"Kuya sigurado ka bang marunong ka magdrive nito," pag-aalala kong tanong kay Knox habang pasakay ng Yacht.
Bigla niya akong sinunggaban ng halik habang nakahawak sa pisngi ko na akin namang ikinagulat. Pinalo ko siya sa balikat dahil sa ginawa niya.
"Bigla-bigla ka na lang nanghahalik. Nakakahiya baka may makakita satin, sabihin ang harot ko," sabi ko habang namumula ang pisngi. "Eh ikaw naman kasi, isa pang tawag sa akin ng kuya baka di lang yan abutin mo," sabi niya sabay ngisi.
"Tss okay fine, hubby," inis na sabi ko sa kanya. "Ay napipilitan ka lang ata eh," sabi ni kuya na nagkukunwaring nagtatampo. "Aysus, mahal na mahal ko tong baby ko eh. Ano? Dito na lang tayo maghaharutan ha? Tara na excited na ko.
Agad naman siyang tumalikod at umupo.
"Anong ginagawa mo?," tanong ko. "Sumakay ka sa likod ko bonak. Nauntog na yang ulo mo at naging slow ka?," pang-aasar niya. "Uh uh daming alam talaga puro kapokpokan," sabi ko sabay sakay sa likod niya.
Sumakay kami ng Yacht. Ibinaba niya ako para maayos ko ang mga dala naming gamit namin. Binalikan naman niya ang mga pagkain na iniwan namin sa labas yacht.
"Kumpleto na ba mga gamit natin?," tanong niya. "Aye! Aye! Captain," sabi ko sabay saludo sa kanya.
Sinimulan niyang imaneho ang yacht. Plano naming mamasyal at pumunta sa isang isla dito. Habang nasa biyahe ay umalog-alog ang yacht dahil sa malalaking alon.
"KNOOOOXXX!! ANOOO BAAA?!! MARUNONG KA BA TALAGAAA? TAWAGAN NA NGA NATIN SINA PAPAAA," sigaw ko na may halong takot. "Kalma asawa ko, kayang-kaya ko to. Macho ata asawa mo," sabi niya sabay flex ng muscles niya at tumawa nang nakakaloko.
"Ayoko pang mamatay Knox depungal ka," inis na sabi ko. "Mamaya ka sakin, papatayin kita sa sarap," pang-aasar ni Knox sabay tawa.
Babatuhin ko sana siya ng dala kong unan pero natakot ako, baka di makapagfocus si Knox sa pagmamaneho. May trauma na ko sa dagat kaya nandito ako ngayon sa isang sulok.
"Asawaa kooo lika dito dali, tingnan mo yung pupuntahan nating isla mula dito," tawag sakin ni Knox. "Ayoko natatakot ako," sabi ko. "Akong bahala, nandito ako oh, babantayan kita," sabi ni Knox.
Dahan-dahan akong pumunta kung nasaan si Knox at yumakap ako mula sa likod niya. Tiningnan ko kung gaano kaganda ang islang iyon.
"Wag matakot okay? Pag kasama mo ko, you're safe baby," pagpapakalma sakin ni Knox. "Opo, I love youuu," sabi ko kay Knox sabay yakap sa kanya nang mahigpit mula sa likod. "I love you too asawa ko," sabi niya sabay paandar ulit papunta sa isla.
Di nagtagal ay nakarating na rin kami sa isla.
"Masyado atang napasarap ang pagyakap mo sa abs ko baby haha," asar ni Knox. "Eh tss you're teasing me again, bahala ka dyan," sabi ko sabay kuha ng mga gamit.
Isa-isa naming nilabas ang mga gamit. Tinayo muna namin ni Knox ang tent dahil may araw pa rin at ang init.
"Asawa ko, tara ligo tayo," sabi ni Knox sabay hubad ng muscle shirt niya at shorts at ang tanging itinira lang ay ang kanyang brief.
Shit. My fucking husband is so hot. Di siya ganon kaputi at kaitim, sakto lang pero damn, napapataas ang libido ko. Ang perfect abs at v-shape niya papunta sa bakat niya ay talaga namang nakakatakam. Agad kong tinanggal ang pagnanasa sa kanya at nagkunwaring naiinis.
"Depungal ka, bakit nakabrief ka lang? May makakita sayo dyan oh, makita nila yan, pagnasaan pa tss," inis kong sabi. "Asawa ko, tagong isla daw 'to sabi ni Papa. Sabi niya dito kita dalhin. Sayong-sayo lang tong si baby Knox, okay? Haha. Natikman mo na nga to ah ah," pang-aasar ni kuya sabay tawa.
BINABASA MO ANG
Drowning In Love (BOYxBOY)
RomanceIsang kwentong nagpapatunay na kailan man ay hindi malulunod ang pag-ibig. Hahamakin nito kahit dagat ma'y malalim. Tunghayan ang malalim na pag-iibigan ni Knox at Kiro. Nasa kamay nga ba talaga nila ang tadhana?