Part 9: Drowning in Love

91 7 0
                                    

[ KIRO's POV ]

Naglalakad ako sa hallway papunta sa student's lounge nang makita ko si Ivan. Hinatak ko siya sa isang lugar para kausapin.

"Miss mo na agad ako?," pang-aasar niya. "Ivan itigil mo na ang panliigaw mo please? Sabi ko naman kasi sayo na wala akong gusto sayo diba? At isa pa may mahal na 'ko okay kaya please itigil mo na," sabi ko sa kanya sabay takbo papunta sa labas ng school.

"Kirooo sandaliii Kirooo!!," pagtawag sakin ni Ivan habang hinahabol ako.

Hingal na hingal akong napahinto sa gate ng school tila hinahabol ko ang aking hininga pero naabutan pa rin ako ni Ivan.

"Kiro I love you so much. Wala ba talaga kahit konting feelings lang oh please?," pagmamakaawa ni Ivan sabay hawak sa kamay ko. "We can be friends naman. Hindi na talaga tayo pwede kasi may iba na kong mahal," sabi ko.

Hindi ko inaasahang nasa likod ko na pala si kuya. Kita ko ang pagseselos sa mga mata niya, maging ang panga niya ay nanginginig sa selos. Natandaan kong susunduin niya pala ako ngayon. Shit baka magkagulo.

"Anong problema dito? At ikaw? Bakit mo hinahawakan ang kamay ng asawa ko," sabi ni kuya sabay hawi sa bewang ko.

"K-kuya," gulat na sabi ko. "Nag-uusap lang kami," patuloy ko. "Nag-uusap pero may paghawak? Yari ka sakin mamaya," bulong ni kuya na may halong pagbabanta.

"Ahm wala naman pong problema sir. Ahm sir pwede po bang makausap si Kiro kahit sandali lang po," nangungusap na sabi ni Ivan.

"Sige I'll give you 1 min. Your timer starts now," sabi ni kuya habang nakatingin sa relo niya. "Kuya naman eh parang tanga, dun ka muna sa kotse, mag-uusap lang kami," sabi ko habang tinutulak ko siya.

"Pag kayo nakita kong naglalaplapan, pagbubuhulin ko kayo lalo na yan, basag mukha niyan sakin," bulong sakin ni kuya at bumalik sa parking lot.

-------------

Nag-usap kami ni Ivan para linawin ang lahat.

"Kaya pala ganyan na ang kislap ng mga mata mo kasi may nagpapasaya na pala sayo. I'm happy for you. Marunong ako tumanggap ng pagkatalo," malungkot na sabi ni Ivan.

"Tss ano ba Ivan, sasaya ka kahit hindi ako okay? Hindi ka talo," sabi ko.

"Ang swerte mo kasi may narating na sa buhay yun, eh ako wala man lang maipagmamalaki," sabi niya.

"Ivan madami kang maipagmamalaki. Ang talented mo kaya tapos pogi pa oha. Dami ngang nagkakandarapa sayo sa tuwing nilalaban ka sa pageants," pangchi-cheer up ko sa kanya.

"Nambola ka pa haha pero masaya ako na masaya ka Kiro. So pano ba yan una na ko, baka masapak ako ng asawa mo may pageant pa ko bukas. Ayokong lumaban ng bugbog-sarado," pagpapatawa niya.

"So friends?," tanong ko sabay lahad ng kamay ko. "Friends," sabi niya sabay saludo sa akin. "Ayaw kitang hawakan alam kong nakamasid siya satin ngayon haha," pagbibiro niya.

----------------

Pagkatapos naming mag-usap ni Ivan ay tumungo na ko kung saan naka-park ang kotse ni kuya.

"Bakit nandyan ka sa backseat? Di ako taxi driver kurimaw," tanong ni kuya. "Ayoko dyan masikip," pag-iinarte ko.

"Bakit ang tagal niyo? Sino ba yun? Ano bang pinag-usapan niyo?," sunod-sunod na tanong ni kuya. "Ah eh ahm si Ivan yun, a-ano d-dati kong manliligaw. Ilang beses ko na siyang pinapatigil pero ayaw niya at ngayon titigil na siya," sagot ko.

"Fuck, nagpapaligaw ka naman?," inis na tanong ni kuya. "Di ko siya pinapansin okay? Nilalayuan ko siya kada lalapit siya sakin. Sayo nga lang ako," pagpapakilig ko kay kuya.

Drowning In Love (BOYxBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon