After a few more hours ay lumabas na rin ang doctor na nag-opera kay Daddy. Sabay kami nina Kian na napatayo at agad na lumapit sa doctor.
"Ninong," tawag ko ng mamukhaan kong ang Ninong pala ang nag-opera kay Daddy. Niyakap naman niya ako at niyakap ko siya pabalik.
"Irish, I'm so glad you are here. Bago itakbo ang Daddy mo dito sa ospital ikaw ang tanging bukam bibig niya." bulong niya sa akin.
"Kamusta na po ang kalagayan ni Dad, Tito." tanong ni Icarus matapos akong bitawan ng Ninong.
"George is fine. Natagalan lang sa surgery kasi ilang beses na nagfafail ang pagtibok ng puso ng Daddy niyo during the surgery. We are afraid that he won't make it. Nasense niya siguro na nandito na ang anak niya kaya lumaban pa ito." napangiti naman ako sa dala nitong magandang balita.
"Do not worry. Your Dad is fine. We will run some test before transferring him to a private room." he reassures us before leaving the both of us relieved by the news.
"I'm glad he's fine." I nodded and hug Icarus. Alam kong kahit papano ay napamahal na rin siya kay Daddy at minahal niya ito bilang ama.
"Oh, tama na, pre. Layo. Social distancing tayo." awat sa pagyayakapan ni Kian sa pagyayakapan namin ni Icarus.
"Chill, bro. Kahit hindi kami magkadugo, I treat her as my sister." he answered.
"Naninigurado lang."
Ngayon ang araw na babalik ako sa hospital para bantayan si daddy. nagkasundo kasi si Mommy at si Tita Johannah na sila sa umaga at kami ni Icarus sa gabi. I looked at myself in front of the mirror. Hindi ko alam kung kaya kong harapin ang tatay ko ngayong araw. Balita ni Mommy ay agad itong nagising kanina. I am happy of course. I don't want my father to die. Hindi ko lang siya kayang harapin.
My phone rings while I'm looking at myself. Nakita ko ang pangalan ni Kian na nagfaflash sa screen ko.
"Hello?" sagot ko.
(Are you sure you don't want me to be with you?)
"Okay lang, Kian. Kailangan ko rin naman itong gawin nandyan ka man o wala."
(I need to go to the States suddenly eh. Something happen kaya ayun. Sorry talaga.)
"It's fine, Kian. Mag-ingat ka na lang diyan." he bid his goodbye after a minute of conversation tapos bumuntong hininga ako. It's now or never.
"Are you sure you are ready to face him?" tanong ni Icarus. Hinintay niya ako sa may reception area ng hospital para daw may kasama akong harapin si Daddy. Masaya kasama si Icarus actually. Dad made a good job of raising him kahit pa nag-fail siya bilang ama ko.
"Icarus, walang mangyayari kung tatayo lang tayo dito." sabi ko at tumango naman siya.
"Nag-aalala lang ako sayo. I mean, alam ko yung feeling ng galit sa tatay kasi kahit ako rin ay galit sa tatay ko." I sighed.
"Tara na." yaya ko sa kanya at binuksan naman niya ang pinto. For the first time since he left us, i saw hi. He is currently sleeping and probably never heard na nagbukas ng pinto. Pinagmasdan ko ang itsura niya at napansin ang pagpayat niya. side effects daw ito ng gamot na ininom niya, parang maintenance ganon. Tumanda na rin ang itsura niya at medyo pumuputi na ang mga buhok niya tanda na tumatanda na siya.
Napasinghap ako ng makitang unti-unti na itong gumigising. I want to ran away. i want to hide. Tila bigla akong kinabahan sa pagtatagpo namin ngayong araw. Kung kanina ay gustong gutso ko pang harapan na ang lahat ng ito ngayon ay binabalutan na ako ng takot.
"Nandito ka na pala, iho." sabi nito at halos manginig ako ng marinig ang pamilyar niyang boses na medyo may pagkatanda na sa ngayon.
"Ah opo, Pa. May kasama po pala ako." pinanlakihan ko siya ng mata at dumapo ang mga mata ng tatay ko sa akin.
"Irish," bulong niya at hindi ko mapigilang mapaluha. Hindi ko siya magawang lapitan. Natatakot ako at hindi ko alam kung bakit.
"Iwan ko po muna kay, pa. Kukuha lang po ako ng pagkain." nakatayo pa rin ako sa may likod ng pintuan kaya agad ko siyang pinigilan.
"Iiwan mo ko?" parang bata kong tanong kay Icarus.
"Kailangan niyong mag-usap, Irish." he said and nodded at me as if telling me that I should talk to my Dad. Nang makalabas na siya ay bumalot ang katahimikan sa aming dalawa. Naglakad ako sa may sofa dito sa kwarto niya at ibinaba ang gamit ko. Nanginginig akong lumapit sa kanya at umupo sa left side ng kama niya.
"Okay na po ba kayo?" mahinang tanong ko pero alam kong narinig niya yun kasi maliban sa beep ng heart monitor ay wala ng iba pang naririnig na ingay sa loob ng silid niya.
"Kamusta ka na?"
"Dapat po kayo ang tinatanong ko niyan," hindi ko alam kung paano ko siya iaaddress. Kung tatawagin ko ba siyang Daddy o pipiliin ko lang na kausapin siya without telling anything.
"I am fine now, anak. Nandito ka na eh." napayuko ako sa tinawag niya sa akin. It sounds so foreign to me. Hindi ako sanay dahil matagal na simula ng narinig ko ito.
"I want to apologize, Irish. Hindi ako naging tunay na ama sayo. I failed as a father simula ng makita kitang grumaduate ng SHS. I was there in the back cheering for my daughter na iniwan ko. Sobrang proud ako sayo, Irish. Sobrang proud ako kung ano ka ngayon. Lumaki kang wala ako pero alam kong naging dahilan iyon ng pagiging Irish mo ngayon. I'm so sorry, Irish. Napakakapal ng mukha kong humarap sayo ngayon. Napakakapal ng mukha kong tawagin kitang anak kung una pa lang ay hindi na ako naging tatay sayo. I want you to know that I love you and I will never stop being your father kahit pa binigo kita." tumutulo ang luha niya habang sinasabi sa akin yun.
"Sobrang late ng sorry, Daddy. Honestly, ayokong kausapin ka. Ayokong makita ka. Galit ako sayo. I caught you cheating, Dad. Habang lumalaki ako hindi ko mapigilang mag-isip. Kulan pa ba kami ni Mommy? Is Mommy not enough? Am I not enough? Lumaki akong may galit sa puso dahil sa ginawa mo. Binakuran ko ang sarili ko sa mga lalaking mananakit sa akin katulad mo. You left a scar in my heart. Nasaktan mo ko, Daddy. Pero hindi ko alam kung bakit andali kong magpatawad. Maybe I am like you. A person that always think others before themselves." humahagulgol n ako sa harap niya.
"I can forgive pero hindi madaling magpatawad, Daddy. I hope you understand that." sabi ko and he nodded.
"Thank you, Irish and i will wait. I will wait 'til I deserve your forgiveness. I love you, anak." he whispered and I smiled and held his hands.
"Mahal ko din po kayo, Dad. I hope you will be better soon." he squeezes my hands and as if on cue Icarus went in.
"Kumain na po tayo. Bumili ako ng pagkain." he cheerily announces and both me and Dad laugh at him.
Pero like all they said, promises are meant to be broken. Isang araw habang nagbabantay kami ni Icarus ay narinig namin ang tawag ni Daddy. Agad naman kaming lumapit sa kanya.
"Huwag niyong pababayaan ang mga sarili niyo ah. Icarus, kahit hindi kita tunay na anak tinuring naman kita bilang anak ko talaga. Promise me that you'll talk to your dad, okay?" Icarus nodded and he looked at me.
"I know I have failed my duty as your father, Irish. Probably, I'll fail you again. I love you, my daughter but I believe that I can wait any longer." he reached out for my hand and kiss the back of it. "I'm sorry,"
Isang nakakabinging ingay ang umalingawngaw sa buong silid ni daddy at unti unti nitong binibitawan ang kamay ko.
"Daddy," iyak ko habang ginigising siya. Hindi pwedeng mangyari ito. "Why are you leaving me again?" sigaw ko habang niyuyugyog ang katawan niya at paulit-ulit na binabanggit ang pangalan niya. Doctors and nurses rushed in his room while Icarus pulled me away from the bed and hug me tightly. Humagulgol ako sa dibdib niya habang yakap yakap niya ako.
•••
BINABASA MO ANG
Blinded (Montenegro Series #2)
Teen FictionMontenegro Series #2. Bata pa lamang si Irish Klaire Borromeo ay nakaranas na siya ng heartbreak. Heartbreak mula sa tatay niya. Ever since that day, she swear to herself that she will never let any guy again. Until she met Kian Irwin Montenegro, t...