Apat na araw matapos ang enrollan ay inaya akong lumabas ni Kian. Tinanong ko siya kung bakit ang sabi niya lang ay namimiss niya ako. Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya. Kada gabi siya tumatawag at may pagkakataon na natutulala siya at parang malalim ang iniisip. Naalala ko one time nagvideo call me after ng enrollan.
"Bakit ka na naman tumawag?" bungad ko sa kanya. Kakatapos ko lang maligo ng magring ang phone ko at tumatawag siya. Galing sila dito ni Johan kanina dahil inaya sila ni Mommy na dito magdinner.
"Namiss kita. Masama ba yon?" he gave me a heartwarming smile. I blushed at his reply at umiling na lang.
"Ewan ko sayo. Serious kasi, Kian."
"I am serious. By the way, Mom said thanks dun sa binigay ni Tita na apple pie. Sobrang sarap daw." I nodded. Bumalot ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakahiga siya sa kama niya ngayon at walang pang-itaas.
Naalala ko tuloy yung nangyari sa amin sa beach house nila. I remember how embarrassed I am nung medyo mahuli kami na sumunod sa kanila papuntang falls.
Pinagmasdan ko ang mga mata niya na nagbibigay ng hindi ko mawaring emosyon. He just stared at me na parang nagdodoubt kung sasabihin niya ba o hindi. Yun ay kung may sasabihin ba talaga siya.
"Anong problema?" tanong ko at para siyang natauhan sa tanong ko.
"Wala. May naisip lang."
"Lagi kang ganyan, Kian. May gumugulo ba sayo? Aside from courting me, I am your friend, Kian. You know you can talk to me." he smiled and sighed.
"May naalala lang ako. Okay lang ako. Sige na mukhang pagod ka na."
"Kian," tawag ko sa kanya at tiningnan siyang maigi.
"Sasabihin ko rin sayo. Ngayon kasi hindi ko pa maintindihan eh. Basta sasabihin ko rin." he told me and I nodded. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya. If the matter is too personal, I will not force him to tell it to me.
"Okay, I love you." he smiled at what I said at bahagyang tinakpan ng unan ang mukha niya.
"Kinikilig ako puta?" I heard him whispered and I giggled.
"Stop being cute," reklamo ko at tumigil naman siya.
"I love you too." seryoso niyang sabi at kinilabutan naman ako sa kilig dahil don.
"Baba mo na inaantok na ako." he waved at the camera at binaba na ang tawag. Hindi nawala sa isipan ko ang araw na iyon. Sa araw araw na nag-uusap kami ay laging ganon ang nagiging sistema namin. Alam kong may bumabagabag sa kanya. I don't want to ask him kasi kilala ko si Kian. Mag-oopen up naman siya kung gusto niya.
Isang text ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Nakaharap kasi ako ngayon sa vanity ko at nag-aayos para nga sa date namin ni Kian.
From: Kian <3
May inutos lang sa akin si Mommy saglit. Una ka na. Alam mo naman kung saan yun diba?
I was about to reply na oo alam ko at sige mauuna nalang ako doon pero nagring na ang cellphone ko.
(I'm so sorry, Irish. Susunduin sana kita kaso nag-utos si Mommy eh. Sorry talaga.)
"Ano ka ba? Okay lang." sagot ko at bumuntong hininga siya.
(Sige. Sige. Ingat ka papunta.)
"Ikaw din. Mag-ingat ka. I love you." I whispered the I love you part
(Wag mo kong pakiligin nag-dadrive ako. I love you too.) he also whispered the I love you part. I giggled before bidding my goodbye and ended the call.
BINABASA MO ANG
Blinded (Montenegro Series #2)
Fiksi RemajaMontenegro Series #2. Bata pa lamang si Irish Klaire Borromeo ay nakaranas na siya ng heartbreak. Heartbreak mula sa tatay niya. Ever since that day, she swear to herself that she will never let any guy again. Until she met Kian Irwin Montenegro, t...