CHAPTER 9

0 0 0
                                    

"Karinderya"

Gaya ng inaasahan late nga ako dumating sa Hospital, kaya agad akong nag handa dahil may rounds ako ngayon.

"Morning Doc! Late ah?"

Binati ko pabalik si Rea na nakasunod na ngayon sa akin. Dala nya ang gamit para sa rounds ngayon, kasama doon ang patients' records. Nagbalik naman agad ang iritasyon ng maalala ko kung bakit ako nalate ngayon.

I was supposed to be here at least 7: 30 dahil 8 ang rounds sana and may check- up ako ngayon at 9 kaya pila talaga ang trabaho but because of Sam maadjust pa ang sched ko. Dapat ay tapos na ako bago magtanghali dahil may gagawin ako.

"Nagbreakfast na ba ang patients?"

"Yup."

Tumango ako ulit at nagtungo na sa station kung saan ang rounds.

"Sumasakit pa ba ang dibdib mo?"

"Kagabi Doktora sumakit ulit ang dibdib at nahirapang huminga"

Tiningnan ko ang nanay ngayon na sumagot sa tanong ko sa bata at tumango, Rea handed me the patient's record.

"Bibigyan ko po kayo ng bagong gamot at baka hindi tumatalab sa bata iyong nauna."

Iyon lang at nagpasalamat ang nanay nagtungo ako sa ilang pang batang pasyente at ginawa ang trabaho. Nagpasalamat din at maagang natapos ang trabaho.

"Nurse Rea, may sched ngayon ng follow up check- up, paki tawag ako sa office kapag andyan na."

"Hmm. Dalawa iyon na follow up ah. Mamaya pang 11 iyong isa diba?" si Rea.

Tumango lang ako at nagtungo na sa office. I was busy talking in the phone ng kumatok si Rea.

"Andyan na iyong pasyente."

"Okay lalabas na ako... Magkita na lang tayo mamaya at titingnan ko iyan building... Thank you!" Paalam ko sa kausap sa telepono.

Sumabay sa akin si Rea sa paglabas.

"Ano iyon naghahanap ka ng lupa, building?"

Chineck- up ko ang bata, sumunod ay inantay ang sunod na patient at ganun ang ginawa.

Medyo natagalan ang huling check- up dahil sinumpong iyong bata at ayaw magpahawak kaya inantay namin na kumalma muna, mabuti at tumigil na sa pag- iyak at pag- alburoto, natakot dahil ang akala ay tuturukan ko ng karayom.

Naglalakad ako ngayon sa parking pero wala sa daan ang mata dahil busy sa paghalughog ng bag.

Nasaan na ba ang susi. Nahawakan ko iyon at nang inangat ay bigla namang nahulog dahil sa nakabunggo. Yumuko ako para pulutin iyon pero naunahan ako ng nakabangga ko.

"I'm sorry."

Agad akong napasulyap dahil kilala ang boses, inabot nya sa akin ang susi kinuha ko iyon.

Ilang beses kumurap dahil naalala na minsan na syang naakusahan bilang kargador gayong isa palang sikat na Doctor. Tumango ako at tumikhim hindi parin sya umaalis sa akin harap, nag- aantay sa aking sasabihin.

"It's okay." Nilampasan ko sya at pinatunog ang sasakyan at agad doon pumasok.

Nanatili parin sya doon nakatingin sa akin at dahil hindi tinted ang kotse ay kita nya akong nakatingin sa kanya, tinaas nya ang kanang kamay at bahagyang kumaway at ngumisi, tumikhim ako ulit at umalis na doon.

Tumango tango ako habang nakikinig kay Leo, ang may- ari ng building na balak kong bilhin para pagtayuan ng clinic.

Maganda sana ang pwesto dahil located malapit sa high way kaya hindi mahirap hanapin. Kaya lang ang mga nasa taas na floor ay apartment pala kaya nagdadalwang isip na tuloy ako, hindi ko kasi gusto ang ganun kung sana sinabi nya agad na apartment pala ang taas ay sana'y tumanggi agad ako.

"Uhm, actually I like the location kaya lang hindi ko kasi gusto na may apartment sa floor, ang akala ko ay 1st floor lang so.." hindi ko na matuloy ang sasabihin. Kumamot sya sa ulo.

"I'm sorry hindi ko sinabi, ang akala ko kasi ayos lang naman iyon, mas maganda pa nga at sa iyo na din magpapacheck- up ang mga nakatira sa floor sa taas..." tumawa sya.

"Anyway kung hindi mo gusto ito, may space malapit sa Hospital ninyo na kilala ko ang may- ari at ang alam ko'y isasara na iyong store doon dahil lilipat na ang may ari."

Lumaki ang mata ko, kung ganun naglakabay pa ako ng malayo kung ganon meron sa malapit. Kaya lang ang dami na kasing clinics doon...

Nagpaalam na din ako, dadaan muna ako sa Hospital para tingnan iyong store na sinasabi nya, titingnan lang ang pwesto at baka dumaan na din sa Hospital.

Pagdating ko doon kaunti na lang ang paninda ng store siguro ay nagpaplano na nga atang magsara.

"Ano pong sa inyo Ma'am?" Nginitian ko ang tindera.

"Hi! Ibebenta na ba itong pwesto ninyo?" Tumango ang tindera

"Ay oo Ma'am, lilipat na po kasi ng Bicol iyong sila Sir kaya ibebenta na ito."

"Uhm, can I get your Sir's number? Balak ko sanang bilhin ang pwesto."

Excited nya naman na binigay ang numero, tuwang tuwa at sa wakas ay maybibili na din ng pwesto.

"Naku Ma'am ano ho bang plano ninyo dito, kung store po ay pwede nyo po akong ihired na trahabante, wag na po sanang karinderya at marami na dyan sa tabi." Talak lang sya ng talak.

"Kita nyo Ma'am pag karinderya ay marami kayong kakompetensya, dyan sa kabila madalas kumain ang mga nurse sa Hospital e, suki sila baka mahirapan po kayo."

Nakatayo pa rin ako doon sa harap ng store ng marinig ang tawanan sa kabilang building, sapalagay ko'y ang sinasabi nyang karinderya. Sumilip ako lalo na at parang namataan ko si Nurse Rea doon sa timbon na mesa.

"Thank you! Tawagan ko na lang ang may-ari" Iniwan ko ang tindera at sumilip sa kabila.

Panay ang tawanan ng magkakasama, halos lahat ata sila'y empleyado ng Hospital dahil pareparehong naka puti, nangibabaw naman ang hagikhik ni Nurse Rea sa grupo.

"Hindi pala ito maarte si Doc, kumakain kahit sa karinderya."

Sumilip pa ako at hindi ko makita ang kaharap ni Rea. Tumawa sya ulit, kasunod ay tawa din ng isang matiponong boses.

I was curious kaya lumapit na ako sa karinderya para makita iyong kausap nya. Hindi ko nga lang namalayan na may maliit na hagdan kaya bahagya akong tumili dahil sa pagkahulog. At dahil nasa may malapit sa labasan lang sila nakapwesto, narinig nila iyon.

Pumikit ako ng mariin, sige Sapphire curious pa more!

I was about to turn my back at magkunwaring wala lang iyon pero tinawag ako ni Rea.

"Doktora!"

Lumapit sya at hinila ako sa table nila, tumikhim ako at sandaling sinulyapan si Francis na nakaupo.

"Nag memeryenda kami dito, ayaw nila sa Canteen at sawa na ata doon, ano bang ginagawa mo at nandoon ka?"

Humila ng upuan si Rea at iginiya sa akin. Ngumiti naman ang mga nurse na naroon sa akin, halos lahat ay babae anim ata sila doon at dalawa lang ang lalake, itong nurse at si Francis.

"Ay, Doc. si Sapphire pala anak sya ng Chairman, Doktora din. Sya iyong gwapong sikat na Doctor sa America." Binulong na sa akin ang huling mga salita, 'I know Rea' gusto ko sanang sabihin iyan pero nagkibit balikat na lang ako.

Ngumisi sya sa akin at tumayo.

"Nice to meet you, Sapphire, uhm Doktora! Francis Noah Sta. Ana just call me Noah" he offered his hand, tinanggap ko iyon pero bumitiw din agad. Tumango ako at tipid na ngumiti.

Her Own Doses of MedicineWhere stories live. Discover now