Ever felt like your whole world crumbling right in front of you and hindi mo maramdaman ito. Your body felt numb from all the heartbreaks you have. That's what I felt right now. Wala akong maramdaman. Hindi ako makaramdam.
Maybe my tears are flowing freely pero the pain. The pain becomes bearable and it should not. Feeling ko sobrang masaktan na ako noon kaya parang manhid na ako sa ganitong bagay.
I wanted to cry. Hindi ko magawa kasi ako naman yung lumayo. Ako naman yung nagsabi na tigilan na namin. Mali ba yung ginawa kong mapagod?
Matapos kasi ng usapan namin ni Kian ay hindi na ako pumasok pa. Nagcommute ako pauwi sa bahay at umiyak ng umiyak pero wala atang katapusan ang mga luha ko ng araw na iyon. Parang hindi sila nauubos.
"Bakit hindi ka pumasok kahapon?" Savannah asks.
"Masama lang pakiramdam ko." pag-aalibi ko.
"Uminom ka na ba ng gamot?" I nodded at her question at tumingin sa bintana ng classroom namin. Maya maya ay nagulat ako ng lumingon siya sa akin.
"Tulala ka." puna ni Sav. Mukha rin siyang walang tulog at problemado.
"May iniisip lang." sagot ko and she nodded.
"Sav." she look at me and I sighed. "Minsan ba naramdaman mo ng maging manhid?"
"Manhid ka nga diba so how can you feel?" pabirong sabi niya at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Seryoso."
"Okay, hindi pa. Pero I guess, if you felt numb that just means na you give up na. It's sad. Bakit mo natanong?" her full attention is on me now.
"Wala lang. May nakausap lang ako na ganon." she nodded.
"Kahit ayaw ming sabihin na ikaw ang nakakaramdam non ay hindi kita pipilitin. Just remember that I am here and I will always be here for you to vent out all your problems." she told me and I smiled. I'm glad to have a friend like Savannah. She's the most caring and fragile person, I know.
"Thank you, Sav." she smiled at me at umayos na ng upo dahil dumating na ang prof namin.
Tatlong araw ang lumipas ng maimbitahan kaming magkakaibigan sa birthday ni Ajeer. Ayoko sanang pumunta kaso pinilit ako nila Brielle na pumunta at wag silang iwan. Ang ending nasa gilid ako habang umiinom ng tequila shots.
"Iihi lang ako." paalam ko kay Carson na siyang katabi ko. Hindi pa naman ako lasing dahil alam ko naman kung paano ihandle ang alcohol ko. Pagkatapos kong umihi ay nagulat ako ng may naaninag akong pamilyar ang mukha.
"Oh, Biscuit." tawag ko at napalingon naman ito.
"If you weren't a little bit drunk right now, baka naoffend ako na hindi mo ko naaalala at si biscuit lang ang naaalala mo." he told me and I giggled.
"Kamusta na si Biscuit?" tanong ko.
"Seriously, woman." natawa naman ako sa inakto niya. "So where's your date?"
"Wala na." I answered and he raises his brows at me. "Binasted ko."
"Nakakatakot ka namam pala ligawan." he told me and I smiled at him.
"May balak ka bang ligawan ako?" Pinitik niya naman ang noo ko kaya napadaing ako.
"Loyal ako kay Biscuit. Atsaka may hinihintay ako." tumango naman ako.
"Sige na babalik na ako don baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko." he nodded and waved goodbye at me.
Nilingon ko ulit siya ng medyo nakalayo na ako at kumaway kaya natawa naman siya.
"Sinong kinakawayan mo?" tanong ni Carson sa akin at ngumiti lang ako sa kanya. "Ang landi!" she commented. Napatingin naman ako kung nasaan sina Kian. He looks at me before looking away.
Days have passed and everyday is a torture. I practically saw Kian everyday kasi lagi siyang pumupunta sa building namin to drive Sav home. Our eyes will meet pero none of us dared to speak up about what happen.
He seems fine and healthy. Yun na lang ang pinasasalamatan ko. We act like we are in good terms in front of Sav pero magbabago din siya kapag nakasakay na sila sa Expedition nito.
"Ano ba ang ginagawa ni Salem at laging ikaw ang sumusundo?" tanong ko sa bagong dating na Kian. Another day of acting.
"May ginagawa daw siya. Are you sure na hindi ka na sasabay?" he asks and I nodded. I look straight into his eyes. His eyes mirrored mine.
"Hindi na. Ingat na lang kayo." He nodded and hop in his car before driving away. Ilang minuto lang ay dumating na rin ang sundo ko. Mahirap din palang mabago yung nakasanayan mong gawin. You don't know how to start again. Katulad noon.
After ng break up namin ay para akong bulag na nangangapa sa dilim. Hindi ko alam kung saan magsisimula o paano magsisimula. I suddenly felt like I was alone. Being dependent to someone isn't bad. It becomes bad if its toxic already. Ngayon ko lang din narealize na wala akong ibang lalaking nakasalamuha maliban kay Kian. I never got the chance to explore. Unlike him.
Narealize ko na sa sobrang pagmamahal ko kay Kian ay ginawa ako nitong bulag sa kapaligiran. It's not a bad thing though because Kian is great guy pero sa iba isa itong kahibangan.
Naglalakad ako papuntang waiting shed para maghintay sa sundo ko. Ganito lagi ang eksena ko tuwing uwian para akong nasa music video kung makapagsenti. Dinadama ko ang simoy ng hangin habang nakaupo ako sa bench dito.
"Irish." someone called me and I look up. Standing in front of me is Imee. She looks beautiful just like the other day. Iba yung pagkaganda niya at pagkataba niya.
"Imee, ikaw pala." bati ko and she smiled.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
•••
6 chapters left. Huhuhu. Sorry kung short lang ito.xx
BINABASA MO ANG
Blinded (Montenegro Series #2)
Teen FictionMontenegro Series #2. Bata pa lamang si Irish Klaire Borromeo ay nakaranas na siya ng heartbreak. Heartbreak mula sa tatay niya. Ever since that day, she swear to herself that she will never let any guy again. Until she met Kian Irwin Montenegro, t...