Nagtataka parin ako habang nakaupo sa sofa ng office ni Chiron, nawala narin ang atensyon ko sa pag sight seeing sa loob ng company nila dahil sa sinabi niya sakin. Naguguluhan ako na nalilito? Bakit niya sinabing And now your smiling parang ang dating kasi sa'kin ay ngayon niya lang ulit akong nakitang nakangiti, What on earth happened after my 15 years of existence? Masayahin akong tao ni wala ngang araw na hindi ako ngumingiti kahit bad day ko pa yan, kaya nga hanggang dito nadala ko ang pag ka cheerful ko, talaga lang dahil kahit 25 na ako ngayon, sa isip ko at sa puso ko ako si Finese Kaye isang teen ager isang 15 years old na napunta sa future. Ayan tuloy! Nakalimutan ko ng gutom pala ako! Tumingin ako kay Chiron na busy sa telepono, Nag eenglish pa! At ayan na naman ginugulo na naman ang isip ko sa linya niya kanina ! Ano ba kasi tong sinasabi niya na and now your smiling eh pag nakikita ko palang ka gwapohan niya napapangiti na ako tsaka inborn kaya sa'kin ang napapangiti kapag may magandang bagay akong nakikita. Psh! Bahala na nga baka masungit talaga ako sa kanya before ako napunta sa future? Kasi naman sinong hindi magsusungit sa kanya kung lagi namang nakakunot ang noo niya parang oras oras naghahamon ng away.
"First time kong titigan mo ako ng ganyan katagal"
Napaiwas ako ng tingin ng magsalita siya. Tsaka Ano na naman? Bakit lahat ng ginagawa ko ngayon sa kanya ay bago lang, Errr—baguhan lang ang peg! Nalilito na ako ah! Wala ba talaga kaming closeness sa isa't isa since back then? Ay tama ba english ko? Anyway! Ang gulo na talaga, asawa niya ako pero parang ano lang kami yung tipong Just a stranger ni Anne at Marco! Nakakaloka pero pano ko siya naging asawa at pano nabuo si Erchan? Hindi naman pwedeng nabuo lang siya without those thing Err— kahit 15 palang ako alam ko naman ang bagay na yan eh! Yan kaya ang topic namin sa science yung ano nga yun? Reproductive system! Oo yun nga.
"Hintayin nalang muna natin yung food na inoder ko and May I ask?"
Tumango ako.
"Napadaan ka ata dito?" nahihiya niyang tanong. Uso rin pala sa kanya ang hiya no?
"Hindi lang naman ako dumaan dito, pinuntahan talaga kita dito kasi gusto ko ng libreng lunch at makasabay ka narin hihi!"
"Talaga?" nakakaloko niyang ngiti, pati ngiti nauso na sa kanya?
"Ah! Oo! Pero mukhang pahirapan pa nga bago ako makasabay sayo!" nakapout kong sabi.
"I'm sorry about earlier!" hala! Gosh! Nagsosorry sakin si Chiron? Ang GGSS na si Chiron nagsosorry sakin? Wow! Ang dami ng uso sa kanya ah!
"Pero hindi ba busy don sa Pharmacy mo?"
"Hala! Oo nga no? Tapos na ang lunch time at isa pa hindi pa ako nakapagpaalam sa kanila na aalis ako baka magalit sila sakin at tanggalin pa ako—
"Finese!" napahinto ako ng tinawag niya ang pangalan ko, na eestress ako pero bakit ng binanggit niya ang pangalan ko ay awtomatiko akong kumalma at ang sarap sa feeling na tinawag niya ako sa pangalan ko, hala! Ipapaulit ko nga sa kanya!
"Ulitin mo nga!"
"Huh? Ang alin?"
"Yung Finese!" sabi ko at ginaya pa ang tono ng boses niya.
"What? Shit? Ikaw ba talaga yan? Erchan is right you look weird, No your weird!" nagtataka niyang tanong. O my golly baka mahalata pa niya na ako yung asawa niyang may 15 years old version baka ulit magulat siya dahil ang bata ko pa habang siya ang tanda na at isipin pa niyang child abuse to! OH.NO. kailangan kung magpretend na masungit teyka pano ba maging masungit? Shit naman oh! Wala akong acting skills, barado ako pagdating diyan! Ayy bahala na nga.
"Oo ako nga ang asawa mo! Bakit may angal ka?" taas kilay kong tanong, sana gumana. Bago pa siya makasagot may pumasok na isang super tangkad na babae at super brown ng kulay niya pero ang ganda niya, bakit ulit napapaligiran ng magagandang nilalang tong company ni Erchan? Teyka nga! Playboy nga pala siya, ang walang hiya kahit kasal na kami bet niya parin ang mga babae! Grrr... Kakalbuhin talaga kita Chiron.
BINABASA MO ANG
Just An Unexpected Morning
FantasiMaaring isang malaking advantage ang makita mo ang hinaharap mo. Maaring baguhin mo ang gusto mong mabago. Nakaka-excite nga naman ang malaman ang buhay mo in the future, may ibang nagpapahula, para masatisfy kung ano ba talaga ang kahihinatnan nila...