Chapter 10

12 1 1
                                    

                      Almost there

"Red ikaw ba yan?".
Hindi makapaniwala nilapitan siya ni Catalyst.
"Woah! Saan ang punta mo?".
"The hidden place". Pagsisinungaling niya.
"Oh really".
Nilampasan nya na lang ang dalagita.
"Lam mo,  boto ako sayo para kay Kuya Zvan".
Awtomatiko huminto ang mga paa nya sa paglakad. Nagiging affected na siya pag si Zvan na ang involved sa usapan. May gusto na nga sya sa lalaki.
"simple ka lang Red di ka o.a kasama at tahimik pero nag-iisip". Dugtong nito.
Humarap siya rito at inakbayan sya.
"Alam ko hindi kana uuwi ngayon gabi kaya pakiusap let me join you".
Ayaw nyang mapahamak ang loka pero makulit si Catalyst kesyo na boboryo ito sa eskwelahan at sa anong bagay na ni rereklamo nito.
"So ano'ng plano?". Tanong nito ng habang kinakabisa ang Phantom Core kung nasaan ang lokasyon ng godfather.
Nag U-turn si Red para maitago ang sasakyan sa makakapal at mahahabang damuhan.
"Dinala mo ba yun pinapadala ko?".
Pilyang ngumisi ang dalagita. "Ah so yun yung plano".

Internal Police Investigation...

"Sir, you need to see this". Hinihingal na iniabot ni Zvan ang usb.
Matapos e review ng Police director ang nakapaloob sa usb ay muling kinausap sya nito.
"This is going to be our strong evidence Zvan! Good job".
Matatag na tumango ang lalaki. Salamat kay Red
"You were kissing a while ago I think she's not just an ordinary private investigator of yours".
"Sir-". Naudlot ang sasabihin niya ng may nagmadaling kumatok at pumasok sa opisina ng police director. Si Aaron.
"Sir we have a situation here".
Lumabas silang lahat roon at tinungo ang ang malaking GPS monitor.
"Someone has our mini track!".
Tameme si Zvan nang may maalala. "Red". Kaya pala mahigpit na kumapit ito sa damit nya kanina. So yun lang ang purpose nya? Hindi dahil yun halik nya?
Tumiim ang baga napatingin siya sa monitor he should be happy. She's making a lead.
"At sino naman kaya yan? baka patibong yan".
"No sir, we got her". Seryoso sagot ni Zvan.
"Oh! Our secret bait". Tila ba may biyayang dumating na sambit ng police director.
"Alright! No more talking, we better get going". Pasigaw na utos nito.

                  

Todo effort kung mag-preno ang soldato driver ng makitang may naliligaw na mga kababaihan na naka school uniform sa gilid ng highway.
"Mga miss tirik na tirik yung araw ah".
"Wala kami masakyan eh". Pa cute na wika ni Red. Ayos din ang porma nya di siya nakilala ng soldato.
Tumingin ito sa maiikling palda nila.
"Pwedeng hintayin-".
Hindi na makapaghintay pa si Catalyst na patamaan ng stun-gun wrist watch ang soldato. "Kudo Shinichi". Bangit ng dalagita. 
kumunot na lamang ang noo ni Red. Sino yun?
Mabilis silang kumilos na ginawa ang sunod na plano ang gayahin ang mukha ng driver.
"Fake face as you requested".
Ini-scan nila ang mukha nito sa mismong laptop ni Catalyst upang mag-produce ng pekeng mukha kaya habang ginagawa iyon ni Catalyst hinubad naman ni Red ang Phatom uniform ng soldato walang malay.
Gamit ang binocular sinasabihan siya ng dalagita sa mga posisyon ng mga nakabantay sa Phantom Core.

"Magtatago na ako Red goodluck".

Mahigpit nga ang seguridad sa loob at labas ng Phantom Core. Isang napakalaking spiral building na maraming facilities at mga shooting field sa malawak na backyard. Phantom core composed of Entertainment bars,casino,malls,hotels and sports fields.
Palagi naroon ang godfather nya sa tuwing may babae dadalhin, close meeting, filling contracts o may nililgawan mga negosyante na sa huli ang Phantom Organization na ang mag-kokontol nun. It was a dirtiest tactics of the mafia group.
"I.D".
Kunot noo naman tinanggap ng nagbabantay ang ipinakita niya. Tila ba pinag-aaralan ang I.D at mukha meron sya.
"Access Verified". Wika ng system. Walang tanong na pinapasok agad siya. 
Itinirik niya ang sasakyan sa delivery area saka nagbilang.
"1,2,3".
Ngumisi si Red sa sunod-sunod na pagputok ng sinturon ni Judas na sinindihan lang naman at inihagis ni Catalyst sa labas ng Phantom core. Tagumpay sila na maibaling ang atensyon ng mga soldato roon.
"Labas na dyan". Aniya
Hinubad ni Red ang fake face pati ang damit saka sinuot muli ang formal suit.
                        

SECRET BAITWhere stories live. Discover now