Chapter 7

12 1 0
                                    

             Anonymous feelings

Pagkapasok nila sa loob, inilibot ni Red ang paningin sa kabuuan ng The hidden Place. Kung tutuusin mukha ito'ng library kaysa bahay.
"Maligayang pagdating kuya Zvan". Nakangiting bungad ng isang dalagita na naglalaro ang edad sa katorse o kinse.
Biglang tumawa ng napakalakas si Aaron.
"Anong trip mo at nagsuot ka nyan?".
Naka awra butler kasi ang dalagita.
"Hoy! Patay gutom! makiki kain ka lang naman rito ah! sakalin ko yang ngala-ngala mo eh".
"Ito naman hindi mabiro". Pa good boy ni Aaron na ginulo ang buhok ng nito.
"Anu! ba!". Asar na umiwas ito sa mga kamay ni Aaron
"Si Catalyst IImares, apo ng police director namin at hindi sya nakatira rito".
Sa huling sinabi ni Zvan ay sumimangot ang mukha ng dalagita sunod na umekis ng mga braso nito.

Matapos ang hapunan na inihanda ni Catalyst ay saglit nagkausap pa silang lahat maliban kay Red na nakikinig lang sa mga pagtatalo at kwento ng mga ito hanggang sa nasigpag-uwian na.
"Ano'ng binabasa mo?". Sulpot ni Zvan.
Nahihiya ipinakita ni Red ang libro saka sumilay ang ngiti sa binata ng malaman Greek language iyon.
"Pinag-aaralan mo talaga yung mga hindi mo pa alam. That's a good habit keep it up".
May kung ano pumukaw sa puso ng dalaga lalo na sa tuwing ngumingiti ito sa kanya. Ang genuine. Yumuko si Red nang maramadaman umiinit ang pisngi niya.
Hala bakit kinakabahan sya ano 'to?
Naguguluhan ibinalik ni Red ang libro sa tamang ayos nang may isang libro nagbabadyang tumama sa ulo nya buti na lang at naagapan hawakan iyon ni Zvan.
Tumingala siya at sa pagtama ng mga paningin nila...
Gumulo ang sistema ni Red kung ano ang susunod na gagawin.
Nabibingi siya sa dumagondong na puso.
Ano na!
Sinundan ni Red ang pagbaba ng tingin ng lalaki sa mga labi niya at dun rin sya nakatingin sa labi ng lalaki.
"Ah-uhm pagod na ata ako pakituro na lang ng kwarto ko". Nauutal niyang sabi sabay talikod kay Zvan. Anak ng tokwa! nauna siya sa binata kahit hindi niya alam kung nasaan ang silid nya.
Kagat-labi tinahak niya ang hagdan para makarating sa pangalawang palapag. Pero nang naroon na binungaran naman sya sa dami ng pinto.
Shit
"Nawawala ka".
Natigilan siya. Hindi man lang niya naramdaman ang presenya nito. Pumikit siya nawawala nga siya sa sarili.
Focus Red Focus
"Are you nervous Red?".
Titig na titig sa kanya si Zvan. Napaatraas siya sa paglapit nito.
"Hi-hindi".
Pero Oo.
Sinadya pa na ilapit ng lalaki ang mukha nito sa mukha nya.
"You're lying". Sumeryoso ito na nilampasan siya.
"Here's you're room goodnight". Lumamig ang boses nito matapos ay tinalikuran siya.
Pagpasok ni Zvan sa sarili silid. Awtomatiko naalala niya ang mga sinabi kay Aaron.
"Girlfriend?".
"No way, I mean napalapit lang sya saakin parang kapatid ko lang bro, you know my type right?".
Naibagsak niya ang noo sa mga palad. Muntik nya ng halikan si Red kanina kung hindi lang sya nakapagpigil.
Not my type? But why he's trying to flirt with her? Tawag lang ba ng laman? Of course not hindi nya nakikita si Red na pang sex lang. She's a decent woman.
"Are you nervous Red?".
"Hi-hindi".
Yun lang napansin lang ni Zvan ang pagkataranta ng dalaga kanina tila nawala ang Red na nakasanayan nya kalmado na may blanko expresyon.

Did Red felt the same way too?

8:45 pm.
Sakim na humalakhak ang taong naglalag ng mga syringe sa Pasig River.

Internal Police Investigation ...

"Ba't nagkakagulo?". Tanong agad ni Zvan kay Aaron.
"Yun mga nahuli natin sa Sitio Manibela De Ewan! namatay na!".
"Ano?!".
Matatawa sana sya sa pagkakamali ni Aaron pero mas tumimbang ang pagkadismaya sa ibinalita ng kaibigan.
Ganito na lagi ang ngyayari sa imbestigasyon nya? kung hindi namamatay sa bakbakan namamatay ang mga ito na hindi man lang matukoy kung sino ang salarin.
Pinuntahan nila Aaron ang kulungan ng pinangyarihan at nadatnan ang mga nilabas na soldato wala ng buhay sa stretchers. Nagpakita sila ng proweba na taga Internal Police sila bago nilapitan ang mga namatay na mga kriminal.
Lumiit ang pupils ng mga mata, nanunuyo mga labi-
"Zvan tingnan mo 'to". Tawag ni Aaron na ipinakita sa kanya ang pintok na butas sa kamay ng isang soldato. Nagkatinginan silang dalawa sa naiisip.
"Paki-update kami sa autopsy report". Wika ni Zvan sa mga medical personnel.
Agad na sinimulan nila pag-iimbestiga sa mga Jail officers.
"wala naman kami napansin kakaiba maliban sa nakatulog lang kami di naman maiiwasan yun". Pahayag ng Pulis na babae.
"ng sabay?". Chorus na bulalas nila Aaron.
"Ah eh hindi naman lahat".
Nansususpetsya ang mga mata ni Aaron na tumingin kay Zvan.

Το κρυφό μέρος ...

Pinunasan ni Red ang mga armas na naka display sa ding-ding. Collector din pala si Zvan ng mga deadly guns. Alam nya lahat gamitin iyon bagamat hindi madali. Halos buong buhay nya ay lagi nag-eensayo kasama ang mga soldato noon. Bawal ang mahina, bawal ang matakot at bawal na bawal ang mag-reklamo.
Maya-maya ay nilakbay naman ng dalaga ang study room ng lalaki. Kunot-noo napatingin siya sa data link analysis na nasa transparent board.
Ang tyaga nya
Alam ng lalaki ang Organizational structure na meron ang Phantom bagamat may isang kulang.
Awtomatiko bumalik ang diwa niya sa nakalipas.
Minsan nya na nakita ang Italiano may matatalim na paningin , mala ibon ang tangos ang ilong at gaya nya, mahirap din ito basahin, isang tao delikado pakitunguhan.
Wag kang gagawa ng ikakamatay mo Red.
Nagising ang diwa niya sa salukuyan ng marinig ang boses ng Italyano sa utak. Ipinilig ni Red ang kanyang ulo at ibinaling na lamang pansin sa talaan.
"1995 Crime Case of Phantom Organization".
Nalaman ni Red na ang mga magulang pala ni Zvan ang unang nag-imbestiga sa naturang Mafia group. Marami silang naikolekta lead para matutun ang namumuno sa organisasyon ngunit madaming balakid para mailahad lang ang nasa likod ng organisasyon. Namatay lang magulang ng lalaki na hindi pa tapos ang kaso.

"Wala naman kahina-hinala sa mga naglalabas pasok sa kulungan bukod sa mga pamilya ng mga preso at mga naka duty rito ay may mga taga medical group ang naka assign para sa regular na check-up ng mga matatanda at sakitin mga preso". Report ng isa sa mga kasamahan nila sa Internal Police.
Binusisi maigi nila Zvan at Aaron ang surveillance camera ng mga oras bago namatay ang mga suspek hanggang sa may napansin kakaiba .
"Tampered". deklara ni Zvan
"Naloko na". Inis na sambit naman ni Aaron.
"Eh call out mo yung nakabantay sa entrance at hallway ng kulungan sabihin mo kumaway sa camera". Utos ni Zvan sa watcher. Titingnan niya kung na naka tampered pa rin ang CCTV.
Hindi na
"Paumanhin mga boss mga nakaraan araw naka karamdam ako ng antok".
"Kailan ngyari yun? Tanong ni Aaron.
"Simula nung nandito na nakakulong ang mga soldato ng Phantom".
"Wala ka ba napansin?".
Nag-iisip ito nang may naalala.

"Ah may naamoy ako mga nun boss eh nalanghap ko yun amoy ng alak na mananamis". Napakamot ng ulo ang watcher. "Pasensya na matagal lang siguro ako di naka inom".

Sabay na nagsitinginan muli ang magkaibigan.

SECRET BAITWhere stories live. Discover now