Part 14: Drowning in Love

113 2 0
                                    

"Bakit daw? Anong nangyari?," tanong ko na puno ng pag-aalala.

"Matagal na daw siyang patay simula nang manganak siya. Pati anak namin patay na dahil kulang sa buwan. Fuck. Ngayon, pupuntahan ko yung Mental Hospital para alamin ang buong nangyari at sementeryo kung saan nilibing ang mag-ina ko," umiiyak na sabi ni Lie.

"Condolence Lie sa pagkawala ng mag-ina mo hays. Update mo ko. Pupuntahan ka namin ni Knox mamaya, usap tayo," sabi ko at pinatay ang linya.

---------

Pumasok na ko ng university. Male-late na ko kaya naman tumakbo na ko para makaabot ako sa first class. Sa kamamadali ko sa pagtakbo ay nakabangga ako ng isang babae. Matangkad siya sakin ng konti. May mayayaman na dibdib at ang kanyang labi ay mala-rosas ang kulay na kahit sino man ang makakita dito ay tiyak na maakit itong halikan. Ang buhok niya ay naka-ponytail. Nagmukha siyang hot nerd dahil sa salamin niya.

"Fuck, sorry po sorryyy," sabi ko at kinuha ang mga librong nahulog niya.

Nang makita ko ang reaksyon niya, noong una ay parang nainis siya sa pagkakabangga ko pero nung nakita niya ang mukha ko ay tila nag-iba ang reaksyon niya at kinausap ako.

"Ahh okay lang okay lang, kasalanan ko rin naman haha," mahinahon niya sabi at mahinang tumawa. "Are you sure miss? Baka nasaktan ka," pag-aalalang tanong ko.

"No, I'm okay by the way I'm Chelsea, Chelsea Marasigan," pagpapakilala niya sakin sabay nilahad ang kamay niya. "I am Kiro, Kiro Villaruiz," pagpapakilala ko at tinanggap ang pakikipagkamay niya.

Kakaiba itong babaeng to. Ewan ko ba, sa tuwing titingnan ko siya sa mata parang kakaiba. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Di ko alam kung kinakabahan ako or what. Sa tuwing titingnan ko siya ay umiiwas siya ng tingin.

"Ah sige Miss Marasigan, mauna na ko. Malelate na kasi ako eh kaya nagmamadali na ko," sabi ko sabay takbo. "Sige see you agaaain!," pahabol ko at nakita kong kumaway siya.

Nagmadali akong umakyat sa 2nd floor pero halos lahat ng tiningnan kong nakapaskil na masterlist sa mga pinto ay wala ang pangalan ko.

"Villaruiz, tama Villaruiz baka sa 5th floor ako," sabi ko sa sarili ko.

Kaya naman mula 2nd floor, umakyat ako papuntang 5th floor ng building ng Marketing Department. Di na ako gumamit ng elevator kasi marami ring late na estudyante. Tiningnan ang bawat pinto ng room pero wala doon ang pangalan ko.

"Bakit kasi di pa nila sinabi agad yung mga rooms namin wahhh tangina," inis na sabi ko sa sarili ko.

Maya-maya'y biglang nag-ring ang phone ko. Tunatawag si Andrei.

"Oh hello. Alam niyo na room niyo?," pagod na tanong ko sa kanya. "Oo, nandito na nga kami eh. Wala pa prof namin," tuwang sabi niya.

"Sana all tangina," inis na tanong ko. "Nga pala sa 3rd floor yung room mo. Hinanap na namin ni Tupe. Ang bait naming kaibigan no HAHAHA," sabi niya sabay tawa.

"Fucking shit!! Waaaahhh 2nd floor na ko kaninaaa ehh wahhh lumagpas pa ko huhu," napaupo ako sa hagdan sa sobrang pagod.

"Balita ko may masungit daw na prof, once na ma-late ka daw, wag ka ng papasok sa subject niya hanggang sa matapos ang school year," sabi ni Andrei.

Agad naman akong bumaba agad papuntang 2nd floor. Baba, takbo, baba, takbo, yan na lamang ang ginawa ko tanginang yan. Pagkaliko ko ay may babae na naman akong muntikang mabangga, buti na lamang ay nakontrol ko pa ang sarili ko.

"Ikaw ulit?," sabay na tanong namin. Natawa kami sa reaksyon ng isa't isa. Siya na naman yung nakabangga ko, si Chelsea haha.

"Di mo pa rin ba nahahanap yung room mo?," tanong niya sa akin. "Hindi pa, napapagod na nga ako eh haha," pabirong tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Drowning In Love (BOYxBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon