Prologue

40 3 9
                                    

Malalim na ang gabi at tanging liwanag ng buwan ang nakatulong kay Red para masilayan ang mga natutulog na gaya nya ay isang batang ulila. Dahan-dahan niya ibinaba ang mga paa na kung maaari hindi siya makalikha ng ingay na ikakagising ng lahat.
Sa katunayan matagal na niyang pinaplanong tumakas sa Blessed Angels Orphanage kaso ngayon lang talaga siya nagkalakas ng loob.
Bumuntong-hininga siya nang madaanan nakasaradong pinto ng silid ni Sister Gregora Solis ang madre tumayo na nanay niya sa ampunan. Yumuko siya at nakokonsensya dahil labag man sa kalooban ang gagawin ay may sarili siyang dahilan. Ang hanapin ang magulang nya. Ayon rito, sanggol pa lamang siya ng iwan sa harap ng ampunan. Nalungkot siya ng malaman iyon. bakit nga ba siya iniwan sa bahay ampunan? Ano ang dahilan? Mahirap ba ang magulang nya? May problema ba ang mga ito?

"Gusto ko malaman". Matatag na wika ni Red at hinawakan ang kwentas na nakaukit ang buo niyang pangalan Red Cortez.

Nang nasa labas na siya ay binalingan nya ang ampunan.
"Handa na ko".

One week later...

Malakas na pumito ang mga pulis na humahabol sa mga street childrens. Sinulong nila ang estero at makikitid na daanan para lang makapagtago. Isa narito si Red bagamat sanay na sanay na sa lansangan ay normal na sa kanya ang araw-araw na may tatlo o limang pulis ang humahabol sa kanila. So far, ni isang beses never pa siyang nakapunta ng presinto.
"Red pagod na pagod na ako para di ko na kakayanin tumakbo pa". Hinihingal na reklamo ng kasamahan. Akmang magsasalita siya nang may dumaan isang pulis sa pinagtatagu-an nila. Pigil-hiningang walang sino man ang nagtankang gumalaw o gumawa ng ingay.
Sa paglampas ng pulis ay agad niyang sinagot ang kasamahan.
"Nu ka ba! mauulit pa 'to hangga't hindi tayo nauubos".
"Paano kung sumuko na lang tayo tutal kung hindi sa kulungan ang bagsak natin, mga taga DSWD yun kukopkop saatin".
Tumpak kunsabagy magandang punto nga iyon pero mawawalan ng saysay ang ipinangako niya sa sarili.
"Kung pwede lang sana kaso may tutuparin pa ako sa sarili ko pero kung gusto nyo hindi ko kayo pipigilan". Sinsero niyang mungkahi.
Sa isip niya mas mapapabuti ang lagay ng mga ito sa ilalim ng gobyerno kesa naman maging kasangkapan pa sila ng mga sindekato.

"Mapapakinabangan ka iha ah sa liit ng katawan mo pero nabuhat mo ito lahat". Namangha komento sa kanya ng ale. Binuhat lang naman ni Red ang malalaking basket ng gulay at sako mga bigas na nilipat sa tindahan ng ale.
"Oh, ito para makakakain ka ng maayos".
Masaya siyang nakatanggap ng One hundred fifty pesos mula sa ale sakto gutom na siya at dadalhan niya ng makakain ang mga kaibigan nya.
"Salamat ho".

Sabik na sabik na si Red na bumalik sa inuuwian abandonado na gusali. Tiyak kasi na matutuwa ang mga kasamahan niya sa pasalubong na tinapay at pansit.
Bagamat pagkadating nya roon, may kung ano hindi siya mapalagay. Parang may mali o nasanay lang siya na sa tuwing darating ay sumasalubong agad ang mga kasamahan nya sa kanya.
"Bata". Malalim na boses ang narinig niya mula sa kanyang likuran at ano ang nakatutok sa ulo nya?
"Di kaya-".
Bumilog ang mga mata niya nang mapagtanto ang bagay. Pumikit siya para ikalma ang sarili at sa pagdilat ng mga mata mabilis niyang kinuha ang baril sa likuran saka malakas na hinatak ni Red ang ulo ng mama at sinipa ang leeg nito.
"Nasaan ang mga kaibigan ko!". Asik niya tanong bagamat nawalan na ito ng malay.
Natauhan bigla si Red sa nagawa. Ginawa nya ba talaga yun?
Biglang umalisto ang diwa nya ng may bala paparating. Umiwas siya at hinanap ang nagpaputok ng baril na agad inihagis ang dalang pasalubong, sunod na sinipa ang mukha nito. Doon na nagsilabasan ang mga masasama nilalang.
"Bwiset! mga kidnapper ang mga 'to". Sa loob-looban niya.
Pamilyar kay Red ang mga ito. Mga kriminal. Kung ganoon nasa iisang lugar lang ang mga kaibigan niya pero paano niya sasagipin ang mga yun kung sa harapan niya may mga dapat pa na itumba?.
Pumikit muli siya at sa pagdilat mistulang kidlat syang sumugod sa isang sa mga ito at sinipa nya ng malakas ang kamay na akmang babarilin sya. Di kalaunan sunod-sunod na pinagbabaril ni Red ang mga nagbabalak na lapitan siya kasabay na iniinda ang sakit sa tenga.

"Magaling magaling magaling".
Hinihingal na natigilan si Red sa pumalakpak.
White Phantom Mask
Tinutukan siya ng baril nito matapos hubarin ang maskara.
"natatakot ka ba sa akin iha?".
Kung hindi ito nagsalita ng tagalog pagkakamalan ito ni Red na taga kanluran bahagi ng mundo.
Mataas ito at brusko ang pangangatawan tapos nang tiningnan niya ang mukha nito, mukha na walang sinasanto.
"Red Cortez". Humagikhik na sambit ng tao.
"Pagkakataon nga naman oh nahanap pa kita". Masayang masaya ito napatingala sa kawalan.
"Kilala mo ako?". Tanong niya.
Kapag umoo ito ibig sabihin maaari kilala nito ang magulang nya.
"Hindi".
"Alam mo ba na mga soldato ko ang mga yan-". Gigil na sinipa nito ang isa sa mga tauhan na nakahandusay sa semento saka tumilapon sa kabilang sulok.
"binago mo ang tingin ko sa kanila".

"Pupuntahan ko na ang mga kaibigan ko". Pag-iiba niya.

Paalis na sya nang magsalita muli ito.
"Matalino kang bata so alam mo rin pala kung nasaan ang kuta ng mga transaksyon ko".
Tumingin sya rito.
"Wala na akong pakialam sa mga ginagawa ninyo basta pakawalan nyo po ang mga kasamahan ko, wag po kayong mag-alala di ako magsasabi sa pulis kasi kahit ako ayaw ko lumapit sa mga kanila".
Humalakhak ito ng napakalakas.
"Yan ang gusto ko magalang pa rin saakin, O sige papakawalan ko sila pero sa isang kondisyon sasama ka saakin at maging parte ng Phantom Organization, take it or leave it?".

SECRET BAITWhere stories live. Discover now