Jema's pov
Huy jema!sigaw ni jho sakin nagpapahinga na kasi ako dito sa sahig ng court
Bakit kaba sumisigaw dyan?pagsusungit ko sa kanya sabay erap
Ay taray ang sungit ng mare namin ngayon..siguro nag away kayo ng manliligaw mo nuh.. Bigla ako napatingin sa kanya dahil sa huli niyang sinabi
Sinong manliligaw sinasabi mo huh? Ang issue mo na naman jhoanna
Eh sinong yung ka date mo nung isang linggo saka sinundo kapa dito na may kasama pang pabulaklak?
Hindi ko yun manliligaw at saka hindi yun date friendly hangout lang yun.. Saka ako tumayo at naglakad papunta kung saan naka lagay ang mga gamit ko..pero etong isa sinundan parin ako
Sama ka samin ni bie may pupuntahan kami mamaya.. Pag aaya niya sakin at nag aayos narin ng gamit niya
Ayuko ko nga gagawin niyo naman akong thirdwheel....
Huy wag kang epal dyan kasama naman natin si deann saka si vannie..
Si vannie? Pagtataka na tanong ko sa kanya
Ou nagpapaturo kasi yun kay deann saka close na yun..madalas kasi magkasama.. Muka nga sila nagkakamabutihan eh madalas magkasama
Try ko mamaya kung available ako... Saka ko sya iniwan at nagtungo sa shower room.
Hindi ko na nakakasama si deann sa kahit anong lakad..Lagi syang busy, pag gusto ko sya kausapin o magpasama sa kanya kung saan saan hindi ko magawa nahihiya kasi ako eh approach sya..Si vannie na ang madalas niyang kasama kahit nasa room kami si vannie lang kinakausap niya kahit magkatabi rin naman kami..Sa totoo lang namimiss ko na sya kasama at ka kwentuhan .. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ako dahil sa mga balita na may ka date daw ako na taga ibang school o ayaw niya lang talaga akong makasama pa..
Hindi ko naman talaga manliligaw yun. Inaya niya lang ako nun na mag dinner daw kami kasi matagal kami hindi nagkita nagpunta kasi sya sa ibang bansa.. Pero di ko alam sa kanya bakit niya ako sinusundo everyday pagkatapos ng training namin.. Tinatanong ko naman sya sabi niya wala lang daw namiss niya lang ako at gusto niya lang bumawi kaya di ko nalang sinuway wala naman malisya yun..
Palabas na sana ako sa shower room nang marinig ko na may nagtatawanan sa labas kaya kinuha ko na gamit ko at lumabas wala na kasi si jho rito..
Nakita ko sila jho na may pinag uusapan at nandon rin jowa niya saka si vannie nakita ko rin si deann na nakangiti nakikipag kwentuhan kayla bie..
Namiss ko yung mga ngiti niya na halos di mo na makita yun mata niya pagtumawa..Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ko sya...
Jema halika na rito aalis na tayo.. Bigla ako napatingin sa tumawag sakin paglingon ko si jho pala
Bat kaba nakangiti dyan mag isa.. Sabi ni vannie pagkalapit ko sakanila
May naalala lang ako.. Pagdadahilan ko sa knila saka tumingin kay deann na walang emosyong nakatingin sakin
Nakaka panibago yung tingin niya parang may mali..nginitian ko sya pero hindi sya gumanti at tumingin lang sa malayo..
Paalis na sana kami ng may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon kami ng mga kasama ko
Jema sandali lang! Sigaw niya at tumakbo papalapit samin
Epal. Pabulong na sabi ni deann pero narinig ko parin kahit siguro sila jho narinig rin ata nila yun kaya napatingin kami kay deann na nakapamulsa na ngayon
Narinig ko rin tumawa sila vannie,jho at bie..tinignan ko si deann na may pagtataka.. Pero nakipagtitigal rin lang sya sakin..iniwas ko ang tingin sa knya at tinignan ang tumawag sakin na ngayon ay nasaharap na namin...
Oh fhen bat ka nandito?I mean di mo sinabi mapupunta ka rito? Tanong ko sa kanya kasi wala naman syang sinabi
Yayayain sana kita mamasyal kung free ka ngayon..saad niya..sasagot na sana ako ng biglang may nagsalita sa likod ko
Manliligaw kaba ni jema?mga friends niya kami.. Sabay lahad ng kamay ni vannie kaya napatingin ako sa kanya..nagkamayan sila at tumawa si fhen
Actually hindi ko pa nasasabi kay jema na gusto ko sya ligawan.. Pero kung pwede na ngayon why not diba? Sabay tingin niya sakin na nakangiti..
Sandali lang ha hindi ko yata alam na may balak ka manligaw..yung pagsundo mo ba sakin nagpaparamdam kna ba nun.?tanong ko sa kanya kasi na iinis nako talaga sa pinagsasabi nito sa harap pa talaga ng mga kaibigan ko na ngayon ay nakatingin lang samin
Wag ka mag alala kaya ko naman maghintay eh kung kaylan mo gusto.
Ako hindi ko kaya maghintay jema.. Bigla akong kinabahan sa nagsalita pagtingin ko si deann pala
Nagatataka kaming tumingin sa knya pero si bie nakangisi lang..
Nagugutom na kasi ako pwede ba next time na kayo magligawan pag wala na ako rito or should I say kmi? Parang doble meaning yun ah...bakit parang naiihi nanamn yata ako.. Napangisi ako ng wala sa oras saka tinignan si fhen na naguguluhan rin.
Guys tara na..pag aya ni jho samin
Pwede ba ako sumama sa lakad niyo. Tanong ni fhen na nakatingin na ngyon kay bie na seryuso rin
Maybe next time bro may mga gagawin rin kami eh saka baka ma bored kalang.. Hah? Wla naman kami gagawin ha sabi ni jho gagala lang kmi.. Nagtataka na talaga ako sa inyo guys
No it's ok..kasama naman si jema eh..pagpipilit ni fhen..ang kulit pwede wag ngayon fhen ok? may kailangan pa pala akong gagawin... Pero di ko yun sinabi akin lang yun..
Wag ka mag alala kasama naman ni jema si deann saka importante talaga gagawin nila ni jema kaya next time ka nalang sumama ok? Pagsingit ni vannie sabay tapik nya sa balikat ni fhen..
Hindi kaba sasama? Tanong ko sa knya
May gagawin pa kami ni jayz eh..sabay kindat niya at lumakad na palalayo
Ano ba kasi gagawin nila?at pati kami ni deann may gagawin rin? OMG hindi pa ako handa pinagpapawisan yata ako
Jem halika na mamaya mo na ako isipin pag di na tayo magkasama..nagulat naman ako sa sinabi ni deann na hawak na pala ngayon ang kamay ko papuntng parking..
Liningon ko si fhen na pasakay na rin pala ng kotse niya bago ko sinagot si deann..
Huy kapal mo talaga ha.. Pagtataray ko sa kanya
Wag ka maingay dyan... Sakin ka ngayong araw..nakangiti niyang sabi habang hawak parin ang kamy ko..
Hindi ko alam kung kinikilig ba ako or what sa sinabi niya hindi naman kasi kami tapos sasabihin niya sa kanya raw ako ngayong araw...
Deann pwede ba tayo mag usap..kasi feeling ko iniiwasan mo ako sa mga nagdaang araw...bigla syang huminto at tumingin sakin na nakangiti parin
May sasabihin rin ako sayo jema..pero sa ngayon wag muna natin isipin yun mag enjoy muna tayo? mas humigpit ang hawak ko sa kamay niya saka sya nginitian ganun rin sya sakin...
Pwede bang wag nalang natin bitawan ang mga kamay ng isat isa deann?
Pwede bang sakin ka lang ngumiti ng ubod ng tamis?
Pwede bang ikaw nalang ang kasama ko sa pagsibol ng araw at pag lubog?
Pwede bang ikaw nalang at ako?
Pwede bang wag na matapos ang saya na nararamdaman ko sayo?
Pwede bang akin ka nalang?Pwede ba?