Tatlong araw ang lumipas simula ng magselos ako dun sa babaeng kasama niya sa project nang ayain niya akong magdate. Hindi ko nga maintindihan kung bakit gabing gabi kami magdadate. Susunduin niya daw ako ng alas siyete ng gabi sa bahay. Dahil dun ay nag-ayos na ako kaagad.
Nagsuot ako ng black camisole at high waisted washed jeans and a white Vans. I also wear a double layer necklace and my gold Casio watch. Pagkatapos non ay nag-apply lang ako ng kaunting makeup at blinow dry ang buhok ko at naghintay na sa baba para kay Kian.
"You're going somewhere?" nagulat ako ng makita si Mommy na mukhang kagagaling lang ng opisina.
"Mommy," sabi ko at binigyan siya ng halik. "Opo, magdadate po kami ni Kian." hindi nakatakas sa akin ang pagngiti niya.
"Saan daw kayo pupunta at bakit napakalate na?"
"I don't know din po eh. He just told me that he will take me out at susunduin niya ko ng 7 dito sa bahay." tumango naman siya. She fished out something from her bag and gave it to me.
"Bigay mo sa kanya. Pasalubong ko kamo galing Macau." sabi ni Mommy and nodded.
"Wala ako?"
"Ipapadala dito bukas, baby. Magpapahinga na ako at sobrang nakakapagod ang flight pabalik balik." I nodded and she kissed my cheeks before going upstairs.
Ilang saglit lang ay may bumusina na si Kian hudyat na nandyan na siya. Agad naman akong lumabas at nakita si Mang Ronaldo na kinakausap si Kian.
"Maam." bati niya sa akin at tumango naman ako bago pumasok sa sasakyan ni Kian.
"Pinabibigay ni Mommy." inabot ko sa kanya ang isang plastic ng sweets ata, I don't know. I didn't bother to look at it eh.
"Nandiyan na pala ang Mommy mo." he said while shifting the gear of his car.
"Kanina lang siya dumating." pagbibigay alam ko. "Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Basta. Upo ka lang diyan."
Isang oras din ang naging byahe namin bago niya itigil ang sasakyan at namukhaan ko naman kaagad ang pinuntahan namin.
"Fort Santiago?" he nodded and pulled me towards the entrance. Nashock ako dahil bukas parin ito hanghang ngayon. "You rented the place?"
"Yung ilang oras lang after ng closing hour nila. Tara dun tayo."
The whole place is beautiful. Sobrang liwanag ng mga ilaw at mas lalo nitong pinapakita ang ganda ng Fort Santiago. If Fort Santiago is magical kapag daylight, mas napakaganda nito sa gabi dahil sa mga ilaw.
"This is a good place to date." sabi ko habang naglalakad kami papasok. Pupunta daw kami sa parang bay doon. Marami daw kasing ilaw sa kabilang pangpang ng ilog.
"Yes, hindi lang kita matour ng maigi kasi gabi na pero dadalhin kita dito ulit kapag daylight." napairap naman ako sa sinabi niya.
"Itotour mo talaga ako? Ni hindi ka nga nakikinig sa history class natin nung highschool." sambit ko.
"Judger ka. Andali dali lang itour to eh."
"Sige nga. What is the history of this place?" hamon ko at nakita ko siyang naglabas ng cellphone. "Ang daya mo!" natawa naman siya.
"Syempre kapag magpapaimpress na ako sayo dito kapag dinala kita ulit kasama ko si pareng Google." hinampas ko naman siya at naupo kami sa mga rock benches doon.
Hindi mo makikita na sobrang polluted na ng ulog dahil sa mga ilaw na nakapaligid dito. It looks like an ordinary and unpolluted river pero alam kong sa umaga ay iba na ang kulau nito. What a sad reality.
BINABASA MO ANG
Blinded (Montenegro Series #2)
Teen FictionMontenegro Series #2. Bata pa lamang si Irish Klaire Borromeo ay nakaranas na siya ng heartbreak. Heartbreak mula sa tatay niya. Ever since that day, she swear to herself that she will never let any guy again. Until she met Kian Irwin Montenegro, t...