DECEMBER 25, 2020
MONIQUE POV
" BAKLA!!! ano ? nacontact mo ba si Nico? paalis na si Jayjay " sabi ko kay Bubbles.
Andito kami ngayon sa condo ni papa nya habang nag aayos sya ng gamit para sa pag stay nya sa probinsya.. Sinusubukan namin sabihan o tawagan si Nico pero wala ihh di namin sya macontact.
" Monique, halika tulungan mo akong ilagay to sa baba "
" haa ahh sige sige " binaba ko na ang cellphone ko at tinulungan sya dalhin yung maleta nya at ibang pasalubong nya sa mga kamag anak nya
sumakay kami ng elevator
" wala ka bang balak sabihin girl kay Nico na preggy ka? " sabi ko sa kanya
sa loob ng elevator
" hmmm wala na. Alam kong hindi ako ang babaeng makakapagpasaya sa kanya kaya ayoko ng itali sya " sabi nya
napakatapang naman masyado ng frenny ko! parang sa telenovela lang to ahhh
ayaw nya ipaalam na buntis sya kay Nico tapos ayaw din nya magpakita man lang bago umalis!!
NAKAKAYAMOT ANG BABAENG TO!!!
" PERO KARAPATAN NAMAN NI NICO MALAMAN YUN! for sure di ka na nya makikita after nito hayyyyys " sabi ko sa kanya
alam ko na ang balak nila ay hindi ipaalam na nasa probinsya si Jayjay
at pagnagkataon pa baka ang sabihin nila ay nasa ibang bansa sya
" hahahhaha ikaw talaga Monique! dati sabi mo bess sana si Harvey na lang tapos bumalik ka kay Nico tapos Harvey tapos nasa side ka na naman ni Nico. . .ganun lang din si Nico, at ayoko maranasan ng anak ko na hindi piliin ng sarili nyang ama "
*TING*
bumukas ang elevator
O_______O
nakakamatured ba mag isip ang pagiging buntis!
>_________<
bago kami lumabas. . .
pumasok na sya sa kotse ni Tito at bumulong sa akin,
" panigurado nasa airport na si Nico kasama si Brenda, hayaan na natin sya sumaya. . .ako ang extra sa storya ng buhay nya. Mag iingat kayo my soon to be mga ninang ni baby muaps "
tapos nag wave na sya
AIRPORT?!! NASA AIRPORT!!!
WAAAAAAAAAAAAHHH!! WALANG HIYA KANG BRUHA KA BRENDA!! KALA KO MABAIT KA KASI DI KA NANAKIT SA FRENNY KO PERO EMOTIONAL KILLER KA
tinawagan ko agad si BUBBLES
" HELLO?!!! " sabi ko
" BAKLA! wala namang tao sa bahay! ubos na ang foundation ko dito ang init init!! NICO!! LUMABAS KA JAN!!! " sigaw nya sa kabilang linya
" BAKLA! hindi jan! kundi sa airport! puntahan mo ako dun!!! " sabi ko kay Bubbles at binaba ko na ang phone ko. . .
NICO POV
" bi okay na yung mga gamit ko " kinuha ko yung maleta nya at sinakay sa kotse
" sige " tapos na drive na kami papunta sa airport
wala na akong narinig na balita kay Jajay. Hindi din ako matulungan nina mommy at daddy.
deserve ko siguro iwanan ng taong mahal na mahal ko
kung kelan alam ko na ang nararamdaman ko ngayon ako nagsisisi na hindi ko sya nagawa man lang ipriority.
Balak ko na sana sabihin sa kanya yung tungkol sa sakit ni Brenda kaso pinatayan nya na ako ng cellphone.
damang dama ko na hindi ako worth it para sa asawa ko
puro sakit at sama na lang ng loob ang nabibigay ko sa kanya
" bi ayos ka lang ba? gusto mo bang kumain muna? " sabi sa akin ni Brenda
" no thanks, di ba nasa California din sina mommy mo? " sabi ko sa kanya
" YUP! pero malayo yung hospital na pag sstay-an natin kesa sa house pero after ng operation makakadalaw tayo " sabi nya at bakas sa mukha nya ang excitement.
*RING* *RING* *RING* *RING*
kanina pa tumatawag sina Bubbles kaso di ko masagot kasi nag dridrive ako
" akin na muna ang phone mo para makapag concentrate ka sa pag dridrive " sabi ni Brenda
" okay " yun na lang ang tugon ko sa kanya
after 1 hr nasa airport na kami at inaantay na lang ang schedule ng flight namin.
" Bibili lang ako ng coffee, can i have my phone " sabi ko sa kanya
" nope! im trying to connect sa hotspot mo later mo na kunin " hinayaan ko na lang wala naman din akong aasahan na tawag pa galing kay Jajay
MONIQUE POV
*RING* *RING*
" ayunnn sinagot na! " sabi ko kay Bubbles
" HELLO NICO!!! ? HELLO?!! " sabi ko sa kabilang linya
" NICO !! asan ka nasa airport kami, kailangan mong puntahan si Jayjay " sabi ko pero wala pa din syang imik sa kabilang linya
" NICO!--------"
" please pabayaan nyo na kami ni Nico makaalis " tapos biglang binabaan kami ng phone
AT HINDI KO NA MACONTACT SI NICO!!
SA LAKI NG AIRPORT! PANO KO SYA HAHANAPIN EHH DAMIT NGA HINDI KO ALAM KUNG ANUNG SUOT!!!
walang hiyang bruha yun panira talaga sa istorya! dapat nung nasa debut pa lang nilunod ko na yun sa dagat
" BAKLAAA! " sigaw sa akin ni Bubbles
" na kay Brenda ang cellphone ni Nico hindi natin makakausap sya kailangan natin hanapin si nico sa buong airport!! " sabi ko sa kanya
" WHAT!!! ?? pumapatak na ang maskara ko bakla!! ayo--------- " bago pa sya makaangal hinila ko na sya
tapos tinulak sa kabila
" JAN KA AKO DITO ! TEXT OR CALL NA LANG " sabi ko sa kanya
sigaw ako ng sigaw ng pangalan ni Nico
ang clueless namin nakakaiyak kasi wala talaga kaming alam na gagawin
pumunta kami dito para makipag sapalaran!
alam mo yung hindi namin alam ang flight! damit o oras man lang ng pag alis nila!
Pero para kay Jayjay at sa inaanak ko!! LABANNNN
after 30 minutes wala pa ding NICO. nakailangan ikot na kami at panagpo ni Bubbles kaso di namin sya makita
NICO POV
bakit parang ang bigat bigat ng pag alis ko na para bang may malaking parte sa buhay ko ang mawawala sa pag alis ko
alam ko naiiwanan ko si Jayrah sa ngayon. . . pero babalik ako
babalikan kita at magsasama tayo, tatapusin ko lang ang kung anumang connection ang meron sa amin. .matapos lang ang operation ni Brenda titigilan ko na ang lahat ng connection ko sa kanya
pagkakuha ko ng coffee ko bumalik na ako sa pwesto namin
nagulat ako ng makita ko si Brenda na nakasalampak sa sahig. Pinagtitinginan na din sya ng mga tao
nagulat ako na andun sina Bubbles at Monique
" WHAT ARE YOU DOING?!! " sabi ko sa kanilang dalawa..
inalalayan ko si Brenda na makatayo
" NI-NICO?! " sabi ni Monique
" Nico umalis na tayo! Nico umalis na tayo-----" sabi ni Brenda
halos magmakaawa na sya at di ko na maintindihan yung nangyayari
" Miss Cortez " may lumapit sa amin na doctor dala na din siguro ng pagdami ng tao akala nila may nangyaring masama sa mga pasahero
pag tingin ko naman kay Monique para syang binuhusan ng malamig na tubig
o takot na takot sa lumapit na doctor
BINABASA MO ANG
CASSANOVA'S SECRET WIFE
Science Fiction" I DON'T KNOW HOW LONGER I CAN STAY BY YOUR SIDE. I just want you to know Nico that i never stop loving you. And in this kind of game i admit, UNA AKONG NAHULOG...KAYA AKO ANG TALO. " This story will give you an upside down twist. Let your heartbe...
