16

2.3K 53 0
                                    

Kinabukasan ay nagising ako ng masakit ang ulo at wala na si Sav sa tabi ko. Malamang sa malamang ay bumaba na ito. Naalala ko ang naging halikan namin ni Kian kahapon kaya bigla akong napatayo at umalis na sa kinahihigaan ko. Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa akin kaya ko ginawa yun. Marahil ay dahil na rin sa dami ng alak na nainom ko kagabi.

Naabutan ko si Sav na kumakain ng paborito niyang cereals. Hinawakan ko ang ulo ko ng maramdaman kong kumirot na naman ito.

"Girl, never again. Sobra ba tayong nastress sa acads at naglasing ng ganito kalala." sabi ko at umiling lang siya.

"Sino naghatid sa atin kahapon?"

"Si Kian. Ayaw akong tantanan eh. Nakakabadtrip nga kasi hindi ko nakuha yung number nung taga-LaSalle na kasayaw ko. Sayang talaga, gwapo pa naman siya." pang-iimbeto ko ng kwento. Wala naman talaga akong nakasayaw kagabi na gusto kong hingiin ang number.

Ayaw ko lang maghinala siya kasi kapag ganon. Baka masabi ko sa kanya na nakipaghalikan ako sa ex ko. Hinampas ko siya bigla ng may maalala ako.

"Aray ko! Bakit?" daing niya at tumingin ako sa kanya.

"Hindi pa ako lasing non. Bakit magkasama kayo ni Salem?" tanong ko ng maalala kong nakita ko siyang akay akay ni Salem. Akala ko pa naman ay anghel ang isang to. May tinatago palang pagiging lukaret.

"Pinagsasasabi mo?"

"Huwag mo kong sagutin ng ganyan. Nakita ko kayong magkasama." diin ko at nagsimula ng asarin siya sa interaction niya ng crush niya.

Pagkatapos ng lunch ay agad naman akong umuwi sa amin. Naabutan ko si Mommy na nakaupo sa sofa at mukhang hinihintay ako.

"Baby," she called me and I sighed. Hindi ko naman matitiis ang Mommy kahit anong gawin ko. Siya na lang ang naging inspirasyon ko sa buhay simula ng iwan kami ni Daddy.

"Mom. Sorry po late na nakauwi. Hindi po kasi ako pinaalis ni Sav hangga't hindi oa ako nakakakain ng lunch." saad ko at tumango naman siya.

"I'm sorry for forcing you to talk to your dad. Alam kong hindi ko dapat ginawa yun dahil alam ko kung paano ka nasaktan sa nangyari sa aming dalawa. But I want you to remember na kahit anong mangyari ay papa mo pa rin siya. I hope you understand." she explains.

Gustuhin ko mang sumagot muli at sabihing hindi ko gagawin ang gusto niya pero nakuha ko na lamang tumango.

"I will talk to him, Mommy. Hindi lang ngayon. Tsaka na siguro kapag ready na ako." sabi ko and she nodded with a smile plastered on her face. Ayoko muna sa ngayon.

"Thank you, anak. Magpahinga ka na at baka pagod ka pa. Magbabake ako ano ang gusto mo?" tanong niya.

"Kayo na po bahala. Akyat na po ako." paalam ko at niyakap siya ng mahigpit na sinuklian naman niya.

Dumating ang Lunes at nagulat ako ng makita ang sasakyan ni Kian sa harapan ng bahay namin. Kausap niya si Mang Ronaldo na mukhang naghihintay kay Mommy.

"Bakit ka nandito?" tanong ko. Napakamot siya at tiningnan si Mang Ronaldo na animo'y nagnghihingi ng tulong.

"Sabay na tayo?" he offered. Tiningnan ko siya ng maigi bago naglakad at binuksan ang pintuan ng kotse niya.

"Alis na ho kami, Mang Ronaldo." rinig kong paalam niya bago ko isara ang pintuan.

"Anong nakain mo at sinundo mo ko ngayon?" tanong ko at ngumiti lamang siya sa akin.

"Wala lang." panimula niya. "O, bigay ni Mommy. Dalaw ka daw sa bahay." sabi niya sabay abot sa akin ng isang paper bag. Tiningnan ko ito at nakita ang isang tupperware.

Blinded (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon