CHAPTER 59

3.2K 55 22
                                        

JAYRAH POV

but before ako makababa sa hagdan bigla akong nag blackout

" MOMMYYYY~!" yan na lang ang huling salitang narinig ko

pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko.

Bumabagal ang pagtibok ng puso ko

nahihirapan akong huminga at halos gusto ko ng hawakan ang hangin para kunin to at ilagay sa katawan ko

ganun ba kahirap mag mahal ng isang taong katulad mo Nico

kasi puro takot na lang yung binibigay mo sa akin

takot na palagi ako masasaktan sa tabi mo

takot na pag pinaglaban kita wala akong mapapala

takot na hindi totoo lahat ng sinasabi mo

takot kung hanggang kelan ba ang masasayang araw na kasama ka

NICO gusto ko lang naman mabuo ang pamilyang meron tayo

mahalin mo ako

yung totoo

yung pagmamahal na walang tinatago

yung pagmamahal na matibay sa anumang tukso

yung pagmamahal na ipaparamdam sayo na seryoso

at assurance na ikaw lang ang mamahalin hanggang dulo.


nagising ako na nasa loob na ako ng isang kwarto sa hospital

" DOC! NURSE!! gising na po si Jayrah! " sigaw ni Tita na mukhang nag bantay sa akin...

pumasok kasama ng doctor ang dalawang Nurse at si papa

" Si Teptep? " sabi ko

ang huli kong naalala ay tinawag ako ni Nico at ni Teptep

nagkita ba sila?! kinuha ba nya si TEPTEP?!

" PA!! si TEPTEP!!! wag nyo sya ibibigay kay Nico paa! " sabi ko

halos tanggalin ko na yung mga aparatos na nakalagay sa aking dibdib at braso

" PAPA! si TEPTEP! " sigaw ko

" Miss huminahon ka! hindi makakabuti yang ginagawa mo " sabi ng doctor

" HINDI! kailangan ko makita ang anak ko! PAPA! Pa~!!"

" anak! makinig ka na muna haaa, nasa bahay lang si Teptep kakauwi nya lang " pakalmang sabi ni Papa

pero kinakabahan pa din ako dahil alam kong pwedeng nagkita ang mag ama

" PAPA!! " bigla na lang akong umiyak sa papa ko habang inaayos ng doctor yung nakakabit sa akin

" ssshhh anak huminahon ka " sabi ni papa

" Miss Reyes, you need to take care of your body. Hindi man ganun kalala ang level of stress mo nadadamay naman ang ibang function ng body part mo. You can go home na din later just take the medicine na irereseta ko " tapos umalis na yung doctor.

pag kaalis nya lumabas din si tita para ayusin ang bills ko

" Anak, tomorrow na yung engagement party ko... sa palagay mo ba makakasama ka pa?" sabi ni papa

nag smile ako sa kanya at nagbigay ng assurance na

" opo papa, ayoko mamiss ang special day sa buhay mo " sabi ko sa kanya

yung sandali na nakita ko yung ngiti sa mukha ni Nico habang mag kausap sila ni brenda

parang kahapon lang yung araw na iniwan nya ako at sinabing sasama na sya dun.

CASSANOVA'S SECRET WIFEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon