CHAPTER 11

0 0 0
                                    

"Disappointed"

Kahit na nakainom ako kagabi ay hindi parin ako nalate sa trabaho.

Kumatok si Rea sa office ko. Nag- angat ako ng tingin at nakangiti na naman sya.

"Breakfast tayo?" she asked with a wide smile in her face. Sumilip lang sya Doon at hindi na nag abala pang pumasok.

Tumayo ako kahit na nagbreakfast na sa bahay, well hindi naman ako kakain, magkakape lang.

Naglakad kami patungo sa canteen, ang office ko kasi ay nasa 1st floor lang ang kay Daddy naman ay nandito lang din, dahil sa taas ay mga ward na iyon ng patients.

Kaunti lang ang tao sa canteen may ilang nurse na kumakain at ang ilan ay mga ordinaryong tao na.

Umupo kami malapit doon sa may water dispenser. Lumapit naman si Rea sa counter para bumili tumanggi ako at sinabing mag cocoffee lang.

"Alam mo sa tingin ko ay may crush iyong si Meaan kay Doc. Francis kahapon pa iyon e, nakakinis." Bakas na bakas sa mukha nya ang inis lalo na gigil na gigil nyang hinihiwa ang friend chicken. Kawawang manok dahil syang nabuntungan ng kaartehan ni Rea.

Gusto ko sana syang pigilan na 'wag ang taong iyong ang pag- usapan dahil naaalala ko lang ang kagabi. Tsk.

"Nakakainis! Singit ng singit kahapon sa usapan e, ang harot ang akala ko'y si Doc. Rhegan ang crush noon" Harsh syang uminom sa baso at padabog din iyong binaba.

Bumuntong hininga ako. At ilang beses na umiling nang maalala ko ang hagikhik ng babae kagabi at ang tawa ni Noah kagabi...

Maharot!

I just ignored Rea's senseless tantrums and focus in my coffee.

I sipped in my coffee and notice that I haven't manicured my nails for a long time. I've been so busy with work that I forgot to do some of my stuff, the last time I got my manicured was 2 weeks ago, I should do it then, maybe I'll try red this time.

I was still checking my nails and thinking about my manicured when Rea caught my attention.

"Uy! Si Doc!... Doc!"

Lumaki ang mata ko ng kinawayan ni Rea ang kapapasok lang na si Doc. Noah at niyaya sa amin.

"Dito kana Doc!"

Tumingin muna sya sa akin at ngumisi pagkatapos ay tinanggap ang upuan na nilahad ni Rea. I put my hands down and looked at him for a bit.

"Thanks."

Tumawa ulit sya at sandaling sumulyap sa akin.

Mukang blooming ah! Malamang sa lakas ng tili kagabi ng babae sinong hindi bloblooming.

Napatingin naman ako kay Rea na kanina pa pala ako tinatawag.

"Doc! Huy!... aba'y tulira ah? Puyat kagabi nag bar kayo diba, saan nga yun makapunta rin?"

Medyo nahiya naman ako at natulala pa ata, umayos ako sa pag- upo at tumango na lang tapos ay sinagot sya.

"Sa Cloudnine."

Nilingon ko si Noah, nakaawang ang labi at nasa akin na ang tingin. Umiwas ako ng tingin na para bang mahihirapan akong huminga kung titingin din sa kanya, humigop ulit sa kape.

"Cloudnine? Maraming gwapo Doc? Yayain kita ha minsan puntahan natin, sa ibang bar kasi ako pumupunta e, hindi pa doon."

Talak lang talak si Rea at nanatili naman ang mata ko sa kape na parang inuurasyunan iyon.

Her Own Doses of MedicineWhere stories live. Discover now