Chapter one

7 2 0
                                    

Ang lambot ng kama ko! Hmmmm! Ang bango pa ng unan at kumot ko. Kailan ko pa nilabhan ang mga to? Sa naalala ko nong isang taon pa, pero bakit amoy bago?

"Mommy! Wake up!"

"Mmm?"

"Wake up! Wake up!"

"Ano ba wag kang magulo! Inaantok pa ako!"

"Mommy!!!!!!"

"Wag ka sabing magulo! Ang ingay!"

"Mommy! Gising na po! Please!"

Mommy? Kaninong anak ba to? Pasaway na bata hindi nakikinig sa mga nakakatanda sa kanya teyka nga Bakit may bata sa kwarto ko?

-_o

o_-

O_O

"WAAAAAAAAAA! Sino ka? Bakit ka nandito sa kwarto ko? Teyka kwarto ko? Ba't naging maganda ang kwarto ko? Nasan ako? Kaninong bahay to? Waaaaaaa!"

"Mommy! Why are you shouting? are you okay?" napakurap kurap ako ng tiningnan ko ang batang nasa harapan ko ang batang kamukhang kamukha ko.

Holy shiiit!

"Nasaan ako?" napasigaw ako sa sobrang gulo ng isip ko, sino ba ang batang to? Kaninong kwarto to? Nakatulog na naman ba ako sa guest room nila Syrinx? Pero bakit parang nag iba ang itsura ng guest room nila? Nirenovate ba nila to?

"Mommy! You look weird! Are you pregnant? Am I having a sister?"

"Pregnant? Sinong buntis?" taka kong tanong sa kanya. Gad! Pati ngiti niya ay hawig na hawig sakin, What in the world is happening?

"Your really weird mom! Are you not feeling well?"

"Teyka nga! Namumuro ka na ata eh! Hoy! Bata bakit mo ko tinatawag na mommy? Wala akong anak 15 years old palang ako no! Tsaka tigilan mo nga ako hindi ako nagjojoke ah, nasaan nga ako?" hindi ko alam ang dahilan pero bigla nalang siyang napahagulgol ng iyak at aba artistahin nga naman ang batang to! Sunod sunod agad ang luha pak na pak pang artista ang awra niya tsaka gwapong bata ah! Wait! Hindi kaya nasa T.V ako parang ano lang yung ano nga ba yun? Wan..Woh...Wok...Ah oo tama parang ano? Parang nasa Wow mali o di kaya nasa boobay and tekla show ako yung pinrank nila? Pwede rin yung Boiling point ng MTV? Yeah tama tango tango.

"Ui! Bata asan ang camera? Dali sabihin mo na para makabati ako sa pamilya ko sa Cebu" tiningnan ako ng bata na nagtataka at huminto rin siya sa pag iyak pero tumutulo ang sipon niya, agad niya itong pinahid gamit ang kamay niya kaya naman ang ibang sipon ay natira sa cheeks niya! Eww! Engot ng batang to! Di ba siya tinuruan ng Nanay niya kung pano punasan ng maayos ang sipon?

"Anong camera mommy?"

"Hindi mo nga ako mommy! Asan ba ang camera dali sabihin mo na babatiin ko na sina mama sa Cebu! Grabe miss na miss ko ng mga iyon!" ngiti ngiti ako habang nakatingin sa batang umaga palang ang dungis na ng mukha. Tsk tsk! Mukhang napabayaan ata ng nanay! Sino ba nanay nito at matigil na siya sa kakatawag sakin na mommy?

"Wala pong camera mommy!" napa iling iling siya kaya naman tuluyan na akong nagtaka overload confuse na ako!

"Kung walang camera? Ibig sabihin wala ako sa T.V? Eh nasaan ako? Anong pakulo to? Don't tell me Anak ka naman ni matabang Bibang at pinaalaga ka sakin? Haist! Ano ba naman yang matabang yun! Ang daming anak ni hindi—

"Huhuhuhu! Mommy! Ampon po ba ako?" mamasa masa na naman ang mga mata niya at hindi ko maiwasan ang maawa sa kanya.

"Sssh! Siguro nga ampon kalang ni matabang Bibang, sa gwapo mong yan sigurado ako hindi mo siya nanay, ssh! Tahan na!" pinapahid ko ang luha niya sa mata pero patuloy parin ito sa pagbuhos. Ano ba naman tong batang to? Masayadong iyakin, Si mang Bibang talaga oh! Hindi na nga maalagaan ang mga anak niya nag ampon pa! Haist! Kawawang bata.

Just An Unexpected MorningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon