Chapter 3

14 1 2
                                    

                      Red's Necklace

Invited ang Phantom Organization sa isang private na social gatherings. Red saw a lot of politicians, businessmen and their associates sa Mafia. And as a matter of fact hindi mawawala ang entertainment, mga babae at alak.
"Anak you could wear something like that". Turo ng nguso nito sa babae may napakaikling glitter dress na halos lumabas na ang pwetan kung tumuwad.
"Hindi ako tulad nya na prostitute". No filter na reply ni Red.
Tumawa lamang ang godfather.
"You really are my daughter".
She should be happy by calling her, his own daughter but something really apart her feelings towards this man.
His world.
Pero andito na sya kailangan niyang pumatay para mabuhay. Everyday she fights the battle against her death and danger.
No I am not your child

"Maiba ako asan ang kwentas mo?". Tanong nito saka lumagok ng alak.
"Hindi ko sinuot baka mawala". She lied.
Humiwa ng karne ang godfather nang may muling tinanong.
"Anyway may iba ka pa ba'ng tinatrabaho maliban sa mga pinapagawa ko sayo?".
Nanatiling blanko ang mukha ni Red pero sa loob-looban niya she knew what he meant. Kahit wala syang sabihin rito inaalam ng godfather ang bawat kilos at galaw niya.
"Wala po". Deny niya.
"Good, dahil anak kita. Just look at the present iha not your past, it won't help you to live longer". She nodded.
But Red knew that he speaks warning.

Το κρυφό μέρος
( The Hidden Place)

"Red Cortez". Basa ni Zvan sa nakaukit sa kwentas.
Inalala niya ang inosenteng imahe ng babae.
"Sa kanya ba talaga 'to?".
Hinilot niya ang sentido,
He's having a trouble to collect her personal data. Nothing shows. It doesn't shows.
Saglit pa ay napaisip siya na sinubukan hanapin sa Google site ang pangalang "Red Cortez". Sinubukan niyang tingnan ang mga images saka umismid. Mga non sense ang lumalabas.
"Please give me a hint!".
He almost give up. Until he found something that caught his attention.
"Blessed Angels Orphanage".
Pinindot ni Zvan ang larawan at idinala siya sa website ng ampunan. Muli, hinanap niya ang pangalan Red Cortez.
"Missing".

Sitio Niebla De Verano...
(Sitio Mist of Summer)

Isang rural na lugar na may kakaunti populasyon, kaaya-aya ang lugar na may valley at nagsiliparan mga dandelion ang makikita sa highway. Mangilan-ngilan lang din ang establishemento naroon. Tsaka ang kagandahan sa Sitio Buenos Niebla De Verano hindi alintana ang init dahil sa masagana na rain forest at talagang Ipinagbabawal ang pagputol ng puno roon. Not open for big businesses pa. Iba pa rin ang maibibigay na comfort ng kalikasan at dama ni Zvan ang gaan ng pakiramadam sa bago nadiskubre.

Nagsitigil sa paglaro ang mga bata sa pagdating ng isang estranghero sasakyan maging si Sister Gregora ay lumabas para alamin kung sino ang dumating.
"Hijo naliligaw ka ba?". Tanong ng madre nang lapitan niya ang napakagwapong nilalang na lumabas sa sasakyan.
"Magandang araw ho, nais ko po sanang makausap ang namamahala sa lugar na'to". Wika nito habang pinapakita ang police badge ,I.d card at ang kwentas ni Red.
"Ang pangalan ko po ay si Zvan Sandoval, police detective ng Internal Police Investigation".
Luminga-linga sa paligid ang madre saka niyaya si Zvan na sa loob sila ng ampunan mag-usap.
"Kilala ko kung kanino kwentas ito, nagkita kayo ni Red?". Umaliwalas ang mukha ng madre.
"Hindi ho ako sigurado".
He's not sure paano kung hindi ang babae iyon si Red? Paano kung napulot lang din nito ang kwentas? Hindi naman sa judgemental pero paano kung nakaw iyon? He can't be deceive to her innocent look. Marami na ang ganun tao na nasa loob ang kulo.
"Heto tingnan mo? baka makatulong".
He looked at the old picture. Her child-like look wasn't gone may nag-bago man dahil sa dalaga na ang Red ngayon but she looks like exactly the same. O baka kahawig lang?
Walang imik na ibinalik niya ang larawan sa madre bagamat umiling ito.
"iho, itago mo kapag nagkita kayo ulit sabihin mo naghihintay lang ako rito". Malungkot na ngumiti ang madre saka tinanaw sa bintana ang mga bata naglalaro sa labas..
"Hindi ko malilimutan kahit na kailanman man ang batang yun. Syempre malapit sya akin, sya lang yung tumawag saakin na nanay, matalino sya ngunit hindi sya pala kaibigan, gustong mapag-isa na palaging malalim ang iniisip. Alam mo ba hijo naalala ko nun lagi syang tumatakas pag-tulog na ang lahat. Isang beses lihim ko syang sinundan sa gubat at nagulat ako sa mga nakita ko, nageensayo sya na parang may pinaghahandaan, mahusay sya humawak ng mga nakakamatay na bagay na hindi ko lubos maisip kung saan niya kinuha ang yun? Hanggang sa may pumuntang dayo na isang palang hunter, na pasamantalang naninirahan sa kagubutan kwento nya na nawawala ang mga hunting equipments nya sa tuwing gabi at binabalik naman kapag umaga na. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kwento ng dayo o mag-aalala ako na baka mapahamak si Red. Bagamat kahit ano pa ang pag-aalala ko kung nais pag-aralan ni Red ang hunter na yun".

Naalala tuloy ni Zvan kung paano din sya atakehin ng babae kahapon.
Ang bagsik
"Bakit ho ba sya umalis?".
"Iisa lang ang hinahanap ng isang bata na gaya Red, ang magulang".
Same goes with him ngunit hustisya ang kanya.

Kapag inabandona ka nga naman, hahanapin mo yun para hindi mo maramdaman may kulang sayo

"Nakikiusap ako sayo iho na protektahan mo si Red, anim na taon na ng nakakalipas ng mawala sya at wala akong balita tungkol sa kanya. Mas lalo tuloy nag-alala ako".
Kumunot ang ni Zvan na nagtatanong ang mukha.
"May pumunta mga aramado rito na nakasuot na puting maskara".
Umalsa ang noo ni Zvan sa sumbong ng madre.
"Ano'ng sabi nila?".
"Tinanong nila kung kilala ko ba yung pamilya ni Red , sinabi ko iniwan lang si Red sa labas ng ampunan".
"May iba pa po bang tinanong sa inyo?".
Umiling ang madre.

SECRET BAITWhere stories live. Discover now