Deann's pov
Nagising ako sa ingay ng mga tao sa paligid ko kaya unti-unti kong minulat ang mata ko at bumungad saking paningin ang mga taong nagkukulitan at nagtatawanan.Biglang nagsalubong ang mga mata namin ng isang tao sa loob ng room, may kaedaran na rin eton..
Jusko anak mabuti naman at gising kana. Saka sya lumapit sakin sabay hipo ng noo ko at umiyak.. Nagsilapitan naman samin ang iba pang mga tao na nasa room.
Deann ok kalang ba?
May masakit pa ba?
Gusto mo ng tubig?
Pagkain?
Sunod sunod nilang tanong sakin pero kahit isa wala akong masagot sa kanila dahil sa nahihirapan pa akong ibuka ang bibig ko..
At hindi ko rin sila kilala.
Ano ba kayo ang dami niyong tanong sa kapatid ko..pag singit ng isa na medyo maypag masungit ang mukha
Sorry naman,namiss lang naman namin si deann..pag reklamo ng isang matakad na lalaki saka sya nagkamot ng ulo niya
Anak kausapin mo naman si mommy oh! pagmamakaawa niya sakin at at patulay paring umiiyak
Hindi ko alam kung anu ang mararamdaman ko habang nakikita ko syang umiiyak..Kahit hindi ko maalala kung sino ang mga taong nasa loob ng silid na eto isang lang ang alam ko..Nanay ko ang nasatabi ko ngayon na patuloy paring umiiyak.
Kahit nahihirapan ako na magsalita pinipilit ko parin para malaman ang totoo kumg bakit ako nandito..
Sin no p poo kay yo? Pautal utal kung tanong sa kanila.Nakita ko naman silang nagkatinginan ng may pagtataka
Hindi mo kami maalala? Tanong niyang isang babae na tumawag saking kapatid kanina
Tanging pag iling lamang ang isinagot ko sa kanya.. Nakita ko rin na umiyak na sya.
Nasa ganun kaming pag uusap ng biglang bumukas ang pinto saka kami napalingon sa isang nurse
na pumasok na sa tingin ko ay nagulat sa naging reaction namin sa knyaAh sorry po sa estorbo pero pinapatawag po ni Dra. Lazaro ang parents ng patient may edi-discuss lang po sa inyo.. Pagpapaliwanag niya saka sya lumapit sa kinaruruonan ko
Lumabas naman agad ang tumawag sakin ng anak at kapatid para pumunta sa doctor na sinasabi ng nurse habang naiwan naman ang dalawang lalaki at isang morena na babae..
Nakatingin lang sila sakin ng may pagtataka at alam ko naguguluhan rin sila katulad ko.. Bigla naman naagaw ng nurse ang atensyon ko ng magtanong eto sakin.
Sir kamusta naman po ang pakiramdam niyo? Mabuti naman po at nagising na rin kayo. Parang kilala ko ang boses niya pero di ko alam kung saan ko ba eto narinig.. Hindi ko rin makita ang mukha niya dahil nakatakip eto ng mask
Ayus lang ako..medyo nahihirapan pa talaga ako na magsalita
Mabuti naman po kung ganun sir. Balik nalang po ako mamaya para ibigay ang gamot ninyo.. Saka sya naglakad at nagpaalam rin sa tatlo na nakatingin lang samin kanina
Tiningnan ko ang tatlo at ganun rin sila nakatingin sakin.Bigla sila nagsilapitan sa tabi ko
Deann hindi mo ba kami talaga naaalala? Tanong ng matangkad na lalaki sakin na tinuro pa silang tao
Ou nga deann wag ka mag biro samin ah. Di yan maganda sinasabi ko sayo sasapakin talaga kita..bigla naman siya binatukan ng babaeng katabi niya
Huy tumigil kanga dyan kita mo na nakaospital pa yung tao bubugbugin mo agad? Saka na pagnakalabas na sya.. Saka sya tumawa at ganun rin yung dalawa,pero ako nakatingin lang sa kanila ng walang emosyon
Nasaan si jema? tanong ko sa knila na nagpatigil ng pagtawa nila at tumingin saki
Huh? Tanong ng matangkad na lalaki sakin
Sino yun tol? Dagdag pa ng isang lalaki
Sino si jema? Tanong rin sakin ng morena
Nagtaka na rin ako sa sarili kung tanong. Hindi ko rin alam bakit yun ang lumabas sa bibig kung salita. At saka hindi ko rin alam kung sino yun..Tanging pangalan lang niya ang alam ko.
Ano bang nangyayari sakin sino ba sila.Bakit hindi ko maalala ang mga nangyari sakin.
Nagdaldalan lang sila at tanong ng tanong ng kung ano pero wala naman akong magawa dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanila.
Deans para hindi ka maguluhan magpapakilala kami sayo para naman matandaan mo na kami..sabi ng matangkad na lalaki sa knilang tatlo
Ako na mauuna ha! Uhmm ako pala deans si Jayz Delos Reyes one of your bestfriend..sabay ngiti sakin ng matamis
Ako naman deans si jhoanna ang ubod ng gandang kaibigan mo.. natawa naman ang dalawang kasama namin kaya sinamaan niya eto ng mga tingin
At syempre ako naman ang pinaka gwapo mong bestfriend..saka sya nag action ng nagpopogi post....saka soon ikakasal na rin kami ni jhoanna kaya dapat magpagaling kana..sabay akbay sa babaeng katabi niya,medyo nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanila at ganun din sila at sabay tinaas ang kamay na magkahawak na ipinakita ang singsing sa kamay ni jhoanna.
Nginitian ko naman sila ng tipid at saka binati rin sila..
Congratulations!maikli kung saad saka nagtinginan lang kaming apat na nakangiti lang sila sakin kaya ganun na rin ang ginawa ko..
Nasa ganun kaming tagpo ng bumukas ang at pumasok ang kanina na nagpaalan na mommy at ate ko daw.
Huminto sila sa harap ko at sabay na yumakap sakin kaya nagtaka ako..
Gagaling ka rin anak! Sabi ni mommy at naramdaman ko ang mga luha niya sa dibdib ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/220344127-288-k997111.jpg)