CHAPTER 4

1 1 0
                                    

'Baka naman kargador'

Kinabukasan naghanda kami ng mga dadalhin sa resort na gustong puntahan ni Van kahapon.

Sobrang excited nga si Sam kaya ang daming dalang damit napag-usapan kasi namin na mag oovernight doon, perong itong si Sam ang daming dala.

"Sam mag-oovernight lang tayo di tayo titira don wag kang OA" Sam rolled her eyes.

"These are my important things Van, nuka ba syempre di lang isang pair ng swim suit ang dala ko."

Napailing na lang ako kay Sam.

Lumabas na kami ng bahay para sana mag antay sa labasan kaso mukang kami ata ang inaantay nung service.

"Ay bongga naman ng resort na iyon ang aga ng service" si Sam

Maaga nga ang service dahil 15 minutes pa naman bago dapat kami susunduin pero mas mabuti na din iyon para maaga kaming makakarating sa resort.

Gulat na gulat ako ng lumabas sa driver seat ang lalake, it was him yesterday. Ngumiti sya sa amin at bumati.

Si Sam lang ata ang magsiglang bumati pabalik dahil tumango lang naman si Van habang ako hindi parin makabawi sa gulat kung di nya lang kinuha iyon dala kong bag.

"Miss, ako na"

Nagpaubaya na lang ako at pumasok na sa loob, mabuti na lang at kasya kaming tatlo sa backseat dahil hindi ako sasakay sa tabi nung driver.
Kung ganun nagtratrabaho pala sya sa resort na iyon.

"Ang bongga ng resort ninyo ha, pati driver ay di papahuli sa looks."

Bilang Samatha Ferrer hindi talaga sya titigil at ivovoice out ang opinyon. Tumawa ang lalake at nag thank you. Napaangat tuloy ang labi ko masyado kasing.....presko.

Kahit hindi ko sya tingnan alam kung kanina pa sya sulyap ng sulyap sa salamin. Hindi lang mapansin iyon ng mga kasama ko dahil may mga kanya kanyang pinagkakaabalahan. Minsan na din nangtama ang tingin namin at sa tuwing ganoon ay ngingiti lang sya na hindi ko na lang pinapansin.

Laking pasasalamat ko na lang at hindi talaga sobrang layo ng resort kaya nakarating din kami agad.

It was a beautiful place, masyadong magara kahit iyong gate. Nakukulayan iyon ng pula at may nakaukit na 'Welcome to Esmeralda's Resort' lalo lang akong namangha ng makapasok kami sa loob buong akala ko kasi ay mga buhangin ang sasalubong sa amin ngunit napakaraming mga bulaklak pala iyon.

Hinatid kami ng babae na nakasuot na kulay pulang uniform sa isang cottage malapit sa beach dahil doon namin napili na manatili kesa sa hotel dito.

Malaki ang resort dahil meron itong tatlong malalaking pool at sa kasalukuyan ay gumagawa ng dalawa pang infinity pool.

Yung driver naman kanina ay umalis din matapos madala yung mga gamit sa cottage. Mabuti na din iyon dahil kanina pa ako nabobother sa prensensya nya.

Halos nakailang puri na din si Sam sa resort dahil may dalawang bar dito at agad daw naming pupuntahan mamayang gabi.

Nakailang irap na din kami ni Van sa mga pinagsasabi nya kaya pinaalis muna sya ni Van at magikot- ikot daw muna. Mabuti na lang at pumayag naman agad si Sam dahil iyon naman daw talaga ang gagawin nya kahit di sabihin ni Van.

Nagpaalam din si Van na mag-iikot sya, nang umalis ang dalawa naisipan ko naman na pumunta doon sa may kaliwang bahagi ng resort kung saan may mga nagtitinda ng mga souviniers.

Maraming akong nakitang magagandang kwintas na gawa sa perlas kaya pumili ako ng isang simpleng kwintas na tatlong perlas na malaki ang nasa gitna.

Nang mapagod ako ay bumalik na ako sa cottage at inantay sila.

"Uy, daming papabels"

Kasalukuyan kaming nagswiswimming ngayon at andami din palang mga tao sa resort kabilang na ng mga foreigners na tinutukoy na papabels ni Sam.

Sa totoo lang mas maganda nga ito compare doon sa dagat na malapit sa bahay, hindi malakas ang alon dito kaya nakakarelax sya may kalaliman nga lang kahit na malapit lang naman sa dalampasigan ay nasa may dibdib ko na agad ang tubig.

"Ang galing mo talaga Van pumili ng lugar noh Sap?" sumangayon ako kay Sam.

The place is great naman kasi talaga.

"Oh my, Oh my! Sap iyan ba iyon driver kanina? Naku di lang pala looks ang maipagyayabang nyan, ang daming abs."

Tiningnan ko ang tinutukoy ni Sam and my mouth hang- opened ng makita ang lalake na naka trunks lang wala itong pakealam kahit na binubulung-bulungan at pinag pipyestahan na sya ng mga kababaihan tuloy- tuloy lang itong naglakad sa dagat saka lumangoy.

"He doesn't look like a driver"

"Well tama ka dyan Van, tingin mo ano kayang trabaho nya? Hmm... Gym instructor? Model? O baka anak ng isang C.E.O pwede iyon kasi mukang mayaman eh?" exited na sabi ni Sam.

"Baka naman kargador... lumaki lang ang katawan kasi malaki ang mga binubuhat"

Sinamaan ko nga ng tingin si Sam ng hampasin ako, medyo malakas iyon.

"Ano kaba Sap, e hindi naman mukang pampalengke ang looks nyan di ba Van."

"Di naman ganun kagwapo Sam, diba Van?"

Hindi ako sinagot ni Van dahil nakatingin pa din sya doon sa lalake.

"He looks familiar though" si Van,

"Parang nakita ko na sya somewhere, anyway bakit ba pinag-uusapn niyo yan? Type mo ba Sam?"Tumawa lang ng malakas si Sam.

Tinitigan ko naman ang lalake, kung hindi ako nagkakamali Sta. Ana ata ang apelyedo nya, parang hindi naman tanyag iyon kaya bakit familiar kay Van.

Her Own Doses of MedicineWhere stories live. Discover now