Part 12: Drowning in Love

85 3 0
                                    

Nagising ako na nasa loob ng tent at nakadamit na pero wala si Knox sa tabi ko. Kinabahan ako. Agad akong lumabas ng tent para hanapin siya.

"Knoooox!! Knooxxx!! Nasaaan kaaaa?," sigaw ko.

Nangingilid na ang mga luha ko. Hindi ko makita si Knox. Baka may nangyari ng masama. Fuck!

"KNOOOXXX ANOOO BAAAA?!," sigaw ko at bumuhos ang mga luha ko.

Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang bulto ng lalaking may dala dalang mga prutas at kumaway sa akin. Ngumiti ito. Fuck you Knox! Tumakbo ako papunta sa kanya habang tumutulo ang mga luha ko. Niyakap ko siya sa bewang niya nang mahigpit. Sinubsob ko ang mukha ko sa matipuno niyang dibdib.

"Akala ko iniwan mo ko, akala ko may nangyari na sayo. Kainis ka sabi mo di mo ko iiwan," iyak ko habang pinapalo ng mahina ang dibdib niya.

"Shh baby wag kang umiyak, ayokong umiiyak ka," binitawan ni Knox ang mga dala niya at niyakap ako. "Namitas lang ako ng mga sariwang prutas para may kakainin ka paggising mo," pagpapatuloy niya.

Sabay kaming pumunta pabalik sa tent. Pinagbalatan niya ko ng prutas at sinubuan ako. Napaka sweet ng asawa ko. Napakaswerte ko sa kanya.

Di nagtagal ay nag-ayos na kami ng gamit at pumunta pabalik sa hotel kung saan nandon ang mga kaibigan ko pati sina mama at papa.

[ KIRO's POV ]

Narito ako ngayon sa kwarto, nag-iimpake kasama ang mga kaibigan kong kurimaw. Hindi pa rin nila ako tinitigilan. Mga demonyo talaga sa buhay ko.

"Bakit ganyan ka maglakad Kiro? Nako nako, nag "ah ah" ba kayo ni Knox sa islang yun?," panunudyo ni Tupe. "Magkwento ka naman Kiro, malaki ba? Magaling ba si Knox? HAHAHA," pang-aasar ni Andrei.

Namula at nag-init ang mukha ko sa pang-aasar na ginagawa nila.

"Para kayong mga tanga. Bakit naman namin gagawin yun edi may nakakita samin diba?," pagsisinungaling ko.

"Eh bakit namumula yang ilong mo? Kilala kita pag nagsisinungaling ka, tingnan mo namamawis ilong mo yiee ikaw ah HAHAHA," pang-aasar ni Andrei sabay tawa ng malakas.

"Napasukan ng jumbo hotdog si Kiro ugh ugh HAHAHA," pang-aasar ni Tupe. "Mas malaki pa yung kay baby Ivan ko kesa kay Knox noh argh," sabat ni Andrei.

"Ayan Andrei, pokpok ka talaga," sabi ko. "Hoy Kiro wag mo sabihing bitter ka samin ni Ivan. Susumbong talaga kita kay Knox para mag "ah ah" ulit kayo HAHA," sagot ni Andrei.

"Mag-impake na nga kayo. Dami niyong daldal, salpakan ko ng dildo mga bibig niyo eh," sabi ko. "Gusto ko hotdog ni Ivan," sabi ni Andrei. "Tumahimik ka nga Andrei, masyadong desperada," sabi ni Tupe.

"Aray ko! Ang sakit non ah. Pag naging kami ni Ivan, kakainin mo poopy ko, itaga mo sa bato Tupe," pagbabanta ni Andrei.

Napailing na lamang ako asaran naming magkakaibigan. Agad na bumaba kami para maghintayan sa lobby at pumunta na ng airport para makauwi. Nakauwi ang lahat nang maayos at ligtas. Nakarating kami sa Pilipinas ng alas dose ng tanghali.

"Anak anong plano niyo bilang mag-asawa hmm?," tanong ni Mama. "Ahm Ma, may binili na kong bahay sa Villa Francia. Isang village po yun Ma. Bago pa kami ikasal ni Kiro, bumili na ko para ready," pagmamalaki ni Knox.

"Hoy bakit di mo sinabi sakin?," gulat na tanong ko. "It's a surprise baby. Pag sinabi ko edi hindi na surprise," sarkastikong sabi ni Knox.

"Tha't my boy. Hindi ako nagkamaling kupkupin ka, Knox. Alagaan mo 'tong si Kiro hmm? Wag mo papabayaan," sabi ni Papa kay Knox. "Opo Pa, pangako ko na sayo yan dati pa," sabi ni Knox.

Drowning In Love (BOYxBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon