Chapter Six

9 0 0
                                    

It's family bonding day!

Agad akong lumabas ng kwarto ni Chiron para maligo at mag ayos! Excited na ako, first time ko lang makagala kasama sila kaya walang pag lagyan ang excitement ko ngayon. Pagkatapos kong maligo pumunta agad ako sa kwarto ni Erchan na nadatnan kong nagbibihis mag isa.

"Oh! Bakit ikaw lang ang gumagawa niyan? Wala ba yaya mo? Siguro naglalambing kalang sakin para ako na mismo magbihis sayo no?" tiningnan ko siya with ngiting nakakaasar.

"Kilabutan ka nga mommy!"

Eh?

"Bigboy na ako no! Kaya ko na to!" tumingin siya sakin at hinawakan pa ang dalawa kong kamay. Hulaan ko maraming babae din ang mahuhulog sa batang to.

"Daddy mo na naman nagsabi? Para sa akin baby ka parin, teyka nga ilang taon ka na pala?"

Nagtaka siya pero sumagot naman.

"4 po!"

So! Ibig sabihin 21 pa ako ng mabuntis ako? Parang ang bata ko pa ata ah! Tsaka diba sa edad na yun kakagraduate ko palang? Bakit ako nag asawa agad? Minamadali ata ako ng lokong yun at ako naman nagpatulak sa tukso kaya ending ko nag ka Erchan agad.

"Kitams! Baby ka parin kahit mag 20 ka na o di kaya 30 ikaw parin ang baby ko!" niyakap ko siya.

"Yuck! Mommy! Ang tanda ko na po non!" asik niya habang nakayakap sa beywang ko.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng malapad.

"Bahala ka! Kung ano iisipin mo basta yun ang paniniwala ko!" napakamot nalang siya sa ulo niya bago kami lumabas papunta sa kusina, 10 a.m na pala akala ko maaga akong nagising! Hindi pala! pansin ko nga simula nong katabi ko na si Chiron sa iisang kwarto ay madalas na akong malate ng gising? Bakit kaya? Siguro masarap talaga ang tulog ko kapag katabi ko siya? Sa bagay sino ba naman ang hindi makatulog si Chiron na sobrang gwapo at bango na ang katabi ko oh! Choosy pa ba ako?

"Good morning po Ma'am!" bumati sa'kin yung maid na nakilala ko sa hallway nong first day ko palang dito ngumiti lang ako sa kanya at umupo na sa pwesto ko.

"Ma'am gigisingin ko po ba si Sir?" nakangiti niyang tanong.

At bakit Ikaw pa ang gigising? Bruhildang to! Chansingan pa asawa ko.

"Wag na!"

"Sige na po Ma'am! Para hindi na kayo maghintay dito sa hapag-kainan, masama pong pinag aantay ang grasya!"

Uminit ang ulo ko! Malanding to.

"Tse! Wag mo kong madamay damay diyan sa paniniwala mo ah! Masamang pinag antay ang grasya? Sapatusin kita diyan! Shunga mas masama kung may papatayin akong malanding babaeng nakasuot ng pang maid sa harap ko ngayon!" naiinis kong sigaw. Natahimik naman siya.

"Si Ma'am talaga oh! Di na mabiro! Sayo na asawa mo! Saksak mo sa baga mo!"

At umalis na siya.

"Bruhang yun! Siya pang may ganang magalit!" asik ko at napatingin ako kay Erchan na nakangiti, ngiting nanunukso.

"Mommy! Pati ba naman yung maid natin pinagseselosan niyo? Daddy loves you very much kaya hindi ka non ipagpapalit!"

WTH?

Bago pa ako makaganti ng pamatay na linya, may nagsalita na agad sa likod ko.

"Anong pinag uusapan niyo? Chi ni chismisan niyo ko no?" nakacross arm niyang tanong. Shit! Yung biceps niya! Lunok alert.

"Daddy! Pang girl lang po yung chismis! I'm not gay! Si mommy po kasi nagseselos don sa maid natin!" saad ni Erchan na mukhang nandidiri pa.

Anyare sa batang to? Bakit nagmatured agad? At speaking of nagseselos daw! Gosh! Bakit lagi nalang akong binubuko ng batang to sa harap ni Chiron. Mamaya kung ano pa isipin ng kumag na yan. Ay! Bahala nga siya! Isipin niya kung anong bet niyang isipin. As if I care.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just An Unexpected MorningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon