CHAPTER 3

1 0 0
                                    

'Coco'

Kita sa mga mukha namin ngayon ang pagod. Ni hindi nga kami nakapagpahinga matapos ang byahe dahil naglinis sila ng mga kwarto samantalang ako naman ay nag grocery.

"Ngayon ko lang naramdaman ang pagod, my god! Goodnight guys matutulog na ako."

Halata ngang pagod si Sam dahil pumasok agad ito sa kwarto.

Lahat ata kami ngayon ay pagod. Kaya nang matapos sa pagkain ay nagkanya-kanya na kaming pasok sa kwarto dahil sa sobramg pagod. Ni hindi na nga nahugasan yung mga pinggan dahil tinatamad na si Sam mag hugas bukas nya na lang daw huhugasan.

Nagpaalam na rin ako kay Van at pumasok na sa kwarto ko ganun din naman ang ginawa nya.

Tatlong kwarto ang meron ang bahay hindi nga lang malalaki tulad ng kwarto namin sa Manila pero mukang hindi na nakapagreklamo si Sam dahil pagod na. Mahabang araw na din kasi ito, matapos kung mag ayos ng sarili ay humiga na din ako.

It's been 2 days after nung graduation buti na lang, pumayag sila mommy at daddy na magbakasyon na muna ako bago magtrabaho, buti na lang din at sumama ang dalawa dito kahit na may mga trabaho sila.

Vanessa is a busy woman hindi nauubusan ng mga meetings at out of town na mga conventions si Sam naman ay katatapos lang sa isang kaso na naipanalo nya sa court mababaliw na daw sya sa dami ng mga kaso kaya sumama din sa bakasyon.

Na una silang magtrabaho dahil nauna rin makagraduate.

Van is a successful business woman sya ang nagmana ng pwesto ni tito sa kompanya at ang alam ko ay marami din syang shares sa ilang pang kompanya.

While Sam is one the best lawyers, kaya hindi nakakapagtaka na napakaraming malalaking pamilya ang kinukuha sya para maging abogado, she's not working in a firm ayaw nya ng ganoon na dinidiktahan sya sa gagawin kaya nagtayo na lang sya ng sariling opisina hindi na nahirapan dahil magaling naman sya sa ganitong industriya.

While me sa wakas pediatrician na din ako, napangiti ako sa mga naiisip na this time gagamot na ako ng mga bata at tatawagin nag Doc.

Natigil na din ako sa pag- iisip at unti- unti nang hinila ng antok.

Nagising ako dahil sa ingay sa kusina, hindi naman kasi soundproof ang mga kwarto kaya maririnig mo talaga ang mga ingay, especially kung nabasag na gamit iyon.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para tingnan kung ano iyong nabasag.

Nakita ko si Van na nagulat at si Sam na pinupulot yun basag na baso sa sink.

"Sorry guys dumulas sa kamay ko eh, sorry Sap nagising ka ata" tiningnan ko sya ng masama.

"Wag mong uubusin yang mga baso ha paiinumin kita sa bao."

"eh ang dulas eh," nakanguso nyang sabi.

Nakita ko naman na umiling si Van habang nakangiti.

"Buhay prinsesa ka kasi sa bahay kaya simpleng paghugas, tsk. Kaya ka nababasted eh" Sam rolled her eyes to Van.

"oh, Shut up Van! Para naman may nangligaw sayo. Ha ha"

Natawa na lang ako sa dalawa, minsan ang gago din ni Van eh alam nya naman yung nangyari noon pero inaasar nya pa talaga si Sam about that buti at hindi pikon itong si Sam.

"Speaking of nangbasted nasaan na nga pala si Giyu, Sam?" she made a face.

"Pakealam ko sa kanya."

Humalakhak na kami ni Van dahil kita sa muka ni Sam Ang iritasyon sa topic.

After that we start to eat our breakfast. This is one of the things I like about Van ang sarap nyang magluto.

"Magswimmimg tayo ngayon kahapon ko pa gustong maligo sa dagat e?" si Sam

"Nag research ako kagabi at may magandang resort sa malapit, kasalukuyan pang nagdadagdag ng pool doon pero open naman sya."

"You what Van?...... Nag research ka? Bakit doon pa? may dagat naman dyan sa malapit."

She just looked at me like she's saying 'bawal bang magreseach' well kung si Sam ang gumawa non mauunawan ko pero dahil sya na walang interes sa bakasyon at puro trabaho lang ang alam makes it sound so weird.

"Oo nga Van, try muna natin yung dagat dito nakakatamad pang bumyahe."

"It wasn't really far Sam dyan lang naman sa malapit iyon besides we can rent a cab as our service inooffer din pala yun ng resort." Van said as she drinks her coffee.

Mukang nagresearch talaga sya dahil alam nya pa ang tungkol doon.

Wala naman nagawa si Van dahil andito na nga kami sa dagat malapit sa bahay.

I was busy putting sunblock on my legs habang si Sam ay naliligo na sa dagat. Katabi ko si Van na nakaupo sa isang malaking sanga ng kahoy na natumba dito, hinihimas nya ang balahibo ni coco.

"Hindi ka magswiswimming?" I ask her dahil mukang wala naman syang plano maligo.

Umiling sya "Ang lakas ng alon."

Tama nga sya dahil kanina pa din hindi makaalis si Sam sa nilalanguyan nya dahil sa tuwing lalanguy sya ay may malakas na alon na hahampas na magtutulak sa kanya pabalik.

Malakas nga ang along sa parte dito, pero parang wala lang naman iyon kay Sam.

"Hey guys!" kumaway sya sa amin "tara na sayang yang swim suit nyo, the water is warm!" sigaw nya.

"Di ka talaga maliligo?"

Umiling lang sya ulit kaya mag isa na lang akong lumapit kay Samantha hinalikan ko muna si coco before I go.

Napangiti ako ng maramdaman ang maligamgam na tubig dagat. Magaganda ang mga tanawin kaya nakakagaan ng pakiramdam lalo sana kung hindi ganito kalakas ang alon.

Napapikit ako ng hampasin ako sa muka ng malakas na alon narinig kong tumawa si Sam somewhere kaya medyo natawa din ako kahit na may kaunting tubig na nakapasok sa ilong ko.

Nagtagal din kami sa paliligo bago ko niyaya na umuwi na si Sam dahil umiinit na.

"Sige bukas na lang tayo ulit mag swimming kahit na feeling serena ako minsan ayoko naman umitim lalo dahil sa init ng araw, let's go Sap"

We walked towards the house at ako na ngayon ang may dala kay coco na panay ang dila sa aking pisngi.

Her Own Doses of MedicineWhere stories live. Discover now