CHAPTER 5 - WHAT TO DO!?

3.9K 59 1
                                    


PUTEKKKK NAMAN! bakit ngayon pa nadali ng lagnat ang impaktong. Hayss! first aid kit san ka ba nilagay ni manang UGGHH!!


" martilyo,, pako, ANO BA NAMAN TO' bakit mga plais ang nakikita ko san ba yun "


" AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!! "

SHET SHET WHAT TO DO?!! UGHHH SUMIGAW NA ANG HALIMAW! ESTE ASAWA KO PALA!

ano nga ba ginagawa ni mama pagnilalagnat ako

dali dali ako kumuha ng bimpo at tubig tapos dinala ko sa kanya sa salas.

" NAKU! sobrang pawisan mo na hala! ano na?! ahmm tamaa! halika dadalhin kita sa kwarto mo kaya mo bang lumakad? bakit ka naman kasi jan tumambay kung lalagnatin ka!!! "

daredaretso lang ako ng sermon okay lang naman kasi di papalag toh nangangatal na nga sa lagnat. buti di kinain yung sandwich ko paubos na kasi milo ihhh. kinuha ko ang tinapay tapos nilapag ko muna sa tabi ng lamesa. Umiling lang sya  sa tanung ko kung kaya nyang lumakad ihh nasa second floor pa ang bahay namin. HAYS!

NO CHOICE! binuhat ko na ang lalaking to' nilagay ko ang braso nya sa leeg ko dahil mas matangkad sya sa akin ayunnn nakalaylay ang paa nya bahala na ganito ko na to' kakaladkadin pataas T_T potekk!! 30 steps nga pala pataas hanep!


".... a-ang sakit ng paa ko.. " ungot ng lalaking to


" OY! wag ka na nga jan mag inarte ang bigat bigat mo! di ka naman ganito kalaki nuon uhugin ka pa pero bakit ganito katawan mo "

 nakaya ko pa sabihin yun kahit nangangatal na ang tuhod ko sa pag akyat. Pakiramdam ko susuko na yung matress ko sa pag bubuhat ng lalaking to' mas mabigat pa sya sa akin at mas matangkad. Pareho na kaming pawisan

T_________________T

first time kong papasok sa kwarto nya kasi lagi nyang nilolock yan pag umaalis ng bahay

" OYY! ha... haa.....ha....*hingal* a-asan yung susi? "

" bu-bulsa " 

kinuha ko na lang sa bulsa nya ang susi at daredaretso na sa loob at sinalampak ko na sya sa higaan nya. Puro anime, cartoons hayss lalaking lalaki pati yung mga rubber shoes nya parang basurahan na to ahh magkakapatong mga sapatos :/ pati din ata si manang di nakakapasok dito ih

kinuha ko na lamang ang bimpo tsaka yung yung tubig sa palanggana para mapunasan na siya. Pagkadating ko sa kwarto nya ulit nakakumot na sya. Tinanggal ko naman

" HOY! magpalit ka na ng damit ng mapunasan na kita "

"...hindi ko kaya.. wag na, u-umalis ka na "

"ABA ! ehh kung tumirik pa jan mata mo ako pa mapapagalitan ng magulang mo sa burol mo! sabihin nilason kita o  kung anung ginawa ko sayo! sabagay dapat nga iwanan na kita makaganti ako sa mga kalokohan at pagmumura mo sa akin.. BAGAY YAN SAYO! "

" ..he-help me.. please "

O__O IS HE DYING?!!!

" ANO ULIT?!! mamamatay ka na ba? bakit ka nag please! susmeee nag please ka lang ata sa akin nuon nung hinihingi mo yung lollipop ko kaso uhugin ka pa nun! pero ngayon. HMPF OKAY OKAY! "

" tsssk" 

aba ang lakas ng loob pa haaa. DI ko na lang sya pinansin kumuha na ako ng t-shirt at pinunassan ang katawan nya

ugh *lunok laway* bakit ganito na katawan nito! kala ko nga may sakit pa tong TB nuon sa payat at uhugin pero shemsss ang ganda ng muscles at kahit nakatagilid sya sa akin gusto ko haplusin din ang abs nya KYAHHHHH *erase* * erase*

CASSANOVA'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon