Part 7: Drowning in Love

85 8 0
                                    

"Oh anak, ang saya mo ata ngayon? Haha," tanong sakin ni Mama. "Sobrang saya ko ma wahhh salamaaat Maaa, tinanggap niyo ko ni Papa. Akala ko itatakwil niyo ko eh," sabi ko kay Mama sabay yakap sa kanya.

"Gusto mo bang itakwil ka namin? Pwede naman, ano?," pang-aasar sakin ni Mama. "Ma naman eh, nang-asar pa hmp," sabi ko kay Mama.

"Paaa!," pagtawag ko kay Papa habang pababa siya ng hagdan. "Salamat sa pagtanggap sa kung ano at sino ako," sinalubong ko ng yakap si Papa.

"Alam mo Kiro 6 years old ka pa lang, alam na namin. Galaw mo pa lang, sabi ko sa sarili ko "ay sabi ko na barbie" HAHAHA," pang-aasar ni Papa at tumawa nang malakas kasama ni Mama.

"Ayan sige, pagtulungan pa ako, tama yan," asar na sabi ko. "Alam mo Kiro, anak ka namin, dinala kita sa sinapupunan ko ng 9 months, ramdam ko na at syempre tanggap kita dahil mahal kita," sabi ni Mama.

"Tsaka kampante kami kay Knox dahil simula pa lang, nangako siya sa akin na aalagaan ka niya. Sabi ko naman sa kanya na antayin ka niya pag nasa tamang edad ka na," sabi ni Papa sa akin.

"Nga pala nasaan si Knox?, tanong ni Mama.

Agad namang may bumusina ang kotse ni kuya mula sa labas.

"Oh andyan na pala si kuya eh," sabi ko.

"Good morning Ma, Pa, kumain na kayo?," sabi ni kuya mula sa pinto. "Kuyaaa!!," tawag ko sa kanya at sinalubong ko siya sabay pabuhat sa kanya habang nakahawak sa batok niya.

"Eheem eheem," baritonong boses ni Papa. "Sorry Pa, natuwa lang hehe," sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

"Oh Knox kumain ka muna dito bago umalis dali," pang-aaya ni Mama kay kuya.

"Ahm Ma, Pa, pumunta ako dito para hiramin si Kiro. Gusto ko sanang magbakasyon kasama siya and nagfile naman po ako ng leave sa opisina," pagpapaalam ni kuya.

Tumingin ako kay Papa na para bang asong nangungusap.

"Di bagay sayo Kiro, mukha kang tuta, osiya siya ano pa nga bang magagawa ko. Basta Knox, aalagaan at protektahan mo to si Kiro gaya ng ipinangako mo samin," pagpapaalala ni Papa kay kuya.

"Makakaasa kayo Ma, Pa," sagot ni Kuya.

Dali-dali akong pumunta ng kwarto at nagbihis. Nagdala ako ng mga extrang damit at pang-swimming dahil pupunta daw kami ni kuya sa beach. Sumakay kami sa kotse ni kuya. Siya ang nagdrive papunta sa beach.

"Grabe kuya hindi ako makapaniwala na nangyayari 'to," sabi ko habang gumuguhit sa mukha ko ang ngiti ko. "Wag mo na sabi akong tawaging kuya, coz you are my fucking wife," sabat ni kuya.

"Nasanay lang haha. Nga pala kuya, si Chesca? Anong nangyari sa kanya?," tanong ko. "Tinanggal na siya ni Papa sa kompanya kaya di ko na alam kung nasaan siya.

Dahil sa sobrang tagal ng biyahe ay nagutom kami kaya dumaan kami sa drive thru ng McDo. Habang nagdadrive si kuya ay sinusubuan ko siya ng fries, burger at pinapainom ng coke. Grabe, dito pa lang ang saya na namin. At di nagtagal ay nakarating na kami sa beach. 12 nn na rin nang makarating kami.

"Ang ganda dito kuya. Napakasariwa ng hangin. Sarap pakinggan ng hanging humahampas sa mga dahon ng niyog. Tila ba isang paraiso," manghang sabi ko.

"Balang araw, magpapagawa din tayo ng sarili nating paraiso. Ano tara na? Haha," pang-aaya sa akin ni kuya.

Hawak-hawak ni kuya ang kamay ko kahit saan. Kumuha kami ng isang kwarto para sa dalawang tao.

"Ilang araw tayo dito kuya?," tanong ko habang nakaupo sa kamang malambot. "Dalawang araw Kiro para maenjoy natin ang bakasyon," sabi ni kuya habang inaayos ang mga gamit namin.

Drowning In Love (BOYxBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon