CHAPTER 10

0 0 0
                                    

"What a Cheap!"

Maaga akong nagising ngayon, 4:00 am palang ng umaga ay nakapagbihis na at inuubos na ang coffee. Today is Suturday and I'm going to jog around the area. Nang matapos ay nilagay ko ang tasa sa sink.

Lumabas ako, ang plano ko ay ang majogging lang paikot sa area, iyon nga ang ginawa ko.

Medyo madilim pa at wala pang tao sa labas, nang magsawa ako sa kakaikot sa area ay lumabas ako para mag jog sa labas, total e madilim pa naman kakaunti pa lang ang mga sasakyan.

I was panting ng huminto ako sa pagtakbo, pinunasan ang pawis gamit ang braso at ilang beses na huminga ng malalim. Nagpatuloy ako sa pagtakbo, nang napansin sumisikat na ang araw at dumarami na din ang tao sa kalsada pati ang sasakyan ay bumalik na ako.

Naligo ako at ang lagkit sa pakiramdam dahil sa pawis, abala ako sa pagpaptuyo ng buhok ng tumunog ang aking cellphone. Dinampot ko iyon sa ibabaw ng kama, nagtext pala si Rhegan

Rhegan:
Good Morning! Are you busy today?

Ako:
Hindi naman, bakit? Tumunog ulit ang cellphone ko.

Rhegan:
Let's have breakfast together. I miss you!

I smiled after reading his text. Naging abala kasi sya noong ilang araw kaya hindi kami masyadong nakapag- usap.

Ako:
Alright, saan ba? I'll bring my car.

Rhegan:
Huwag na please susunduin na lang kita, magshoshower lang ako, prepare yourself.

Hindi na ako nagreply at nagbihis na lang. I wore a red fitted dress na nagpatingkad sa aking kaputian pinaresan ko iyong ng black stelletos. I let my hair untied at kinulot lang iyon ng kaunti. Right after I finish putting my earings ay tumunog ulit ang cellphone.

Rhegan:
I'm here!

Rhegan was leaning in his car when I arrived. He smiled at sinuri ang suot ko. Lalong lumaki ang ngiti nang makalapit ako, he kissed my cheeks.

"You look beautiful as always!" tumawa sya kaya natawa din ako.

He opened the door for me at pumasok naman sya sa driver seat. Kung ano- ano na lang ang napag- usapan namin habang nagdidrive sya.

"I was busy last week kaya hindi tayo nakakapag- usap dalawang beses lang ako pumasok sa hospital. I miss you" nakapout sya, tumawa ako.

"How was your seminar by the way?"

Ngumiti sya at nagsimula ng ikwento ang nangyari sa seminar na inattendan nya last week kaya hindi nakakapasok sa hospital, maganda raw ang venue at mga sikat at magagaling na doctor iyong mga imbitado kaya masayang masaya sya doon.

"Minsan dadalhin kita doon" ang tinutukoy ay ang venue ng seminar.

Tumango lang ako, hindi rin naman nagtagal ay nakarating kami sa restaurant. Umorder ako at ganon din sya, we start to eat our food at minsan ay natitigil sya sa pagkwento.

"How about you, how's your day without me huh?" nakangisi nyang tanong, naalala ko naman ang mga araw na pinagkaabalahan ko.

"It was good, nagkahanap na ko ng pwesto para doon sa clinc." Lumaki ang mata nya.

"Really? So talagang tuloy na iyan plano mo kung ganun? You know what Sap, para saan ba at kailangan mo pa ng clinic you have the Alcala's Hospital?" naguguluhan nyang tanong, huminga lang ako ng malalim, this is what I like and my dream, pareho talaga sila ni mommy ng komento tungkol doon.

Nag- usap pa kami hanggang sa kailangan nya ng umalis dahil may lakad ngayon with dad, they are planning to play bowling.

Hinatid nya ulit ako sa condo, hindi na din sya nagtagal at baka mainip daw si Daddy.

So I busy myself in the bathtub, hindi ko nga namalayan na nakatulog pala ako doon. And then Sunday came at si Sam naman at Van ang kasama ko ngayon sa Cloudnine.

Ngayon na kasi iyong celebration na sinasabi nya, at mukang nag- eenjoy nga ang bruha. Van and I are both tipsy dahil medyo naparami na din ang naimon, titigil na nga ako sa pag- inom dahil may trabaho pa bukas, while si Sam naman ay lasing na talaga.

"Loosen up guys! Parang kayong mga nasa simbahan, magwalwal tayo ngayon we're in a bar"

"Samantha lasing kana umuwi na tayo!" panay naman ang pigil ko kay Sam na patuloy kaming hinihila sa dance floor, si Van naman ay panay ang tawa.

"My god! Bakit ba ako nag dala ng mga madre dito?" umirap ako, she's drunk kung ano ano ng sinasabi e.

Hinila ko nga ng malakas at ayon tumilapon sa mesa. Napangisi ako ng narinig ko syang nagmura at dumaing.

"Umuwi na nga tayo Sam may trabaho pa bukas."

"Tangina mo Sap! Ang sakit ng dibdib ko" nakasimangot nyang sabi habang hinihimas ang dibdib na tumama ata sa mesa.

Hinawakan ko nga ang kamay baliw talaga, kanina pa nakatingin ang mga lalake sa kabilang table sa bulgar nyang paghaplos sa dibdib nya.

"Stop it Sam!" mabuti at hindi na nagppumiglas, hay! Nawala ata ang pagkalasing ko dahil kay Sam.

"Van umuwi na tayo."

Minulat ni Van ang nakapikit nyang mata, lasing na din at mukang inaantok na.

Tumango sya at tumayo muntik pang matumba mabuti at nakahawak sa sofa. I was thankful at talagang one call away palagi ang mga kapatid ni Sam.

"Ikaw Sap hindi ka ba magpapahatid" kuya Ian asked me, ang panganay na kapatid ni Sam, pinagtulungan naming ipasok sa backseat si Sam katabi nya doon si Van.

"Wag na kuya I have my car" nagpaalam sila at pinaandar na ang sasakyan pumasok na ako sa akin at itinext si Van.

'Iniwan yung sasakyan mo sa Cloudnine pasundo mo na lang bukas, lasing ka na'

Malamang mababasa nya iyan bukas, at magsisisi iyon na naglasing, kung ba't kasi napaka maimpluwensya si Sam.

Papaalis na sana ako ng mamataan ko si Noah yeah the Francis Noah na may kaakbay na babae, pumasok sila sa sasakyan, nakangisi sya at panay naman ang haplos noong babae sa dibdib nya.

Kumunot ang noo ko hindi pa maayos na naisasara iyong sasakyan at nakababa ang salamin ng kotse ko kaya narinig ko pang tumili iyong babae at humagikgik.

What the hell are they doing?
Sa loob ng kotse?

What a cheap!

Her Own Doses of MedicineWhere stories live. Discover now