wag ka ngang lumapit kay leo!" Sigaw nito

"Bakit naman?" Tanong ko. Bakit ba naiinis siya.

"Oo nga josh why?" Tanong naman ni bruhilda.

"A-ano kasi.... B-baka mahawa ka ng katangahan diyan! Puro gulo pa naman yan, diba leo?" Sabi niya at hinila ako papalayo kay leo. Sinamaan ko siya ng tingin at nagpout. Bakit ba ang sama niya kay leo.

Book1 : To That Handsome Maiden | SB19 FANFICTION (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon