Jules sana lahat may ka cuddle
Dani cuddle lang ba talaga?
Jhoanna ang landii
Jema hinay hinay lang ha hhha
Celine I love you baby
Bietrix sweet niyo hahaha
Jayz pahingi ka cuddle
Pongs @vanniegandler cuddle daw kayo ni jayz
Vannie get lost
Back to normal na ulit kami after ng dinner party sa condo ni celine.Naalala ko tuloy si jema panay tingin sakin wala ako magawa kundi ngitian sya..
Sa totoo lang maganda naman sya mabait,maalaga kaso mahirap ata magkagusto dun kahit crush lang syempre mayaman yun hindi naman sa dina down ko yung sarili ko..yun kasi yung totoo.. Mas mabuti at ok na ako sa magkaibigan kami..
After ng klase ko magkikita kami ni mama sa mall mag grogrocery kasi sya para sa tindahan niya nagpapasama sakto halfday lang ako ngayon..
Palabas na sana ako ng campus ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko kaya napa lingon ako...si jema lang pla ano kaya kaylangan niya..
Ikaw pala jema..uuwi kna ba? Wala kasi ako ibang masabi eh saka iwan ko ba pag sya kausap ko parang na uubusan ako ng mga sasabihin kahit yung utak ko gusto na mag rap..
Ah hindi pupunta pa kasi ako ng mall may kikitain lang.. Ikaw pauwi kna ba? Jema
Pupunta rin ako sa mall sasamahan ko si mama mag grocery..
Ah ganun ba.. Uhmm deann pwede ba ako sumabay sayo papuntang mall wala kasi yung sasakyan ko eh pinalilinis ko pa..
Ou naman walang problema sakin yun.. Kaso wala akong kotse kaya mag jejeep lang tayo..ayos kaba don? Tanong ko kay jema baka kasi di sanay mag jeep..pero sa tingin ko di naman sya maarte..
Ou naman.. So tara na? Pag aya niya sa akin kaya naglakad na kmi papunta sa sakayan ng jeep..
Magkatabi kami ng pag upo pero bago umalis yung jeep syempre pupunuin muna yun kaya napapansin ko na iipit kami ni jema tapos sobrang init pa kaya tudo yung pawis namin ni jema.. Kinuha ko naman yung panyo ko para ibigay kay jema pang punas ng pawis naaawa na kasi ako..Hindi naman sya nag rereklamo pero alam ko di sya sanay sa ganito..
Jema eto panyo oh pang punas ng pawis basang basa kana eh baka ubuhin kpa..
Nako deann wag na sayo nlang yan basa kana rin ng pawis oh..
Wag ka mag alala sakin may extra naman akong damit na dala magpapalit nalang ako mamaya kaya kunin mo na to oh..
Kukunin na sana niya yung panyo kaso naiipit yung kamay niya sa tagiliran kaya nahihirapan sya..Kaya ako nalang nag punas ng pawis niya sa mukha..
Nabigla yata sya sa ginawa ko kaya natulala nalang sya habang nakatitig sakin.. Medyo na iilang na nga ako eh pero naawa naman ako kaya pinunasan ko parin sya..di ako makatingin sa kanya kaya dinalian ko na yung ginagawa ko.. After ko punasan yung buo niyang mukha inabot ko sa kamay niya yung panyo.
Oh jema hindi kana hagard hahaha ikaw nalang magpunas ng liig mo ha baka kasi may kiliti ka dyan masipa mo pa ako hahaha
Salamat deann pero mali ka hindi sa liig kiliti ko hahhaha
Eh saan?
Gusto mo malaman? Tanong niya sakin na may kasama pa ng pag taas baba ng kilay.. Tika lang naman para mali yata nahanapin ko pa yung kiliti niya hayss ka talaga wong..
Hanggang nakarating kami sa mall na panay lang kwentuhan at tawanan. Medyo komportable na rin ako kay jema kaya nagbibiruan na din kami..
Nagpaalam na kmi sa isat isa kasi magkaiba kami ng pupuntahan.. Sa department sya pupunta ako naman sa grocery naghihintay na kasi si mama don..