Against all odds
Nakatayo si Red sa harap ng isang sikat na night club.
Pagkapasok niya bumungad ang dumadagundong na techno sounds. Doon na sya naglagay ng earplug sa isang tenga, at ang kabila naman ay para sa earpiece upang magkarinigan sila ng capo.
"I'm In".
"We heard you".
Kung bakit dito pa sa maingay na lugar na ito ang target. Party-goer pala.
Biglang napaatras si Red sa lasengero sumasayaw sa harapan niya. Nang akmang aabutin sya nito ay umatras muli siya.
"Ayts!".
Expected nya na matutumba siya ngunit napaupo siya sa kandungan ng isang tao at sa pagtingin niya hindi niya maitago ang pagkagulat
Zvan Sandoval!
Maging ang target ay nagulat sa pagsulpot niya. Samantala lag-lag ang mga panga mga nakakita.
"Olalah". Na sorpresa sambit ng isa.
Red couldn't move and she don't know why. Nakayakap lang naman ang mga braso niya sa leeg ng target
at ramdam nya rin ang suporta ng kamay nito sa likod niya.
Naamoy niya ang mabango nitong hininga kahit may amoy ng alak.
"Matutunaw kayo nyan". Kantyaw ng singkit.
Mabilis na kumalas si Red sa target at napatayo. She felt embarrassed.
Lampa mo Red
"Sandali-". Pigil ng target na akmang aalis.ngunit itinuloy nya parin ang pag-alis.
Bakit nga ba sya ang umalis? Dapat nga pinatay nya na ito? At bakit may dayuhan damdamin ang gumigising sa nanahimik niyang puso?Nasa parking lot na siya nang may masakit na bagay ang tumama sa balikat niya. Nang kapain iyon...
"Shit!".
Agad na nagtago siya sa isa sa mga sasakyan naka parking roon saka tinangal ang earplug sa tenga upang marinig ang mga bala paparating sa kanya.
"Papatayin nyo ba ako". Bulyaw niya sa kabilang linya.
Bwiset! walang sumasagot!"Saakin dapat ang bala yan". Sulpot ni Zvan. Sinundan pala sya ng target.
Patay ka saakin. Pagkakataon nya na.
Hinugot ni Red sa magkabilaan leg holster ang mga hand-gun nasa loob ng palda nya. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pag-iwas ng tingin ng lalaki.
"Wala na akong oras". Aniya.
Tinutukan si Zvan ng armas ngunit imbes na pumalag ang lalaki ay hindi ito natinag instead hinarap pa sya.
"Blessed Angels Orphanage".
Natigilan siya dun ah.
Ano'ng alam mo?
Huminga sya ng malalim.
Papatayin ba ang target o ang nagpapaulan ng bala sa kanila? matapos pumikit-
Tumayo siya at pinagbabaril sa ulo ang mga taga Phantom.
"dalawa, tatlo,apat...". bilang ni Red sa mga naitumba na.
Si Zvan naman ang natigilan sa bilis ng mga pangyayari. Kanina lang ay sya ang balak patayin ng babae at sa isang iglap nakikipag-barilan na ito laban sa mga taga Phantom.
Unpredictable
Pinindot ni Zvan ang mini track para tumawag ng tulong matapos ay nakipag-barilan na din.
Emotionless.
Yan ang nakikita ni Zvan kay Red habang naka pokus ang babae sa mga binaril.
"Tara". Aya nito.
"Huh?".
"May sasabihin ka pa saakin".
Hindi na siya inantay pa ng babae sumagot sapagka't tumakbo na ito.
"Pambihira!".
Hinihingal sila na huminto sa abandonado na gusali. Napakadilim roon at malamig ang ihip ng hangin nagmumula sa sea port. Ipinilig na ni Zvan ang ulo bago pa nya takotin ang sarili. Pero hindi nagsisinungaling ang mga balahibo nya na nasisitayuan kaya marahas na hinimas-himas ang mga braso.
"Itong-". Naputol ang sasabihin ni Red. Looks like she's holding back to speak up.
"It's fine, I understand".
Tumingin si Red sa lalake. Bakas sa mukha nito ang pang-unawa.
Pumasok na sila sa loob ng gusali at may bit-bit na si Red na kulay itim na knapsack. Binuksan iyon ng babae at kinuha ang first aid kit.
"Papatayin na rin nila ako, kaya patas na tayo".
Zvan saw a familiar pain drawn to her face.Pinunit ni Red ang damit sa bandang balikat saka sinimulan gamutin iyon.
Hindi makatingin sumipol na lamang si Zvan para aliwin ang sarili.
Isang hila na lang kasi makikita ko na dib dib ng babae 'to
Napakagat-labi ang lalaki sa nag-lalaro sa isipan.
"Really? killer yan kasama mo may gana ka pa pag-nasaan ang katawan lupa nyan?". Suway ng isang matino bahagi ng utak nya.
Nag-paikot na lang siya ng tingin at inalis ang libog sa isip.
Samantala kalmado lang si Red habang inooperahan ang sarili.
"Hindi na first aid ang ginagawa mo mabuti pa dalhin kita sa ospital-".
"Di ko na kailangan iyon". Matigas nitong sabi.
Sunod na ginamot ng babae ang tenga nya. She put away her earpiece. Mukhang iyon ang ginagamit ng babae para maki pag-communicate sa mga taga Phantom.
"Maya-maya andito na sila". Neutral na sabi ni Red at hinubad ang damit na pinunit para palitan ng plain black t-shirt.
Speechless na kumurap-kurap si Zvan nakikita nya ang magandang curve ng likod ni Red. She has a nice figure kahit maliit ang pangangatawan nito.
Humarap ka please
Binatukan ng lalaki ang sarili
Manyak
"Satingin ko hindi lang basta hide-out ang gusali 'to". Nauutal na sabi ni Zvan para maiba ang tumatakbo sa utak ng nya.
Matagal bago naka rebutt ang babae.
"Ito lang ang pwede takbuhan ko pero matutunton na nila dahil sa earpiece na yan". Parehas nila tiningnan ang earpiece na nasa maalikabok na sahig. So may tracker nga ang bagay na yun.
YOU ARE READING
SECRET BAIT
RomancePatayin ang alagad ng batas? Mukha maiipit si Red sa pagitan ng misyon at kay Zvan Sandoval na isang American-Spanish, police detective na ang tanging hangad ay makamtan ang hustisya ipinagkait sa pagpatay sa magulang nito. At ang salarin ay ang Pha...