Nagising ako sa isang lugar na sobrang tahimik at hindi ko alam kung nasaan ako.Pilit kung iminulat ang aking mga mata sa kabila ng aking pagkasilaw sa liwanag na tila'y humakadlang sa aking paningin. Nang mapagtanto ko na kaya ko ng imulat ang aking mga mata duon ko nasilayan ang puting kulay ng kisami at ng ilibot ko ang aking paningin ganun rin ang aking nakikita.Nang tumingin ako sa aking tabi duon ko nakita ang mga makina at napagtanto ko na nasahospital ako..
Wala akong nakitang tao sa luob tanging mga aparatos lamang ang aking nasisilayan at ang mga tunog nito na syang nagsisilbing ingay sa silid.. Gusto ko igalaw ang aking katawan ngunit hindi ko magawa kahit ang magsalita ay hindi ko rin magawa.Naramdaman ko nalang na may tumulong mga luha saking pisngi. Hindi ko maalala kung bakit ako napunta rito. Ang tanging natatandaan kulang ay nagpunta kami sa birthday ng parents ni jema at ang masaya naming pag uusap..
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na nakasuot ng lab gown at lumapit sakin.Tinignan niya ang mga aparatos saking tabi at kinakausap niya ako pero hindi ko magawang sumagot sa kanya dahil sa aparatos na nakalagay saking bibig..Lumabas sya at hindi nagtagal dumating ang iba niyang kasama at katulad ng kanina na ginawa niya ay tinignan din at kinakausap ako ng mga kasama niya at kung di ako nagkakamali mga doctor sila..Hanggang tinanggal nila ang aparatos na nakalagay saking bibig.
Doc stable na po ang lagay ng pasyente.rinig kung saad ng isang babae
Good pwede na nating sya ilipat sa privite room niya. Saka inform the family na nagising na ang anak nila.saad ng doctor na lalaki saka nakipag usap sa iba pang nurse na nasa loob,hindi ko na marinig masyado ang usapan nila dahil medyo lumayo sya ka kinaruruonan ko.
Hindi ko parin magawang makapagsalita dahil parang sobrang ngalay ng bibig ko.May dumating na dalawang nurse na lalaki at inayos ang mga aparatos saka naramdaman ko na parang ginagalaw nila ang hinihigaan ko at napagtanto ko na inilalabas nila ako at duon ko lang nakita ang pinaglagyan sakin na room ay isang ICU pala. Sobra akong naguguluhan kung bakit ako napunta rito at anong nangyari sakin.
Habang dinadala nila ako sa privite room na sinasabi ng doctor kanina ay nakamulat lang ang aking mga mata at pilit inaalala kung anong nangyari sakin at humantong ako rito..Nang maipasok na nila ako sa room ko siguro eto, ay inayos ng isang nurse ang hinihigaan ko at lumabas narin ang dalawang nurse na naghatid..Nakatingin lang ako sa nurse na nag aasikaso sakin hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya dahil sa mask na suot niya.. Hanggang bigla syang tumingin sakin at parang may naalala ako sa kanya parang familiar sya pero hindi matandaan kung saan ko sya nakita..
Sir nauuhaw ho ba kayo? Tanong niya sakin ngunit hindi ko sya masagot tanging titig lamang ang naganti ko sa knya.. Nakita ko nalang na may kinuha sya sa maliit na misa na baso at straw saka niya inangat ang ulo ng higaan ko saka dahan dahan ng ilinapit ang straw sa bibig ko..Nahihirapan akong ibuka ang bibig ko dahil sa sobrang ngalay na nararamdaman ko.. Halos maubos ko ang laman ng isang basong tubig at duon ko lang naramdaman ang sobrang uhaw at oagkautuyo ng lalamunan ko.
Sir maiwan ko muna kayo ha!parating narin po ang family niya babalik rin po ako para echeck kayo after a minute..paalam niya sakin saka sya lumabas
Napatitig nalang ako sa kisama na gulong-gulo sa nangyayari sakin ngayon. Ang daming tanong ng isip ko kung bakit ako nandito,anong nagyari sakin bakit wala akong maalala at
SINO AKO?
