5
4
3
2
1
"Ayieee! Namumula si Mommy!"
Tinulak ko si Chiron ng marinig ko ang pang aasar na boses ni Erchan, napahawak pa ako sa boobs este sa puso ko dahil super lakas ng kabog nito. Tumawa lang si Chiron pati si Erchan sa naging reaksyon ko kaya sinamaan ko sila ng tingin. Ang lalaking to! Sa harap pa ng anak niya ginawa yun! Napaka uggh! Tsaka first kiss ko yun ah? Wag kayong ano may anak ako tapos first kiss? First kiss ko bilang isang 15 years old at hindi bilang 25 years old kaya O.MY.GOSH! That was my first kiss!tsaka seryosong usapan mga besh! Ang lambot ng labi niya pwede take two? Ay! Namumuro na ata ako ah? Ay na apo talaga oh! Lumalabas kaharutan ko dahil sa lalaking to oh! Ang bata ko pa pero ang landi ko na, pag ito nakarating kay mama sigurado akong babatuhin ako ng tsinelas non pero speaking of that 25 ako ngayon kaya pwedeng pwede akong lumandi, Wait nga! talagang lumandi agad? Pwedeng ano lang—
"Sorry! I'm sorry di ko sinasadya!" napatingin ako kay Chiron na ngayon ay kinakabahang nakatingin sa'kin at teary eye pa. Problema nito?
"Grabe okay na okay lang este wag mo ng isipin yun tara na Erchan labas na tayo para makapag prepare ka na sa school mo!" hinila ko si Erchan palabas pero ang batang to inaasar pa talaga akong namumula. Jusko! Sige ipahiya mo pa ako! Wala kang baon ngayon.
Nakailang hakbang palang kami ng marinig namin ang sunod sunod na mura ni Chiron.
"Hahahahahahahaha!" laughtrip kami ngayon ni Erchan. Siguro nakapanalamin na siya hahaha!.
Kahit pagligo ko hindi ko mapigilan ang matawa parin habang inaalala ko ang reaksyon ni Chiron sa mga kalokohan namin ni Erchan pero agad din itong napalitan ng super lakas ng kabog ng puso ko ng maalala ko ang unang halik ko sa kanya. My first kiss at the age of fifteen! Grabe mag tatatlong araw palang ako sa panahong to pero feeling ko anytime mahuhulog na ako sa Chiron nayun, I don't know about love kasi sa edad kong to! siya ang first ko siya lahat ang una ko kaya hindi ko alam kong pano ko malalaman na mahal ko na siya, crush lang naman ang kere ng isip ko dahil don pa ang stage ko pero ngayon kailangan kong malaman ang salitang pag-ibig. Idedefine ko ang love sa pamamagitan ng experience ko kay Chiron. May kunting clue naman ako sa love eh pero yung ano lang pang wattpad clue ganern tsaka malay ko bang effective ba yun sa'kin but hopefully sana tumalab sa'kin ang mga signs of falling inlove na nabasa ko sa mga story para hindi tuluyang masira ang pamilya ko right at this time. Lumabas na ako ng banyo at isinuot ang uniform ko para sa pharmacy, nahihiya na kasi ako sa kasamahan ko dahil sila nag uniform tapos ako naka civilian lang unfair naman ata sa side nila. Pagkatapos ng mabilis kong ritwal syempre mabilis lang hindi naman ako marunong mag make up eh! Si Syrinx lang ata ang marunong saming tatlo ni Jillen, nay vlog kasi siya at ang laman ng channel niya ay pang make up tutorial minsan nga ay hindi pala minsan madalas ako ang model niya kasi sabi niya mas marami ang views na makukuha niya kung pangit ang papagandahin niya oh! Ayan ah! With matching lait payun, haist namimiss ko na naman ang bonding namin, bakit pa kasi ako nag flash back sa mga ganong bagay yan tuloy! Lumabas ako sa kwarto ko at nagtungo sa kusina, ready to eat na sila ako nalang yung kulang. Umupo na ako at pag upo ko palang tinaasan agad ako ng kilay ni Chiron. Ano na naman kasalanan ko sa kanya? Ang gulo talaga ng pag-uugali nito kagabi lang ang sweet niya at kaninang umaga may pa uhm uhm pa siya pero ngayon in total mess na naman ang pagmumukha niya sakin, Psh! Abnormal talaga.
"Are you okay? You look pale?" nasalubong ko ang nag-alala niyang tingin kaya agad akong napaiwas ng makaramdam ako ng kabog sa dibdib ko, Gosh!
"Ah! Uhm..ayos naman ako ah! Wala naman akong masamang nararamdaman!" kunot noo kong sagot. OA nito!
BINABASA MO ANG
Just An Unexpected Morning
FantasiaMaaring isang malaking advantage ang makita mo ang hinaharap mo. Maaring baguhin mo ang gusto mong mabago. Nakaka-excite nga naman ang malaman ang buhay mo in the future, may ibang nagpapahula, para masatisfy kung ano ba talaga ang kahihinatnan nila...