[ KIRO's POV ]
Makalipas ang isang buwang paghahanda para sa kasal namin ni Knox ay lumipad na kami papuntang Thailand. Inimbita ni Papa at Mama ang lahat ng empleyado ng kompanya, maging ang mga kaibigan ko at nilibre na nila ito papunta at paalis ng Thailand.
Nakarating kami sa hotel dito sa Thailand ng alas otso ng gabi. Sa Akyra Beach Club Phuket kami ikakasal ni Knox. Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko na sina Andrei at Tupe sa kwarto ko sa isang hotel.
"Bukas na ng hapon kasal mo wahh. Ready ka na ba sa kasal mo?," tuwang tuwang tanong ni Tupe. "Oo, kinakabahan nga ako haha," sabi ko na may halo-halong emosyon. "Dapat ka lang na kabahan dahil kami nina Tita, Tito at Tupe ang nagplano nito haha," pagbabanta ni Andrei.
Pinalo ko sa balikat si Andrei. Binalibag ko siya sa kama at dinaganan.
"Biro lang Kirooo d-di ako makahinga deputa ka," sabi ni Andrei habang nakadagan ako sa kanya.
Tinulungan ni Tupe si Andrei na makawala sa pagkakadagan ko.
"Tama na yan Kiro haha. Pero Kiro ahm sana friends pa rin tayo pagkatapos nito HAHAHAHAHA BYEEE!!," sabi ni Tupe sabay hila kay Andrei at tumakbo palabas ng kwarto ko.
Napailing-iling na lamang ako sa kanila. Mga burikat talaga amp. Nagpahinga muna ako at natulog. Kailangan cute ako sa kasal namin haha.
----------
[ KNOX's POV ]
Nandito ako sa kwarto ko kasama ang kurimaw na si Ivan. Hindi ko alam kung bakit groomsman ko tong kurimaw na to. Heto siya ngayon, binabadtrip ako.
"Hindi ka ba masaya pre? Ikakasal ka na bukas oh. Kung di ka masaya pre, pwede namang ako na lang pumalit sayo as the groom of Kiro HAHAHAHA," pang-aasar ni Ivan.
"Kapag hindi ka pa tumigil pre, di ka na makakauwi ng buhay sa Pinas, itaga mo sa bato," inis na sabi ko habang tinititigan ko siya ng masama.
"Kalma lang pre, di ka naman mabiro eh. Sayang yung pogi kong mukha, di na papasok sa school mga nagkakacrush sakin, di na nila ako makikita sadt," pagbiniro ni Ivan.
"Napakahangin mo talagang kurimaw ka. Bakit ba ikaw ka-room ko ha? Umalis ka nga dito nababadtrip ako sayo," inis na sabi ko.
"Baka tayo talaga ang para sa isa't isa Knox HAHAHAHA. Tsaka bakit ayaw mo ba ko ka-room? Wag kang mainis sakin. Dito nagsimula ang TharnType yieee inlab ka sakin no? HAHAHAHA," pang-aasar sabay kindat ni Ivan.
"Ulol," mura ko sabay bato ng bote ng tubigan pero nakailag siya. "Sisiguraduhin kong memorable 'tong kasal mo HAHAHA. Dyan ka na nga," sabi ni Ivan sabay labas ng kwarto.
"Buti naman at wala ng kurimaw ang manggugulo sakin. I miss my fucking wife the fuck. Bakit kasi bawal magkita bago ang kasal eh hays," sabi ko sa sarili ko. Di ko namalayang nakatulog pala ako.
----------
[ KIRO's POV ]
Nagising ako nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw na galing sa bintana ng kwarto ko. The fuck 11:45 am na kailangan ko pang mag-ayos.
"Oh gising ka na pala. Bumangon ka na dyan at maligo ka na. Baka ma-late ka pa sa kasal mo," sabi ni Tupe. "Naliligo pa ata si Andrei eh, rinig ko yung tubig. Bagal pa naman maligo nun. HOY ANDREIII WAG KA NA MAGFINGER DYAN MAY KASAL PA KO," sigaw ko.
Pagkalabas ni Andrei ng cr ay agad ko namang kinuha ang twalya ko at ang susuotin ko sa kasal namin ni Knox. Excited na ko, ikakasal ma kami fuck.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ko. Wala yung dalawang burikat kaya naman ako na ang nag-ayos sa sarili ko. Maya-maya ay may sumipa nang malakas sa pinto ng kwarto ko na akin namang ikinagulat.
BINABASA MO ANG
Drowning In Love (BOYxBOY)
RomanceIsang kwentong nagpapatunay na kailan man ay hindi malulunod ang pag-ibig. Hahamakin nito kahit dagat ma'y malalim. Tunghayan ang malalim na pag-iibigan ni Knox at Kiro. Nasa kamay nga ba talaga nila ang tadhana?