"Oh! Mag-aral mabuti ah! Wag mong gayahin ang daddy mo na puro babae lang ang nasa isip nong kabataan niya hanggang ngayon tsaka anak wag feeling gwapo ah baka may sumapak sa'yo, yung niluto ko for your lunch ubusin mo ah pag busog ka na talaga wag mong pilitin baka maduwal ka matakaw ang tawag don ganon ang daddy mo kaya it's better to share kung sobra na, tandaan wag na wag mong...
"Opo! Mommy wag na wag kong gagayahin si Daddy kasi bad influence po siya!"
"Good! Anak!"
"At wag mong gayahin ang pagkaisip bata ng mommy mo!" aba sumabat pa talaga.
"Daddy bata pa po ako kaya po isip bata pa talaga ako!"
"Whatever! Atleast namana mo naman kagwapohan ko wag mo nalang gayahin ang kapangitan ng mommy mo, okay ba yun?"
At talagang nilait pa ako."Sure Dad!" at nagkasundo pa sila sa paglait sa'kin. Edi magsama kayo!
Pagkatapos kong pangaralan ang anak ko pumasok na ako sa loob ng kotse at ang loko nakangiti pa ng nakakaloko, kasiyahan niya talaga ang nilalait ako hah! Pwes! Wala siyang magagawa kasi ako na asawa niya kahit anong lait pa niya sa'kin.
Bumaba na ako sa kotse niya pagkarating namin sa pharmacy pero bago yun nagsalita pa siya.
"Thank you nga pala sa food! First time kong matitikman luto mo kaya thank you nag abala ka pa!" talaga? First time ko pa talaga siyang ipagluto? Anong klaseng asawa naman ako? kaya nasisira pamilya ko dahil rin pala sa katamaran ko. Psh!
"Your welcome! wag kang mag alala araw- araw na kitang lulutuan kaya bye! Ingat ka tsaka wag mong ishare yang luto ko don sa magagandang babae sa office mo ah baka—
"Baka ano?" nakangisi niyang tanong.
"Wala! Alis na sho!" ngumiti nanaman siya bago tuluyang umalis.
Weirdo!
Pumasok na ako sa loob ng pharmacy, syempre pasimple muna baka mapagalitan pa ako sa nagawa ko kahapon.
"Good morning po ma'am!"
Waaaa! Hindi sila galit? Grabe ang saya!"Ah hihi! Yung kahapon pasensya na kung bigla akong nawala, pinuntahan ko kasi asawa ko sa office niya kaya ayun pero may dala akong afritada at adobo para lunch natin for peace offering narin hihi!"
"Naku ma'am! Okay lang naman po yun! Pero salamat po sa food ma'am! Nag abala pa kayo!" eh! Parang batang version rin pala tong si ate ni Matandang yaya don sa bahay pero siya napapayag naman agad, buti nga! kapagod kaya magtype ng dialogue ng extra.
Pumunta na ako sa post ko matapos ang pakikipag plastikan ko sa mga empleyado at ganon parin ang lagay ko, ngingiti kapag may customer at ibibigay ang binili nila, medyo busy kami today madami kasi ang bumibili mukhang madami ang nagkakasakit idasal ko kaya na madami ang magkasakit para marami rin ang customer namin pero parang ang sama ko naman ata. Hayaan na nga! Hindi naman pera ang importante eh! Ang mahalaga ang buhay ng isang tao bigla ko tuloy namiss ang buhay 15 years old ko kahit mag two two days palang ako sa future namiss ko agad yung teen ager life ko yung pamumuhay ko bilang dalaga at hindi yung buhay may asawa't anak pero worth it! naman silang kasama lalo na't pag nakikita ko ang anak kong masaya wag nga lang don sa tatay niyang abnormal. Hanggang ngayon nagiging palaisipan parin sa'kin kung bakit ako napunta sa future pero kahit medyo unbelievable tong nangyayari pinipilit ko naman intindihan na maybe napunta ako dito para ayusin ang pamilya ko siguro may dahilan kaya ako napunta sa panahong to! Magulo nga lang kung iisipin pero kung tutuusin nagiging susi naman ito para ayusin ang gulo ng pamilya ko.
"Ma'am! Mag lunch na po kami, sasabay ka ba sa first batch o sa last batch nalang?" naputol ang inner dialogue ko ng may nagsalita sa likod ko. Nginitian ko siya kahit naiinis ako sa pang iistorbo niya sakin. Epal talaga! Extra ka lang naman dito napagod pa tuloy sa pag tatype si Author.
BINABASA MO ANG
Just An Unexpected Morning
FantasiMaaring isang malaking advantage ang makita mo ang hinaharap mo. Maaring baguhin mo ang gusto mong mabago. Nakaka-excite nga naman ang malaman ang buhay mo in the future, may ibang nagpapahula, para masatisfy kung ano ba talaga ang kahihinatnan nila...