Chapter 1. MY FIRST AND LAST MEET HIM

4 0 0
                                    

MITCH POV.

Sa ilalim ng puno ng sampalok o madalas tambayan ng bawat estudyante kami nahinto.  Labasan noon at tapos na ang klase.  Sa di kalayuan matatanaw ang canteen kung saan bigla kong napansin na nakabaling ang tingin ng aking kaibigan na si Rose. 
"PSSSSSSSSST" Pag baswit nito ng malakas na wari mo'y may tinatawag sabay dagdag pa nga ng pangalan.
Di ko nalamang pinansin ang kaibigan ko sa oras na yun sapagkat nakakapagod nga naman ang araw araw na paglelecture sa bawat subject.
Makikita na unti unting lumalapit na ang kanyang tinatawag. Ngunit hindi ito dumiretcho sa aming pwesto.
Sinundan ko ang linya kung saan nakatingin si Rose para malaman ko kung sino nga ba ang taong tinatawag nya.
"Sino ba yun? Crush mo?" Pag tatanong ko sa kanya habang nakatalikod dahil sa pagkahiya na lamang dahil sa marami ang kasama ng kanyang tinatawag.  Grupo ito ng kalalakihan. 
Inaya ko na agad si Rose para lumakad na at umuwi.
Kinabukasan ay muli naming nakita ang grupo ng kalalakihan at mapapansin ngang namumukod tangi ang dating ng lalaki na tinatawag ni Rose. Muli nyang tinawag ito.
"Angelou!" Pagkalakas nyang pagtawag dito. "Crush ka daw ni Mitch" Dagdag pa nito.
"Huy.  Anong crush ko?! Di ko yan kilala no." Pagtatanggi ko,  habang may kasama pang paghampas dito.
Mabuti na lamang at hindi lumapit ang lalaki at ngumiti lang ito. Agad na akong lumakad papalayo mula sa kinatatayuan namin. Hiyang hiya ako dahil sa hindi ako sanay na inirereto sa mga taong di ko kilala lalo na't sa lalaki pa.  Aaminin kong madami akong crush. Alam naman natin na highschool life is the best journey nga daw. 
"Pogi kaya yun. Si angelou yun." Paghabol sakin ni Rose habang nagpupumilit na makinig ako sa kanya.
"Hay nako, di naman gwapo yun e." Tanggi ko kay Rose. 
Pero that time may naramdaman talaga akong spark nung nakita ko si angelou. Itinatanggi ko kay Rose dahil hindi pa naman ako sigurado. 
Sa araw araw na pag pasok namin ni Rose, may iba akong nararamdaman na para bang excited kong pumasok palagi.  Na kailangan blooming ako.  Pero wala sa isip ko that time na maging crush si angelou.  I didnt know his identity.
Nang dumating ang isang araw.
"Crush mo ba yung angelou?" Pagtatanong ko kay Rose.
"Ha?  Hindi.  Ikaw nga ang inilalapit ko dun." Tugon nito. 
"Bakit crush mo no?" Dagdag pa ni Rose. Na may kasamang pang aasar. 
Sa totoo lang,  parang nasanay na ako sa araw araw na pang aasar ni Rose sa akin kay Angelou. Sa araw araw ba naman na paglalapit ni Rose sa aming dalawa ay tila ba nararamdaman kong nagugustuhan ko na nga sya. 
Pauwi na ako nang may bigla akong natanaw sa malayo,  isang lalaki matangkad, matikas na pangangatawan,  nakauniporme, at may kasa kasamang dalawang lalaki. Nang palapit na ng palapit ito ay palakas na ng palakas ang kaba sa dibdib ko.  Si Angelou pala itong lalaki na natatanaw ko. Dali dali akong naglakad papalayo,  at nagtago sa gilid ng Dormitory.
"PSSSSSST." Baswit ko sabay tago ko sa halaman kung saan halos katangkad ko lang.  Sa mga oras na yun, hindi ko alam kung papaano ko nagawa na tawagin sya ng ako lang mag isa.  Hiyang hiya ako,  mabuti na lamang ay hindi nya narinig ang pagtawag ko.  At nang makalayo na sya kung saan ako nakatago ay agad na akong naglakad at umalis na. 
Pag uwi ko sa bahay ay tumungo ako sa kwarto at wari ko'y para akong lutang na nahiga.  Iniisip ko si Angelou.
"Totoo nga bang gusto ko na sya? Bakit ko naman gagawin ang tawagin sya?" Napakamot nalang ako sa ulo sa mga oras na yun.
Kinabukasan. Maaga akong nagising at gumayak na para makarating agad sa school. Wala pang masyadong tao noon sa classroom. Lumabas ako para maupo muna sa blue bench.  Nagbabakasakali na makita si Angelou.  Pero sa mga tagpong yun di ko sya nakita.  Kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtext kay Rose. 
"UY!" Pang gugulat ni Rose na nasa likod ko na pala ng di ko namamalayan.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito habang nakayakap sa mga kamay ko.
"Nakaupo lang.  Ayoko kasi sa loob wala naman akong ginagawa." Sagot ko,  habang nakatanaw sa Academic Building. 
"Inaabangan mo si Angelou no?" Pang aasar na naman nito sa akin.
"Hindi ah.  Hindi ako interesado. At tsaka madami akong crush." Pagtatanggi ko kay Rose.
"Hali ka na nga, pumasok na tayo." Pag aaya ni Rose.

Pumasok naman kami agad sa loob ng classroom at naghintay nalang ng mga darating pa naming kaklase.  Nang dumating na nga ang iba pa nagsimula na agad ang klase. Alas singko na ng hapon at last subject namin ang papasukin ko.  Isa akong SPA-Music.  Mahilig kasi akong kumanta at ito na ang passion ko simula pagkabata ko.
Umakyat na ako sa hagdan at pupunta na sana ako ng bigla akong mapatingin sa tapat ng classroom namin.  Magkatapat na building kasi ang building namin ni Angelou kaya di ko maiwasan na mapatingin dito.  May biglang umagaw ng pansin ko, ang mga naglalaro ng sepak sa baba tanaw mula sa taas kung saan ang classroom ko. Nanuod muna ako sa mga naglalaro na atleta dahil di pa naman nagsisimula ang klase namin.  Nakatanaw lang ako sa mga naglalaro sa hindi ko mawaring dahilan.  Hindi ako mahilig sa larong to. At alam kong di ako interesado dito.  Ngunit patuloy pa din ako sa panonood.  Mga ilang minuto lang ang lumipas at pumasok na ako sa loob ng silid.  Mag gagabi na ng matapos ang klase namin noon. Pababa na ako ng hagdan at natanaw ko si Rose,  na kausap si Angelou.  Hindi ko alam pero sa mga oras na yun,  hindi ko naramdaman na sumaya dahil ang nasa isip ko noon mabuti pa sya. Umiwas na ako sa daanan kung saan sila naroon.  Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakabaling ang tingin sa daanan.  Nagmadali ako para di ako makita ni Rose.  At wala pang isang oras nakarating na ako sa bahay,  mukha akong pinagsakluban ng langit at lupa.  Dahil sa wala na akong choice naisip ko na matulog na lang.
"KRINGGGGGGG....... KRINGGGGGGG... "
Tanghali na ng magising ako at nakita ko na magtatanghali na pala. Agad na akong gumayak sa pagnanais na makahabol ako sa klase.  Nang makarating na ako sa classroom pansin ko na busy si Rose kaya naupo nalamang ako.  Mapapansin na tahimik ang linya sa aming dalawa ni Rose. 
"Busy ka?" Tanong ko sa kanya sabay pahapyaw na silip sa cellphone na hawak nya.
Doon ko nakita na katext nya si Angelou. Hinintay ko sa buong maghapon na magkwento sya tungkol kay Angelou pero bigo ako.  Tahimik lang kami at hindi gaya noong dati. Naulit ito ng naulit sa mga sumunod pa na mga araw. Hindi ko na lamang ito pinansin sapagkat naibaling ko ang atensyon ko sa ibang bagay at sa ibang tao na nakikilala ko. Lumipas ang tatlong linggo, hindi ko na nababanggit si Angelou.  Sa dahilan na hindi ko na rin naman na sya nakikita simula nung nakita ko sila ni Rose na magkausap. Hindi ko sigurado kung anong namamagitan sa kanila noon,  ngunit agad din namang nawala ang atensyon ko kay Angelou sa mga panahon na hindi ko na din sya nakikita.
Lumipas pa ang maraming linggo. Nagpatuloy pa na hindi ko na nababalitaan kay Rose si Angelou,  ni hindi ko na rin ito nakikita. Hanggang sa natapos na ang unang taon ko sa highschool. At sa pagkakataon yun nawala na sya sa isip ko. 

AFTER SIX YEARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon