ANGELOU POV.
Unang kita ko palang sa kanya, napasaya na nya ako. Sa bawat baswit nya at pag tawag halata mong gusto nyang mapansin mo sya. Kung mas maaga ko lang sana syang nakilala siguro ay matagal na akong nagtino. Aaminin ko, ako ang tipo ng estudyante noon na puro cutting class, inom, barkada, at aminadong marami talagang nakarelasyong babae. Pero hindi naman ako yung tipo na babaero. Sakto lang. Haha. Pero talagang hindi ko masasabing maganda ang highschool life ko. Hindi ko pansin noon si Mitch, nakikita ko lang sya kapag kasama nya ang kaibigan nya. Si Rose, sya ang nakakausap ko sa text at may isang linggo kaming nagkamabutihan pero hindi naging kami. Kung hindi lang sana ako nalipat ng school edi sana kami na ni Mitch. Nalipat ako dahil sa mga kalokohan na nagawa ko sa school kung san ko nakilala si mitch. Ilang taon na ang lumipas, pasulpot sulpot lang akong nagmemessage kay mitch sa messenger at hindi pa nga ito inaabot ng isang linggo. Busy rin ako noon at nagtatrabaho. Nang may isang araw nagkataon na napatambay ako sa kanto kung saan kasama ko ang kaibigan ko. Nakaramdam kami non ng gutom at kumain nga kami sa isang kainan malapit sa kanto ng tinambayan namin.
"Pre. Kilala mo yun diba? Sino nga yun? Sa fortunato nag aaral yan diba?" Pagtatanong ko kay Vj. Habang nakatitig lang sa babaeng nasa tapat ng kanto na pinipwestuhan namin. Isang babaeng nakapayong ng lila, may mahabang buhok, naka- abo na damit at nakaP.e pants, isang babae na walang kaarte arte sa mukha. Tila pulbos at liptint lang ang nagpapakulay sa kanyang mukha.
"Oo pre taga fortunato nga yan dati. Di ko na matandaan pangalan pero kilala ko yan." Sagot sakin ni Vj. Habang kumakain kami ng lugaw.
Hindi ako mahilig sa lugaw non, pero habang nakatitig ako sa babaeng yun ay di ko na namalayan na nauubos ko na pala ang lugaw na kinakain namin. Sa pagkakataon na magsasalubong ang aming mata ay ang syang pag iwas ko at pagbaling ko sa ibang pwesto upang di nya mapansin na nakatingin ako sa kanya.
Sa pagkakataon na yun, naramdaman ko ang sarili ko na nalove at first sight ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko at hinanap ko agad sa facebook ang babaeng nakita ko. Pinilit kong kalkalin ang search' people para lang matandaan ko kung sino sya at ano ang pangalan nya. Hindi ako nabigo. Sya nga si Mitch. Agad ko syang inadd at kahit alam ko na may boyfriend sya noon ay naglakas loob akong magchat sa kanya at di naman ako nabigo. Nagreply sya ngunit makikita mo na hindi sya ganun kainteresado sa ibang lalaki. Makikita mong loyal talaga sya.
Sa tagpo ng buhay ko ngayon, muli ko syang nakausap. At heto na nga isang babae na umiiyak at dinadamayan ko ngayon.MITCH POV.
Kaarawan ko na ngayon at makikita sa mga mata ko ang lungkot na dulot ng nakaraang break up. Lumabas lang kami ng mga kaibigan ko at kumain para macelebrate ang birthday ko. Sumalubong agad ang text message ni Angelou. Tuwang tuwa ako sa mga pagkakataon na yun. Ramdam ko na may isa akong kaibigan na makakaramay ko. Oo, kaibigan. Kaibigan nalang ang tingin ko kay Angelou. Marami na rin ang nagustuhan ko noon, at matagal na panahon na ang nakalipas bago kami ulit magkausap ni Angelou kaya masasabi kong ni konti ay wala na talaga akong feelings para sa kanya.
Tumagal ang pag uusap namin ni Angelou. At dumating ang araw na nag aya syang magkita na kami after six years.
"RINGGGGGGGG.... RINGGGGGG"
"Hello? Oh, bakit napatawag ka?" Masaya kong bati kay Angelou.
"Eh, kita tayo? Sama ka sa event. Sunduin kita ngayon?" Pag aaya nya sakin.
"Ngayon na ba talaga? Oh sige papaalam ako. Pero di ba pwedeng sumunod nalang ako sa venue?" Pagtatanong ko habang naghahanap na ng maisusuot ko.
"Susunduin nalang kita." Sagot nya.
"Eh magpapaalam pa kasi ako. Mauna kana susunod ako." Pagkontra ko sa kanya.
At dali dali na nga akong gumayak para makaalis na. Hindi pa ako noon pinayagan na umalis ni mami dahil sa stranger daw itong si Angelou. Pero hindi ko hinayaan na maudlot ang pagkikita namin after six years. Nang matapos na ako ay umalis na agad ako at halos mag iisang oras na ng dumating sa mismong venue. Ibinaba ako ng jeep sa may kanto, at sa unti unting pagbaba ng paa ko mula sa babaan ay ramdam ko ang nag uunahang daga sa aking dibdib.
Nang binaling ko na ang aking tingin sa tapat ng aking binabaan sa wakas nakita ko na rin sya. (INSERT MUSIC)°
🎶🎶Nang ikaw ay makilala napatulo ang laway ko binti ko ay nangatog
Ako'y sumemplang at nauntog
Ewan ko ano bang meron ka't kikay nato'y napaamo mo
Nabihag mo ang puso kong pihikan agad nainlab sayo🎶🎶Sa bawat hakbang papalapit sa kanya ay ramdam ko ang kaba, kilig, at saya.
At nang magkaharap na kami, wala na akong nagawa kundi umiwas ng tingin. Dahil makikita talaga ang pamumula sa aking pisngi.
"Pa-hold" Sabay abot nya sakin ng fries na kinakain nya.
Sumakay na ako at di namin maiwasan na tignan ang isat isa sa salamin ng motor. Hindi ako makatingin ng diretcho at namumula pa rin ako hanggang sa makarating na kami sa venue ng kasal. Sa buong araw, wala akong naramdaman na kahit anong hindi kapanatagan kasama sya. Naramdaman ko ng sobra ang saya kasama sya. At kinagabihan ay umuwi na rin kami.ANGELOU POV.
Ito ang unang beses na magkikita kami ulit ni Mitch. Makalipas ang anim na taon. Panatag na panatag ang loob ko sa kanya at sobrang saya nyang kasama. Hawak ko ang kanyang kamay ngayon, at alam ko na naiilang sya rito. Pero naramdaman ko na hindi ko na pwedeng bitawan ulit sya. Ibang iba sya sa lahat ng babae ang gaan nyang kasama.
BINABASA MO ANG
AFTER SIX YEARS
Novela JuvenilAUTHOR Imagine "Crush mo noon, boyfriend mo na ngayon" Ang kwento na ito, ang syang magbibigay ng pag asa sa bawat tao na darating din ang tamang oras para sayo. Maghintay ka lang, Kung kayo man KAYO talaga. Pero sino nga bang makakapagsabi kung kay...