Matapos ang engagement party ay nagkaroon ng post-party ang mga magpipinsan at ilan nilang kaibigan. I can totally see Sav na malalasing na naman sa gabing to. Gusto ko siyang sabihan na magiging okay ang lahat at huwag siyang malungkot dahil nandito naman ako para gumabay sa kanya pero dahil nga masyadong matapang ang Sav na kilala ko ay hindi mo ito maririnig sa kanya.
"Oh. Tulala ka." sambit ni Johan sa akin. Binigyan niya ako ng maiinom dahil inutusan ko siya. Agad kasing nawala ang kambal niyang ng matapos ang ilan nilang bisita.
"Tingnan mo si Sav." panimula ko at nilingon naman niya ito. "Ganyan yung expression ng tao kapag malapit na sila magbreakdown." sabay simsim ko sa inumin.
"I'm sure she can handle it. Salem is a nice guy, Irish. Huwag kang mag-alala." he said.
"Bakit hindi mo kasi niligawan?" tanong ko. I know that he has a crush on Sav. Sino ba namang hindi diba? Maganda, matalino, at matapang na babae si Sav. Halos lahat ng hinahanap ng isang lalake ay nasa kanya na.
Napansin ko ang pagtingin ni Johan kay Sav nung first year college kami. Simpleng happy crush lang siguro dahil ayaw niyang irisk ang pagkakaibigan nila. Sabagay, kami nga ni Kian nirisk ang pagkakaibigan eh. Tingnan mo nangyari.
"Crush lang yon, Irish." tanggi niya at napailing naman ako.
"Sus. Ang sabihin mo wala kang balls para umamin. Dami dami mong time noon eh. Edi napunta sa pinsan mo ngayon." sabi ko at umiling siya sa mga sinasabi ko.
"I'm not the right guy for him and I'm sure that she will be in good hands with Salem na kahit kailan ay hindi ko maibibigay sa kanya." napangiti ako sa sinabi niya.
"Inamin mo rin. Okay lang yan, Johan. Ika nga nila marami pang isda sa dagat." pinitik naman niya ang noo ko sa sinabi ko.
"Wala namang sulutan, utol ko." napalingon ako kay Kian na mukhang may tama na.
"Tsk. Sayo na yan, kuya. Badtrip yan." Johan answered his Kuya.
"Kapal mo!" sigaw ko habang papaalis siya. Nilingon ko si Kian na nakaupo na ngayon sa kinauupuan ni Johan kanina.
"Dapat na ba akong mangamba?" he asks at tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Bakit ka naman mangangamba?"
"You and my twin, huh?" he drank from his glass at napairap naman ako.
"Iba gusto ng kambal mo. Umayos ka. Atsaka san ka ba galing?" suway at tanong ko sa kanya.
"Nandon kasi yung mga friends namin sa America. Kakauwi lang kaya nakipagkwentuhan ako dun."
"Bar friends? From America?" pagtatama ko at dahan dahan naman siyang tumango.
"Can I ask you a question?" sabi niya matapos ang maikling katahimikan na bumalot sa aming dalawa.
"Nagtatanong ka na nga diba."
"Kung ikaw si Imee, would you let go?" napakunot naman ako ng noo sa tanong niya. "I mean, I am pretty sure that you know about Imee and Salem. Kung ikaw si Imee, hahayaan mo ba si Salem na makasal sa iba?"
"Bakit mo tinatanong? Ieengage ka rin ba sa iba? Tama yan ng tantanan mo na ako." napatawa naman siya sa sinabi ko.
"Don't worry, Irish. Hindi pa kita tatantanan. Atsaka I have no plans in engaging any arranged marriage with my parents. Si Johan nalang kung gusto nila." he said at hinampas ko naman siya sa braso.
"Ang sama mo sa kambal mo,"
"I'm just stating the fact. Tatanungin kita ulit, dapat na ba akong mangamba?"
BINABASA MO ANG
Blinded (Montenegro Series #2)
Teen FictionMontenegro Series #2. Bata pa lamang si Irish Klaire Borromeo ay nakaranas na siya ng heartbreak. Heartbreak mula sa tatay niya. Ever since that day, she swear to herself that she will never let any guy again. Until she met Kian Irwin Montenegro, t...